You are on page 1of 2

Yunit 10: Paglalahad o Ekspositori

 Uri ng Ekspositori: Suring-Basa

Ano ang Suring-Basa?


Ito ay isang maikling pagsusuri sa isang literatura. Naglalaman ito ng
sariling reaksyon, opinyon, pahayag o kuro-kuro para sa isang kwento o anumang uri ng
panitikan. Layunin nitong pakita ang pangunahing ideya ng isang akda. Pinakikita din
dito ang kahalagahan ng akda. Kailangang gumawa ng sinopsis o maikling lagom para
madaling maisagawa ang pagsuri. Ito ay isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay
at diwa sa isang likhang sining.
Sa Ingles, ito ay tinatawag na Book review.

Mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng suring-basa:


1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng
sinopsis o maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.

Mga Bahagi ng Suring-Basa


I. Panimula
a. Pagkilala sa May-akda
b. Uri ng Panitikan
c. Layunin ng Akda
d. Bansang Pinagmulan
II. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Tema o Paksa ng Akda
b. Mga Tauhan/Karakter sa Akda (Lapad o Bilog)
c. Tagpuan/Panahon
d. Balangkas ng mga Pangyayari
e. Kulturang Masasalamin sa Akda
f. Teorya ng Panitikan
III. Pagsusuring Pangkaisipan
a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda
b. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda/Pananalita
IV. Buod
V. Aral
VI. Kalakasan at Kahinaan ng Akda

MGA SANGGUNIAN:
file:///C:/Users/ACER/Downloads/scribd.vdownloaders.com_suring-basa-ng-maikling-
kwento.pdf

http://binibiningarcie.blogspot.com/2013/07/format-ng-suring-basa.html
https://philippineculturaleducation.com.ph/arceo-liwayway-a/

You might also like