You are on page 1of 11

PANGANGATWIRAN

(Pakikipagdebate)

Pangkat 4
KAHULUGAN NG PANGANGATWIRAN

Ang pangangatwiran ay anyo ng diskors na ang


layunin ay humikayat.

Ang pangangatwiran ay pamamaraan ng


komunikasyon na ginagamitan ng lohika at
paglalahad na pinagtitibay ng mga ebedensiya ang
pahayag.
KAHALAGAHAN NG PANGANGATWIRAN

1. Lumilinang ng kakayahan sa kritikal na pag-iisip.

2. Nagpapatibay ng tiwala sa sarili.

3. Napaniniwala at napakikilos ang iba.


Mga Uri ng Pangangatwiran

1. Pangangatwiran Pabuod (Inductive Reasoning)


Nagsisimula ang ganitong pangangatwiran sa malit
na detalye at nagtatapos sa isang panlahat na
kaisipan..
2. Pangangatwiran Pasaklaw (Deductive Reasoning)
Nagsisimula ang ganitong pangangatwiran sa isang
panlahat na kaisipan patungo sa hihimaying maliliit na
detalye o katotohanan. Ang kapsyahan sa
pangangatwirang ito ay nagagawa sa pamamagitan sa
silohismo.
ANG PAGTATALO O DEBATE
Ang Pagtatalo o Debate ay gantihang
pangangatwiran ng dalawa o higit pang panig hinggil
sa isang makabuluhang paksa o isyu. Ang pagtatalo’y
hindi pagbabangayan o pag-aaway sapagkat ito’y
nagpapaliwanag ng mga katuwiran ng bawat panig
na maaaring gawaing pasulat o pasalita.
MGA URI NG DEBATE/PAGTATALO
Pinakapopular ay ang Oxford-Oregon,
Australiasian at British Parliamentaryo sa mga
uri ng debate na isinasagawa. Bagama’t
itinuturing ng marami na ang Oxford-Oregon ay
“passé” pero marami pa ring guro ng debate
ang gumagamit nito sa kanilang silid-aralan
dahil kapag magaling ang mag-aaral dito ay
madadalian na siya sa iba pang uri ng debate.
Sa kasalukuyan ang Australiasian at British
Parliamentary o pinakagamitin sa
internasyonal na mga kompetisyon.
.
ANG DUPLO AT ANG KARAGATAN
Ang mga ito’y larong paligsahan at patula.
Ang karagtan ay ang paninisid sa singsing
ng dalaga na nahulog sa karagatan, at ang
duplo nama’y paghahanap sa nawawalang
loro ng hari.
Magsusumbong ang bilyako dahil hinamak
siya ng isang bilyaka. Bilyako at bilyaka ang
tawag sa mga manlalaro ng duplo.
BUKANEGAN
Isinunod ito kay Pedro Bukanegan na dakilang
Pilipino namula sa lupai ng mga Samtoy (bandang
ilocos). Itinuturing siyang unang edukadong Ilokano,
orador, musikero, leksikograpo at dalubwwika. Siya
ang itinuturing na Ama ng Panitikang Ilokano.
Ang bukanegan ay patulang pagtatalo sa wikang
ilokano.
Inilalarawan nito ang pagkatiyak at pagkasalimuot
ng isip sa sining ng pagtatalo. Katulad din ito ng
Balagtasan ng mga tagalog. Samakatuwid, ang
Bukanegan ay isang uri ng debate na itinatanghal
din sa ibabaw ng tanghalan na ang paksa ng
pagtatalo ay patungkol din sa edukasyon,
kahirapan, at iba pa.
ANG CRISSOTEN
Ito nama’y patulang pagtatalo sa wikang
Kapampangan na isinunod kay Juan Crisostomo
Soto na tinaguriang Ama ng Panitikang
Kapampangan.
Pambihira ang kanyang kahusayan sa pagtatalong
patula sa wikang Kapampangan kung kaya ang
pagtatalong sa wikang Kapampangan ay tinatawag
na Crisotan na katumbas naman ng Balagatasan sa
wikang tagalog. Isa siyang manunulat-makata
mandudula at editor sa wikang Kapampangan.
ANG BALAGTASAN
Ang balagtasan nama’y isang pormal o maanyong pagtatalo.
Ang salitang Balagtasan ay kuha sa nganlan ng ni Balagtas
na tinaguriang “Hari ng tulang tagalog”.
Ang Balagtasan ay Paligsahan sa patula
Sa larong ito ay may lakandiwa at dalawang panig o pangkat
na pagtatalo.
Sa duplo at karagatan, ang sasabihin ay hindi handa,
samantalang sa balagtasan ay handa.
Ang Balagtasan ay isang uri ng patimpalak o paligsahan ng
talino sa pagtula na kung saan ay isa sa mga tanyag at
kinikilalang tradisyunal na anyo ng Panitikang Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng kagitingan sa tula at kadalasang
naglalaman ng mga paksa tungkol sa lipunan, kultura, pulitika
at iba pa.
Maraming
Salamat Sa
Inyong Pakikinig!
Inihanda nina:
Balasolla, Camela Charl E.
Galit, Mark Rengil
Oserraos, John Mark

You might also like