You are on page 1of 2

HIS606M (Hybrid) Selected Topics in History

Seminar on the Japanese Occupation of the Philippines

PATNUBAY SA PAGSUSULAT NG PANUNURING-AKLAT (BOOK REVIEW)


Halimbawa (pormat)

Para sa mga halimbawa ng Panunuring-Aklat, mangyari na matiyaga na tingnan ang mga


halimbawa sa sumusunod na journal:

https://ejournals.ph/issue.php?id=825

https://ejournals.ph/issue.php?id=834

https://ejournals.ph/issue.php?id=943#prod

Estilo ng Dokumentasyon

Paggamit ng footnote sa teksto at ng bibliograpiya sa huli ng akda. Dapat itong naayon sa


Chicago Manual of Style na puwedeng konsultahin sa Kabanata 11 ng Kate L. Turabian, A
Manual for Writers… o kaya naman ay sa mga link na
https://arts.pdn.ac.lk/ichss/content/Chicago_Manual_of_Style.pdf o kaya ay
https://library.osu.edu/documents/english/FINALlibrary_CMS.pdf

Mga bahagi ng Rebyu

I. Wasto na citation ng aklat na ire-rebyu

II. Introduksiyon – pagpapakilala ng aklat, halimbawa (bilang ng pahina, etc.)

III. Tungkol sa May-Akda – akademiko at propesyunal na background; kabilang na ang


pagbanggit sa mga aklat na naisulat, artikulo, etc.

IV. Nilalaman ng Aklat – may opsyon ang estudyante na pangkatin o kaya ay isa-isahin ang
MAIKLI subalit MALAMAN na lagom ng mga kabanata.

V. Pagsusuri o Analisis

A. Ano ang iyong pagtatasa hinggil sa kadalubhasaan/kapantasan/kaalaman/ka-


ekspertuhan ng mgay-akda hinggil sa paksa ng aklat? Paano mo susuportahan ang iyong
argumento?

B. Paano mo susuriin ang mga batis na kaniyang ginamit? Ang mga ito ba ay
karaniwan nang ginagamit sa iba pang kaugnay na literature? Bago ba ang mga
nasumpungan niya na batis?

C. Ano ang metodolohiya na kaniyang ginamit? Pagkalap ng batis at panunuring


pangkasaysayan? Textual analysis? Oral history?

D. Natukoy mo ba ang balangkas konseptuwal (conceptual framework) o balangkas


teoretikal (theoretical framework) na ginamit ng awtor? Kung oo, sa palagay mo ba ay
“nahila” o nai-aplay ito sa kabuuan ng akda?
E. Nasasalamin ba sa akda ang gamit ng inter/multi/cross/trans-disiplinaryo (pumili ng
isa) na lapit (approach)? Anu-anong disiplina ang kaniyang ginamit? Paano mo
susuportahan ang iyong argumentong ito?

F. Nasasalamin ba sa akda ang punto-de-bista o pananaw na gamit ng awtor? (e.g.


lapit na makabayan kaya’t itinatatwa ang kolonyal na papel; o kaya naman kolonyal na
pananaw kaya’t itinatatwa ang kakanyahan o identidad na indigenous). Maaari gumamit ng
iba pang paraan o aspekto ng pagtatasa

G. Paano mo ipo-pook ang aklat na iyong sinusuri sa mga kaugnay na literatura?


Halimbawa, nagko-complement ba ito sa isang akda, o kaya ay sumasalungat sa iba pa? Sa
paanong paraan?

H. Ano ang iyong pagsusuri hinggil sa kabuuang daloy ng aklat? May mga
pagkakataon ba na nag-uulit lamang ang facts at kaisipan (thought) ng mga kabanata?
Suportahan ang iyong argumento. Maaari din na isama ang pagususri sa pamagat ng aklat
vis-à-vis mga nilalaman nito.

I. May masinop ba na paggamit ng mga pigura, larawan, estadistika?

J. Komentong teknikal: pagkakamaling tipograpikal, gramatikal, masinop ba ang


pagkaka-ayos ng footnote at bibliograpiya.

VI. Konklusyon

A. Ano at PAANO nakaa-ambag ang aklat sa kaalaman hinggil sa “Ang Pilipinas sa


Panahon ng Okupasyong Hapones?”
B. Ang aklat ba ay naiiba/natatangi sa panahon kung kailan ito inilimbag? Sa paanong
paraan?
C. Ire-rekomenda mo ba ito sa sinumang iskolar na nag-aaral ng piryod na nabanggit
sa itaas? Ipaliwanag kung bakit at bakit hindi.

MAHALAGANG tandaan: HUWAG maghanap ng paksa na NAIS MO lang na mabasa sa aklat.


Hindi ganoon ang pagsusuri, kinakailangan din na maging makatwiran at huwag pairalin ang
aktitud na “kailangan ko na makapag-bato ng komento kaya ito ang gagawin ko.” Laging
isaisip na ang pagsusulat ng panunuring-aklat ay isang akademikong instrumento na susi sa
paghahasa sa iyong kakayahan at kaalaman bilang isang gradwadong mag-aaral.

VII. Bibliograpiya

I-encode batay sa estilong CMoS. Sumangguni sa pahina 278-281 para sa halimbawang


hitsuea ng wastong pormat.

You might also like