You are on page 1of 24

SANAYSAY

KAHULUGAN NG SANAYSAY
• Ito ay isang uri ng panitikan na nasusukat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay
na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.
• Sa uring ito ng panitikan, mabibilang ang mga sulating pampahayagan
- artikulo, natatanging pitak o lathalain, tudling; ang mga akdang
pandalub-aral – tesis, disertasyon, diskurso; at gayun din ang mga
panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik.
• “Pagsasalaysay ng isang sanay” – Alejandro G. Abadilla.
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANAYSAY
• Mabilis ang utak;
• Sensititibo sa Kapaligiran;
• May laging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at mga
bagay-bagay;
• May kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi
nakikita ang panlabas lamang;
• Malikhain at orihinal sa isip at damdamin;
• May kalugurang mapagkakatiwalaan;
• May kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa
makataong kapakanan.
DALAWANG URI NG SANAYSAY
PORMAL DI-PORMAL
1. Hindi gaanong 1. Mas Malaya
malaya
2. Magbigay-linaw 2. Magbigay-aliw
3. Obhektibo 3. Subhektibo
4. Ang modo nito ay 4. Palakaibigan ang
seryoso tono
5. Hindi gaano 5. Isinusulat sa
masining malikhaing paraan
BAHAGI NG SANAYSAY
1. Panimula o
Introduksyon
2. Katawan
3. Wakas
1. PANIMULA O INTRODUKSYON
•Ang pinakamahalang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mambabasa, dapat
nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.
Paraan ng Pagsulat ng
Panimula/Introduksyon
• Pasaklaw na Pahayag
• Tanong na Retorikal
• Paglalarawan
• Sipi
• Makatawag Pansing Pangungusap
• Kasabihan
• Salaysay
2. KATAWAN
• Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at
pahayag.
• Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag
nang mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
Paraan ng Pagsulat ng Katawan

•Pakronolohikal
•Paanggulo
•Paghahambing
•Papayak o Pasalimuot
3. WAKAS
• nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng
sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-
iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay ng sanaysay.
• Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o
ang buod ng sanaysay
Paraan ng Pagsulat ng Wakas
•Tuwirang Pagsabi
•Panlahat na Pahayag
•Pagtatanong
•Pagbubuod
Halimbawa ng isang Sanaysay
Paksa:
Ang PNP, dapat pagkatiwalaan o
katakutan?
(Nais mong talakayin dito ang mga
maiinit na isyung kinasasangkutan
ng mga kapulisan).
PAGSISIMULA NG SANAYSAY
(HALIMBAWA)
• Pglaalarawan
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) ay ang
pambansang pwersang pulisya ng Pilipinas. Kapwa ito
Pambansa at lokal na pwersang kapulisan na nagsisilbing
tagapagsunod ng batas sa buong Pilipinas. Kasalukuyan,
nasasawsaw sa kumukulong tubig ang pambansang pulisya
dahil sa iba’t ibang isyung kinasasangkutan.
PAGSISIMULA NG SANAYSAY
(HALIMBAWA)
• Paggamit ng Kasabihan o Quotation
Pinangalandakan ni Stephen Covey, “Ang pangunahing
layunin ng Pulisya ay magpigil ng krimen at kaguluhan. Ang
masa ay ang pulisya at ang pulisya ay ang masa, at sila ay
magkaakibat sa responsibilidad para sa pampamayanang
kaligtasan.”
PAGSISIMULA NG SANAYSAY
(HALIMBAWA)
• Pagbibigay ng Katanungan
Pinagkakatiwalaan o pinangingimian? Inaasahan o
pinangingilagan? Kinagigiliwan o kinamumuhian? Sa alin
mapabibilang ang Philippine National Police, ahensyang iniatas
ng batas upang magpatupad ng batas at maging alagad ng
katarungan?
PAGSUSULAT NG KATAWAN
(HALIMBAWA)
Binubuo ito ng ilang talata, bawat talata ay may paksang pangungusap na
susuportahan ng mga ebidensya o mga halimbawa at pagpapaliwanag.
Halimbawa:
I. Simula
II. Gitna /Katawan
A. Katiwalian kinasasangkutan ng PNP
1. Mga Ebidensya o halimbawa
B. Kagitingan ng PNP
1. Mga Ebidensya o Halimbawa
C. Posisyon o Paniniwala hinggil sa isyu.
III. Wakas
PAGSUSULAT NG WAKAS
(HALIMBAWA)
Halimbawa:
1. Kung ang PNP man ay tagapagtanggol ng katarungan o
tagasupil ng mamamayan, tanging kasaysayan ang
makapagsasabi nito.
2. Pagmamatyag . Pakikiisa. Pakikilahok. Kung nais nating ang
pang-aabuso’y matigil at tunay na serbisyo ay makamtan,
mga mamamayan ang unang dapat maging mulat sa
katotohanan.
Ano nga ba
muli ang
SANAYSAY?
Ano nga ba
muli ang
SANAYSAY?
-Ito ay pagsasaysay ng sanay.
-Ito ay salaysay na may saysay.
GAWAIN 2:
Sumulat ng
Sanaysay
Pumili sa tatlong isyung
panlipunan na kinakaharap
natin ngayon:
1. Pandemya (COVID-19);
2. Online Education; o
3. Eleksyon
FORMAT:
1. Word Document (huwag i-convert sa PDF)
2. Arial 12
3. Long Bondpaper
4. Hindi bababa sa 200 na mga salita at hindi
lalagpas sa 500 na mga salita.
5. Hindi bababa sa 3 talata (3 paragraphs) at hindi
lalagpas sa 5 talata (5 paragraphs)

DEADLINE : Disyembre 3, 2021


PAMANTAYAN:
Introduksyon - 5 puntos
Diskusyon - 5 puntos
Organisasyon
ng mga Ideya - 5 puntos
Konklusyon - 5 puntos
Mekaniks - 5 puntos
Gamit - 5 puntos
_________
KABUUAN- 30 puntos

You might also like