You are on page 1of 6

Filipino Reporting

Flow week 3

Aralin 3: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa pagsasalaysay ng orihinal na


anekdota

Flow:
Day 1 Day 3
Balik-Tanaw Continuation ng topic
Intoduction sa anekdota -Mga isaaalang-alang
sa pagpili ng paksa
-Ano ang anekdota
-Mga mapagkukunan
-Mga katangian ng anekdota
ng paksa
-Elemento ng anekdota
-Sangkap ayon kay
Day 2 Michael canale at
Kwento merril swain

-Basahin ang kwento


-Ibigay ang buod Day 4

-Gawain Quiz
Day 1:
Into.
Balik-tanaw:
*tanungin kung naalala pa nila iyon. *magpasagot sa notebook
Balik-Tanaw Tama o Mali
1.Ang debate ay isang pakikipagtalong may estruktura. Isinasagawa ito ng
dalawang grupo o pangkat na may magkasalungat na panig tungkol sa isang
napapanong paksa.
2. Ang pagsasaling wika ay pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas
na mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
3. Nilalaman napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater
patungkol sa panig na kaniyang ipagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa
ng debate.
4.Estilo dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga
argumento, at kung pano niya maitatawag ng pansin ang kaniyang proposisyon.
Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng
magkakapangkat.
5.Estratehiya dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng
tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga
pangungusap na kaniyang babanggitin sa debate.
Introduction sa anekdota:
Ano ang anekdota?
*Tanungin if alam nila ang anekdota
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari
sa buhay ng isang tao. Ito rin ay isang salaysay na may punto, tulad ng pagbabatid
ng isang ideyang mahirap unawain tungkol sa isang tao, lugar, o bagay sa
pamamagitan ng konkretong mga detalye ng isang maikling kuwento o upang
kilalanin sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang partikular na ugaling hindi
inaasahan o mga katangian.
*Ang anekdota daw ay isang maikling kwento o pagsasalaysay ng isang
nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isangh tao. Kadalasan ito ay maikli ang
mga pangyayari. At ang anekdota rin ay maaaring totoong nangyari sa buhay ng
tao o maaari ding mga likhang-isip lamang ito subalit halos nahahawig sa
katotohanan
*Kung ihahango ito sa tunay na buhay ng isang tao ang anekdota ay nag
nakakatulong o nag bibigay ng pag kakataon upang lalo pang makilala ng mga
mambabasa o mga tagapakinig ang totoong pagkatao o personalidad ng taong
pinagtutungkulan nito.
*Ang anekdota namang likhang-isip o hindi base sa tunay na buhay ay madalas na
may paksang katatawanan subalit may taglay na mensaheng kapupulutan ng aral
ng mga makikinig o mambabasa.
*Saan ba madalas nagagamit ang anekdota?
*Madalas nagagamit ang anekdota sa pag susulat lalo na kapag may isang bagay na
nais bigyang diin ang manunulat kung saan angkop na angkop ang mensaheng
anekdota. Nagagamit din ito sa pagtatalumpati lalo na sa pagsisimula o sa
pagwawakas o kung may puntos na nais bigyang-diin ang tagapagsalita.
Nagagamit ang anekdota upang makapagbigay aliw, makapagpaturo, o makapag
bigay aral patungkol sa isang paksa.
*Ang anekdota ay maaring isinulat ng isang tao tungkol sa ibang tao. O kaya maari
ring isinulat iyon ng isang tao tungkol sa kanyang sariling karanasan.
Ano ang layon ng anekdota?
Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng
aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.Isang malikhaing akda ang anekdota.

-Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.


-Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik.
-Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at
mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
1. May isang paksang tinatalakay- Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
*Dapat alamin mo ang paksang paggagamitan mo ng anekdota. Mula rito’y piliin
mo ang isang pangyayari sa iyong buhay na angkop na angkop para sa layunin o
paksa.
2. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang
nais nitong ihatid sa mga mambabasa -Di dapat mag-iwan ng anumang
bahid ng pagaalinlangan na may susunod pang mangyayari.
*Ito’y pagkaisipang Mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo bilang
makakatotohanang anekdota. Itala ang lahat ng naalala o natatandaan mo tungkol
sa anekdota. Kung ito ay hango sa totoong buhay balikan bilang isang larawan ang
lahat ng nanyari. Kung asan ka, ano ang itsura ng paligid, at kung ano ang nagging
reaction ng mga taong nakapaligid saiyo nung nanyare ito.
3. Mayroon itong salaysay- Ang mga anecdote ay ipinahayag na parang
naglalarawan ng isang kuwento. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan
nilang panatilihin ang isang pagkakasunud-sunod kung paano nangyayari
ang mga kaganapan, mula sa paunang salita nito, sa pamamagitan ng pag-
unlad at hanggang sa katapusan nito.
*Sa pagsasalaysay nito’y wag agad sasabihin ang kasukdulan o ending dahil
mawawala ang pananabik ng mambabasa o tagapakinig sa kabuoan nito.
(magbigay ng example). Kapag binitin mo ang kasukdulan o tinatawag na
punchline ay tiyak na mapapanatili ang interes nil ana sundan ang mga pangyayari.
At tiyakin lang na ang pangyayaring ilalahad ay talagang makakakuha ng attention
at magagamit sa layunin ng pagsusulat o pagbibigkas.
4. Batay sa totoong mga kaganapan- Ang isang anekdota ay dapat na nagmula
sa isang totoong kuwento, isang kawili-wili o nakakatawang kaganapan. Sa
ilang mga kaso, maaaring idagdag ang mga hindi totoong detalye, ngunit
nang hindi binabago ang kakanyahan.
*Tandaan na minsan nakakatawa, hindi basta biro ang mga anekdota.
Nagpapahayag sila ng katotohanan na mas malawak kaysa maiksing salaysay o
kaya naglalarawan ng tauhang sa paraang nakakatulong sa pagbuo ng mahalagang
pagunawa.
5. Panandalian lang sila- Dahil ginagamit ang mga ito upang makuha ang
pansin, sa pangkalahatan sila ay maikling kwento. Gayunpaman, sa kabila
ng kanilang maikling tagal, dapat silang magkaroon ng mahusay na
nilalaman para sa kanilang layunin na makamit.
*At kung gagamitin mo ang anekdota sa pagtatalumpati o pagsasalita ay
mahalagang makapag-ensayo ka upang maliahad ito ng maganda o mabisa.
6. Nauugnay sa ugali- Kapag gumagawa ng isang anekdota, mahalagang
magkaroon ng magandang ugali at pakikiramay upang sabihin ito. Ipahayag
ang iyong sarili alinsunod sa isinalaysay, na may iba't ibang boses upang
mahuli ang madla.
*At iwasan gumamit ng mabibigat na mga salitang hindi agad mauunawaan ng
mga mambabasa o tagapakinig. Ang pag sasalaysay ng anekdota ay para lang
pakikipag kwentuhan sa kaibigan tungkol sa isang hindi makaparaniwang
pangyayari sa iyong maghapon kaya gumamit ng mga payak na salita na madaling
maunawaan.
7. Sabihin ang mga nakaka-curious na katotohanan- Karaniwan silang mga
account ng hindi pangkaraniwang bagay. Maraming puno ng komedya na
nagbibigay-aliw sa tatanggap.
*Bilang pagwawakas ay bigyang-diin ang dahilan kung bakit mo inilahad ang
anekdotang ito. Dito nila mauunawaan at mapahahalagahan kung bakit mo isinama
ang anekdota sa iyong paglalahad.
8. Sundin ang isang pagkakasunud-sunod- Mahalaga na ang isang anekdota ay
sinabi sa isang maayos na pamamaraan, upang mapanatili ang sinulid ng
salaysay. Dapat itong pumunta mula simula hanggang dulo, nang walang
mga pagkakagambala o detalye na hindi bahagi nito.
*Katulad ng sinabi ko kanina sundin mo ang pagkasunos sunod nito para hindi ito
maging magulo at para makuha mo ang interest ng iyong mga tagapakinig o
mambaabsa na ituloy ang iyong kwento.
Elemento ng anekdota:
1. Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang kilalang tao.
Siya’y maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang
gawain na nagbigaypangalan sa kaniya.
2. Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang tagpuan
sa anekdota.
3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng suliranin sa
kuwento. Bago magwakas ang isang akda ay kinakailangang nalutas na ang
suliranin.
4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang
pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigayaliw sa
mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang panimula, nilalaman,
at wakas ng isang anekdota.
5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban sa
kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa
banghay.
6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang kasukdulan.
Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga mambabasa ang
magiging wakas ng kuwento. Ito’y nakapaloob din sa banghay.

You might also like