Ano ang Wika? Ano ang Wika? Ang salitang wika ay nagmula sa salitang latin sa Lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghatid ng mga ideya, opinion pananaw, lohikal o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pasulat o pasalita. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrument, rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na sinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan /binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.
Ayon kay Mangahis et al (2005) na ang wika ay may
mahahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan, ito ang medyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Ano ang kahalagahan ng Wika? Mga kahalagahan ng Wika: 1.Ito ay midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; 2.Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; 3.Sumasalamin ito sa kultura at panahon ng kanyang kinabibilangan; 4.At isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Katangian ng wika
1 . Ang wika ay masistemang balangkas dahil dito ito ay
binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makakalikha ng mga salitang (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istrakyur (sintaks na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika Ponolohiya o fonoloji- pag-aaral ng mga ponema Morpolohiya- ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita. Sintaksis- ang pag-aaral ng istruktura ng pangungusap. Semantika- ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika. 2 . Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit ng Mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita
3 . Ang wika ay Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan
ng mga gumagamit nito. 4 . Ang wika ay may kakayahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. Halimbawa:
Wikang Sawahili- atanipena (magugustuhan niyo ako)
Wikang filipino- Opo, po Wikang Subanon- gmangga (manga) Wikang ingles- girl/girls (batang babae/ mga batang babae Wikang tausog- tibua (hampasin mo, pugaa (pigain mo) Wikang French- Francois (pangngalan/fransh-wa/) 5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika.
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humuhuiram ang wika ng
fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad.
Halimbawa: Chavacano. 7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng
komunikasyon. 9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto.
10. May level o antas ang Wika.
a.Formal at di-formal b.Lingua franca- wikang ginagamit ng karamihan. c. Kolokyal- ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaikli ang mga salita ngunit napapagkasundoan ang pagpapaikli nito. Hal. Tayo na – Tana Lalawiganin- karaniwang salita o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga katutubo sa lalawigagan ng mga Cebuano at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita. - isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent. Balbal o Pangkalye- wikang ginagamit ng mga tao na halos likha- likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng mga tambay at bakla. Edukado/malalim- wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at Pamantasan, sa gobyerno at iba pang venyung propesyon. Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon
Ayon sa lingguwistang si Dell
Hymes, magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang. Ginamit niya ang SPEAKING bilang acronym upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. S – (Setting)- Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan. P – (Participants)- Ang mga taong nakikipagtalastasan. E – (Ends)- Mga layunin ng pakikipagtalastasan. A – (Act Sequence)- Ang takbo ng usapan. K –(Keys)- Tono ng pakikipag-usap. I – (Instrumentalities)- Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. N – (Norms)- Paksa ng usapan. G – (Genre)- Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran.