You are on page 1of 25

MAGANDANG ARAW

YUNIT II
ARALIN 1
FILIPINO 8
*KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG BALAGTASAN
*ANG MAHUSAY NA PANGANGATWIRAN
*PAGHUSAYAN ANG PAGBIGKAS SA MGA SALITA
Ibigay ang nais ipahiwatig ng mga salitang nakalimbag

1. PUNO - 6. BATA -
2. HAMON - 7. GABI -
3. BALOT - 8. BAGA -
4. BABA - 9. MAKATI -
5. TUBO - 10. BASA -
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG BALAGTASAN
Ang mayamang kultura at panitikan ng mga pilipino ang dahilanng
maraming akdang nagsilitawan mula noong unang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Isa na rito ang balagtasan na bagamat isa sa mga tanyag na
uri ng panitikang itinatanghal at may iilang aklat lamang ang nailimbag
hinggil sa kasaysayan nito maging ang malalimang pag-aaral at
pananaliksik hinggil dito.
Balagtasan ang tawag sa masining na pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig sa paraang patula. Sa panitikang ito, masasaksihan ang
tagisan ng katwiran sa masining at matulaing paraan na karaniwang
isinasagawa sa harap ng tanghalaan. Kinakailangan ditto ang bilis ng isip
at ang mayamang kaalaman sa tugmaan.
Subalit bago pa man naitatag ang balagtasan ay may mga naunang
tulang pandulaan o pantanghalan na noong Panahon ng mga kastila.
Sumilkab ang duplo at karagatan na naging tanyang sa panahong ito sa
layuning palaganapinang Relihiyon o kristyanismo sa ating bansa. Ang
mga ito ang pinaniniwalaang siyang sandigan ng balagtasan sa dahilang
ito Ay isinasagawa rin sa anyong patula.
Ang karagatan ay isang patulang laro noong panahon ng mga kastila na
pumapaksa Sa nawalang singsing ng dalaga na kung san ay dito mag-
uumpisa ang pagkakaraoon ng palitan ng usapan subalit sa Paraang
patula na may halong talinghaga at bugtong. Ang tema nito samakatwid ay
tungkol sa pagliligawan
Samantalang Ang duplo bagamat may pagkakatulad sa karagatan ay
higit na nagtataglay ng katangian ng tulang pandulaan o Pantanghalan
sapagkat dito ay nagkakaroon ng palitan ng katwiran ang magkabilang
panig. Ito ay itinatanghal tuwing lamay Ng patay sa layuning pagaanin ang
dinadala ng mga namatayan. Ito ang dahilan kung bakit ang duplo at
karagatan ang Pinaniniwalaang pinaghuhugutan ng pagkakabuo ng
balagtasan.
Panahon ng mga amerikano (bagong mananakop) nang isilang ang
konsepto ng balagtasan. Taong 1924 nang Magkaroon ng pagpupulong
ang kapulungang balagtas sa instituto de mujares sa daang tayuman,
tondo, maynila. Layunin ng pangkat na bigyang parangal ang tinaguriang
sisne ng panginay. Matapos ang pagpupulong ay Napagkasunduang ang
itawag sa makabagong duplo ay balagtasan. Naging tanyag ang
balagtasan sa panahong ito at higit Na nakilala at nagningning ang mga
makata.
Dumagsa ang mga tao sa oprea house, olympic stadium, teatro zorilla
at Iba pang tanghalan sa bawat nayon. Hindi lamang sa tanghalan
namayagpag ang balagtasan sa panahong ito, maging sa Pahayagan at
diyaryo ay napasok na rin ang balagtasan. Ito ang tinaguriang “gintong
panahon ng balagtasan” na kung Saan halos lahat ng tagisan ay palaging
magkatunggali sina Jose Corazon De Jesus o mas kilala sa bansag na
“huseng Batute” at florentino T. Collantes o “kuntil butil.” Hinirang na hari ng
balagtasan si huseng batute matapos ang ilang serye ng kanilang tagisan.
Bilang patunay ng katanyagan ng balagtasan sa panahong ito,
nagkaroon ng bersyon ang mga kapampangan Noong taong 1926 at
tinawag itong crissotan, hango mula sa pangalan ni juan crisostomo soto
na kilala sa bansag na “Crissot.” Hindi naman nagpahuli ang mga ilokano
na nagtatag ng kanilang bukanegan noong taong 1930 bilang pagkilala Kay
pedro bukaneg.
Maituturing na panitikan sa kasalukuyan ang taong 1950 ang unti-unting
nagbago ang balagtasan dahil sa nauuso na ang taludturan. Pinasikat ito
nina antonio raymundo, ofelia angeles at tino estanislao. Nagkaroon
naman ng bagong hari ng balagtasan noong taong 1960 nang hirangin si
C.C, marquez at si zenaida flores ang reyna ng balagtasan. Dulot marahil
ng malaking impluwensya ng kanluran sa atin ay unti-unting napalitan ng
ibang hilig ng mga pilipino. Kung mayroon mang makatang nagtatanghal
pa rin ng mga balagtasan ay iilan na lamang.
Maliban na lamang kung ito ay gagawing paligsahan sa loob ng klase o
sa paaralan. Ang mga huling tala ng pagtatanghal ng balagtasan ay noong
taong 1987 sa isang programang panradyong kultura ng bayan na may
paksang tulong o upa sa salaping tinatanggap ng pilipinas mula sa estados
unidos, taong 1990 naman na may paksa hinggil sa isyu sa base military
sa kaso ni flor contemplacion na itinanghal noong 1995.
Nawa’y hindi isantabi o kaya ay kalimutan ang balagtasan dahil ito ay
masasabi nating atin at tanging pilipino. Dito mababanaag an gating kultura
at pagkakakilanlan na tanging tayo lamang ang may ganitong uri ng
panitikan.
ANG MAHUSAY NA PANGANGATWIRAN

Isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng ideya, saloobin


o opinion ang pangangatwira. Kung iyong mapapansin, may
mga katanungang humihingi ng mga suportang kasagutan o
nangangailangan pa ng iyong pangangatwiran upang mas
maging malinaw ang puntong nais tumbukin.
PAGHUSAYAN ANG PAGBIGKAS SA MGA
SALITA

Mahalaga sa isang balagtasan na malinaw na maipapaabot


ang mensahe sa tagapakinig upang matamo niya ang kanyang
layuning mahikayat at mapaniwala ang mga ito. Kung kaya,
nararapat lamang na laman niya kung paano ang wastong
pagbigkas ng mga salita ayon sa diin nito.
URI NG DIIN

• MALUMAY
• MALUMI
• MABILIS
• MARAGSA
MGA SALITANG MALUMAY
Binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. Dahil sa
karamihan ng mga salitang katutubo ay malumay, ang mga salitang
malumay ay hindi na tinutuldikan. Ang mga salitang malumay ay maaaring
magtapos sa patinig o sa katinig, tulad ng mga halimbawa sa ibaba.
HALIMBAWA:
*PATINIG *KATINIG
DALAGA NANAY
BABA SILANGAN
SARILI KILABOT
MGA SALITANG MALUMI
Tulad ng malumay, binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula
sa huli. lagi itong nagtatapos sa patinig. binibigkas nang may impit at
tinutuldikan nang paiwa ( ˋ ) na itinatapat sa huling pantig.
HALIMBAWA:
BATÀ DALAMHATÌ
TALUMPATÌ DAMBUHALÀ
LUHÀ SUKÀ
MGA SALITANG MARAGSA

Binibigkas ito nang tuoy-tuloy, na ang diin ay nasa huling pantig. Tulad ng mga salitang
malumi, lagi rin itong nagtatapos sa patinig, may impit na sinasagisag sa tuldik na
pakupya ( ˄) at itinatapat sa huling pantig.
HALIMBAWA:
KALIWÂ DALITÂ
DUKHÂ MUKHÂ
MAIKLÎ SALITÂ
MGA SALITANG MABILIS
Binibigkas nang tuloy-tuloy at nasa huling pantig ang diin. Maaari itong
nagtatapos sa patinig o katinig at ginagamitan ng tuldik na pahilis ( ˊ ) na itinatapat
sa huling pantig.
HALIMBAWA:
MALAKÁS GULÓ
MALAKÍ ALAGÁD
ALITAPTÁP AKLÁT

You might also like