You are on page 1of 2

CAS, ALECZIZ T.

BSPSYCHOLOGY 12-M2

ISTrukTurA nG WIkAnG FILIPInO

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo nb mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang siwens ay makakalikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang mga pangungusap ay isang istraktyur na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

May tatlong uwi ito para maisaayos ang pangungusap. Ito ay ang Pundasyon, Sistema at
Pagkakaayos na kung saan tinatawag itong Pagkakayari.

Ang Ponema ay yunit ng tunog ng mga salita na makabuluhang binibigkas ng isang wika.
Samantalang ang Ponolohiya naman ay isang pag-aaral ng tunog ng mga salita. Ito ay isang
“pagkakabuo ng salita”. May mga bahagi ito at ito ay ang Klaster, Diptanggo at Pares-minimal.

Ang Morpolohiya naman ay isang pag-aaral ng morfema, ito ay tawag sa pinakamaliit na


makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino, may roonh tatlong uri ang morfema. Ito
ay ang isang salitang ugat, panlapit at fonema.

Isa pa sa aking mga natutunan ay ang Suprasegmental. Ito ay tumutukoy sa mga makahulugang
yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sumisimbulo ito ng
mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri nito ay ang
diin, tono, intonasyon at hinto. Ang toni ay taas o baba ng pagsasalita, ang Haba naman ay
nangangahulugang hinahanaan ang pagbigkas ng salita. Ang diin naman ay dinidiinan ang isang
salita depende sa ano ang gusto nitong iparating. Minsan ginagamit ito sa pagiging sarkastiko
kapag ikaw ay kumakausap ng kilala mong tao o kumakausap ka ng iyong kaaway. Ang hinto o
antala naman ay ang pag pause o pagtigil sa isang salita.

Ang Sintaksis naman ay isang struktura nb mga salita ng pangungusap. May mga uri ng
pangungusap at ito ay ang patanong, pasalaysay, pakiusap, pautos, padamdam. May mga ayos
rin ito ng pangungusap at ito ay ang mga: pang-karinawan, di-pangkaraniwan.
Ang mga ayos ng pangungusap ayon sa kasarian ay binubuo ng Payak, Tambalan, hugnayan at
Langkapan.

Importante na ang Pangungusap ay may buong diwang ipinahahayag. Ang mga Parirala naman
ay ang mga hanay ng salita na walang buong diwang napapahayag.

Dagdagang kaalaman na ibinigay ng aming Propesor ay 185 na wikain ang mayroon dati, ngunit
ngayon ay 175 na lamang ang mga dialekto. Ang dialekto ay wikain at ginagamit ng isang
partikular na rehiyon o lugar, malaki man o maliit.

Sa kabuuan natutunan ko na hindi basta basta ang pagbuo ng pangungusap, may mga parte at
mga importanteng uri akong dapat malaman at natutunan ko ito sa pamamagitan ng pagtuturo
ng aming guro. Ako’y nasiyahan dahil ito’y aking natutunan.

You might also like