You are on page 1of 21

Anim na Teksto

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Ang isang tekstong argumentatibo ay may
layunin na magpatunay sa isang argumento sa
pamamagitan ng pagbigay ng kapanila-
paniwalang ebidensiya, katotohanan, at
lohika.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
HALIMBAWA
Tesis
Posisyong Papel
Papel na Pananaliksik
Editoryal (nababasa karaniwan sa bahaging
editoryal ng mga magasin at dyaryo)
Petisyon
Debate
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
HALIMBAWA
Ang isang Tesis ay matatawag na tekstong argumentatibo
dahil ito’y may layuning ihikayat ang mambabasa pa tungkol
sa isang problema at kung paano ito mabibigyan ng
solusyon. Kadalasan, ito’y dumadaan sa isang lupon o panel
at dapat itong ipaglaban.

Isa rin sa mga halimbawa nito ay ang isang debate. Dito,


nakikipagtalo ang dalawang panig tungkol sa isang paksa
tungkol sa positibo at negatibong epekto nito.
TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang isang tekstong prosidyoral ay parang


mga manwal na tumataglay ng kaalaman na
kailangan para sa isang gawain.

Naka saad rin dito ang naaayun na


pagkasunod-sunod ng mga gawain. Bukod rito,
iba-iba rin ang itsura ng mga ito.
TEKSTONG PROSIDYURAL
HALIMBAWA
Pagluluto
Laruan
DIY Furniture
Bagong TV
Appliances
TEKSTONG PROSIDYURAL
HALIMBAWA
Gawain: Pagluluto ng Egg Souffle.
1. Una, kumuha ng dalwang bowl na pwede pag lagyan ng itlog.
2. Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
3. Ika tatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
4. Ang puti ay i lagay sa isang bowl, at ang yellow ay ilagay sa isa pa.
5. Lagyan ng isang kutsarang kalamay ang puti ng itlog at haluin hanggang magging -“whipped
cream” like ang mukha nito.
6. Lagyan ng asin ang yellow ng itlog at haluin rin.
7. Ihalo ang yellow na timpla sa puti ng itlog.
8. Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
9. I lagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
10. Hintaying maluto.
TEKSTONG NARATIB

Ang isang tekstong naratibo ay tekstong may


pagkasunod-sunod ng mga impormasyon sa isang
maayos na paraan. Ito ay maaaring maging tungkol
sa isang bagay, tao, haop, pangyayari, o kwento na
pwede maging tototoo o hindi.
TEKSTONG NARATIB

Ito’y ginagamit upang bigyan ng leksyon ang mga


mambabasa sapagkat ang isang “moral lesson” o
“araling moral” ang makikita sa huling bahagi ng
isang naratibo. Ang mga halimbawa nito ay palaging
nakikita sa mailing kwento, alamat, nobela at iba
pa.
TEKSTONG NARATIB
HALIMBAWA
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang
pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas
kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si
Kulas, sampung taong gulang na anak nina
Julio at Vina Cruz.

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak


na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo,
Anak! Ay ano ba talaga ang baIak mo, ha?” Natatawang
inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti
nilang kusina..
TEKSTONG PERSWEYSIB
Ang tekstong persuweysib ay naglalayong makapangumbisi o
manghikayat sa tagapakinig, manonood, o mambabasa. Bukod
dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o
nagsasalita upang mahikayat ang madla. Ang tono ng
tekstong ito ay sobhetibo kung saan nakabatay ang
manunulat sa kanyang mga ediya.
TEKSTONG PERSWEYSIB
May tatlong pangunahing elemento ng paghihikayat. Ito ang
Ethos, Pathos, at Logos.

Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para


makapanghikayat.
Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon
TEKSTONG PERSWEYSIB
HALIMBAWA
Name Calling

•Ang name calling ay ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o ideya para
maipakitang mas maganda ang sinusuportahan mo at para mailayo ang mga tao sa ideya ng kalaban. Ang
halimbawa nito ay ang pagsisira sa kredibilidad ng isang kanditato sa kalaban niya sa eleksyon.

Glittering Generalities

Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na


salita o pahayag. Sa isang patalastas ni James Reid ating makikita na kahit ano man ang
sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong ginagamit niya ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.

Transfer
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa nito ay ang pag paggamit ng mga sikat na personalidad upang i promote ang isang
produkto.
TEKSTONG DESKRIPTIB
Sa mga kuwentuhan at mga tekstong nababasa natin
sa iba’t ibang babasahin, hindi maaaring walang
bahagi kung saan inilalarawan natin ang isang tao
o bagay. Ito ang dahilan kung bakit naisusulat ang
tekstong deskriptibo.
TEKSTONG DESKRIPTIB
Sinasabing ang teksto ay deskriptibo kung ito ay
uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng
impormasyong ginagamitan ng mga salitang
pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay,
hayop, lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga
salitang pang-uri o pang-abay ang mga tekstong
deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na
pagtukoy sa mga katangian.
TEKSTONG DESKRIPTIB
HALIMBAWA
Matamis ang malaking manggang dala ni Julie mula sa malayong
lalawigan ng Cebu.
Magaling umawit ang batang si Lyca kaya naman siya ang nanalo sa
malaking patimpalak.
Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos dahil magiliw itong guro
at mataas magbigay ng marka.
Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong laman ng kahong iyon.
Sadyang napakalawak ng hardin nina Alice at napakaraming ring
makukulay na bulaklak.
TEKSTONG IMPORMATIB
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na
nagbibigay kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari.
Ito ay may laman na tiyak na impormasyon sa isang
pangalan.
TEKSTONG IMPORMATIB
HALIMBAWA
Pahayagan (news paper)
Encyclopedia
Posters
Talambuhay at sariling talambuhay
Libro at aklat-aralin
Mga tala (notes)
Listahan (directory)
Diksyunaryo
Ulat
Mga legal na dokumento
Manwal panturo (instructional manual)
TEKSTONG IMPORMATIB
HALIMBAWA
Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso
Mercado Y Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang Teodora
Alonso at Francisco Mercado.
pinanganak siya noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay
siya noong ika- 30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng
firing squad. Marami siyang tinapos na kurso kabilang na ang
medisina.
Isa rin siyang pintor at iskulptor. Ngayong Disyembre 30, 2019
ang ika- isangdaan at dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng
kanyang pagkamatay.
TEKSTONG IMPORMATIB
HALIMBAWA
Ang epiko ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan. Bukod dito, ang ang pangunahing tauhan ay
mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao.
Kadalasan, ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay galing sa
angkan ng mga diyos o diyosa.
Ang paksa ng mga epiko ay nag sasalaysay tungkol sa mga
paglalakbay ng ating bayini sa kuwento at ang pakikidigma.
JD Vincent Uayan
HUMSS XI - E

You might also like