You are on page 1of 2

Ponolohiya

Ang ponolohiya o palatunugan (mula sa salitang Griyego: , phn, "tunog, boses") ay


sangay ng lingguwistika(linguistics) na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang
wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit
ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema
o morphemes, salita).
Ponetiko at ponolohiya
Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa ponolohiya at ponetiko ay ang ponema
(o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang ponetiko ay ang pag-aaral
ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ito ay
ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung
paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika. Samantala,
angPhonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang
makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng
imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog
ng lahat ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang
pagkukumpara ng mga set ng tunog ng ibat ibang-wika.
Morpoponemiko
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensiya ng kapaligiran nito.
Mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino:
Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensiya ng ponemang
kasunod nito.
Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema
Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang
+ batas = mambabatas
Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot =
panakot
Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y
pinapalitan ng ponemang "r".
Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong
Metatesis =-pagpapalit ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema
ay ang mga ponemang (l, o y)
Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap
Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin =
dalhin
Paglilipat-diin = kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago
kapag ito'y nilalapitan.
Halimbawa: laro + an = laruan, dugo + an = duguan

You might also like