You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

ANO ANG WIKA?


Ang salitang Latin na LINGUA ay nangangahulugang “dila” at “wika” o lengguwahe.

Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na LAGUE na nangangahulugan ding dila at wika.

KAHULUGAN NG WIKA

Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003:1)

- Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr.

- Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Ayon kay Lumbera (2007),

- Ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng ating buhay ay nariyan ito.

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay sinasalitang tunog.

- Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang komponent ng bibig/makabuluhang tunog.

2. Ang wika ay masistemang balangkas.

tunog → salita → parirala → sugnay → pangungusap → talata→ teksto

3. Ang wika ay arbitraryo

- Ang sistema, kahulugan, at salita ng isang wika ay nabuo dahil ito ang napagkasunduan ng
mga taong gumagamit nito.

4. Ang wika ay kaugnay ng kultura.

- Isang kadenang hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura sapagkat sinasalamin ng isang wika
ang makulay na kultura ng bansa o lipunang gumagamit nito.

5. Ang wika ay komunikasyon.


- Wika ang pangunahing pangangailan ng tao sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.

6. Ang wika ay dinamiko.

-Ang wika ay buhay. Ito ay nagbabago kasabay ng ating lipunan at panahon.

7. Ang wika ay pantao.

- Tao lamang ang may kakayahang gumamit ng wika sapagkat tayo lamang ang may kayang
gumawa ng bagong tunog o salita, bumuo ng sistema rito, at gamitin ito sa epektibong
komunikasyon.

8. Ang wika ay ginagamit.

-Hindi magiging isang wika ang isang wika kung ito ay hindi ginagamit ng isang tao.

TEORYA NG WIKA

1. TEORYA SA TORE NG BABEL

-Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang may wika
at may iisang mga salita.

2. TEORYANG BOW-WOW

-Isang teoryang pinaniniwalaang na ang wika ay nagmula sa mga tunog na nililikha ng mga
hayop at ng mga tunog ng kalikasan.

3. TEORYANG DING-DONG

-Isang teoryang pinaniniwalaang na ang wika ay nagmula sa mga bagay sa kapaligiran tulad ng
tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.

4. TEORYANG POOH-POOH

-Isang teoryang pinaniniwalaang na ang wika ay nagmula sanhi ng bugso ng


damdamin/emosyon.

5. TEORYANG YOO HE YO

-Isang teoryang pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula bunga ng puwersang pisikal.

6. TEORYANG TA-TA
-Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay
nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

7. TEORYANG TA-RA-RA BOOM DE AY

-Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga
ritwal.

You might also like