You are on page 1of 9

MGA BAHAGI NG

SANAYSAY
 1)Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat
sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng
atensyon ng bumabasa para basahin niya ang
natitirang bahagi ng sanaysay. Pwede itong isulat sa
paraang...

a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang


pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga
maliliit na detalye (inverted pyramid)

b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong


ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at
para isipin niya.
c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa
paksa.
d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga
literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang
sanaysay
e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang
pangungusap na makakakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
f) Kasabihan - Isang kasabihan o salawikain na
makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong
sanaysay.
g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.
2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng
iyong mga ideya at pahayag. Pwede itong isulat sa
paraang...
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon
ng pangyayari.
b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o
"side" ng paksa.
c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang
problema, angulo atbp ng isang paksa.
d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang
simple hanggang kumplikado at vice versa.
3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang
iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay.
Pwede itong isulat sa paraang...
a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay.
b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng
detalye ng sanaysay.
c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa
pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong.
d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong
sanaysay.
DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. Pormal na Sanaysay
 Tinatawag ding maanyo sa kadahilanang ito ay hindi
lamang tumutukoy sa kahit anong paksa lamang.
 Ito ay dapat pinag-aralan, pinag-ukulan ng matinding
pagsasaliksik upang mabigyang linaw ang paksang nais
talakayin ng may akda.
 Isang halimbawa ng mga maanyong sanaysay ay ang
pinapagawa sa iba't ibang paaralan tuwing may
isinasagawang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay.
Kadalasan, may isang partikular na tema kung saan
lamang dapat iikot ang nilalaman ng sanaysay na isusulat
ng mga kalahok.
 Isa pang katangian ng pormal o maanyong sanaysay
ay ang pagiging kumprehensibo nito. Hindi lang dapat
puro personal na opinyon ang nilalaman ng isang
pormal na sanaysay, kundi nakabatay sa isang
malawakang hagap. Kung hindi man, kahit papaano'y
dapat may pinagbabasehan ang bawat kurokuro na
ipinapabatid sa sanaysay. Isa pa, mas mahigpit ang
pamantayan ng paggamit ng mga salita sa pormal na
sanaysay.
DALAWANG URI NG SANAYSAY
2. Impormal o Di pormal na Sanaysay
 maituturing na mas malaya kung ang pag-uusapan ay
ang mga paksang maaaring talakayin at ang mga
salitang maaaring gamitin
 Kung ang natatanging layunin ng pormal na sanaysay
ay magbigay linaw sa isang itinakdang paksa, ang
layunin naman ng impormal na sanaysay ay
magbigay-aliw sa mga mambabasa o magbahagi ng
sariling opinyon o karanasan tungkol sa isang bagay.
 Ang mga paksang maaaring gamitin sa uri ng
sanaysay na ito ay mas malawak, mula sa mga araw-
araw na isyu hanggang sa mga personal na karanasan.
Maliban pa sa nasabi, hindi rin kailangang ganon
katatas ang pagsulat sa sanaysay.
 Ang isa pang importanteng kaibahan ng dalawang uri
ng sanaysay ay ang pananaw ng pagsulat o point of
view. Ang pormal na sanaysay ay gumagamit ng
obhektibong pananaw samantalang ang impormal na
sanaysay ay gumagamit ng subhektibong pananaw.

You might also like