Professional Documents
Culture Documents
Bagaman hindi maituturing na may pag-aaral na sa retorika ang mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila sa pagpili naman ng mga salita ay maingat na tumpak ayon sa pangangailangan.
Makikita ito sa mga kasabihan, tanaga, diona dalit. Pansinin ang halimbawa:
Kung panpansinin ang halimbawa, makikitang maayos at pinili ang mga salita upang maging
kanais-nais na basahin at pakinggan. Pansinin pa ang halimbawa:
Daliring nanhihinoco
ang camucay nanlolomo
at nag paapaui nag puyo
sa pag potol niyong boto.
Panahon ng Kastila
Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas nangibabaw ang mga wikang katutubo. Hindi itinuro
sa mga Pilipino ang wikang Espanyol ng mga Kastila. Dahil dito, maraming wika ang nagkaroon
ng mga diksyonaryo at gramatika na malaki ang naitulong upang umunlad ang mga ito. Sa
wikang Tagalog lumabas ang kauna-unahang diksyonaryo naArte y Reglas de la Lengua Tagala
na sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
Gayundin saibang wika gaya ng sa Pampango na Vocabulario de la Lengua Pampango na
nailathala noong 1732 na sinulat ni Padre Diego Bergano. Vocabulario de la Lengua Bisaya na
sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Ang mga pangyayaring ito ang nagbunsod para pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas ng mga
Kastila na magiging tulay upang madaling maipalaganap ang Katolisismo. Lumabas din sa
panahong ito ang pag-aaral sa wika tulad ng Compendio del arte de la lengua tagala na
nailathala noong 1703 na tumatalakay sa sining ng wikang Tagalog. Pinag-aralan dito ni Padre
Gaspar de San Agustin na siyang sumulat ang paggamit ng mga salita sa pagtula ng mga Pilipino,
kung paano pinipili ng mga Pilipino ang mga salita upang maging kaaya-aya ang tunog sa tuwing
pakikinggan.Ang halimbawa ng kanyang natuklasan, kapag ang huling pantig ng huling salita sa
bawat taludtod ay in o an, ito ay may mahinang dating dahil nagtatapos sa katinig. Tingnan ang
halimbawa:
Isa sa mga naging tanyag sa panahong ito ay si Francisco Balagtas Baltazar. Ang paggamit niya
ng salita sa tula ay matatas at kapuna-puna ang mga rhetorical devices na kanyang ginagamit.
Ito ay mapapansin sa kanyang Florante at Laura na nasa anyong awit. Dito gumamit siya ng
metapora, simile at iba pang mga tayutay. Gayundin ang tamang paggamit ng mga salita na
nagpatingkda sa kanyang obra na naging daan upang ito’y kilalanin bilang isa sa
ipinagmamalaking obra sa Pilipinas. Pansinin ang saknong bilang halimbawa:
Mapapasing gumamit si Balagtas ng mitonomiya. Dahil kinakausap niya ang isang taong wala sa
kanyang harapan.
Marami sa mga manunulat ang mulat sa tamang paggamit ng mga salita lalo na ang
pagkakaroon ng magandang tunog sa dulo ng mga salita. Dito maingat ang mga Pilipino sa
kanilang pagpili, ang magkatunog ay mas magandang pakinggan, gaya ng ginawa ni Balagtas.
Si Jose Rizal ay gumawa rin ng pagsusuri ukol sa pagtula ng mga Pilipino. Pinamagatan niya
itong Arte Metrica del Tagalog na binasa niya sa Sociedad Etnografica sa Berlin noong 1887. Sa
kanyang pag-aaral, sinabi niya na gaya ibang mga wika, gumagamit sa tula ng sukat at tugma.
Sinabi pa niya na ang huling pantig na may tuldik o tuldikan ay karaniwang hindi nakasisira sa
tula. Gaya ng mapapansin sa ibaba:
Panahon ng Amerikano
Sa panahong ito, nagkaroon ng paglilinaw sa retorika. Nang gawin ni Lope K. Santos ang
gramatika ng Tagalog, marami sa mga likhang salita ang kanyang inilahok. Subalit hindi lahat ng
mga salitang inilahok niya ay tinanggap ng bayan dahil alam ng mga gagamit na hindi angkop
ang mga salitang ito sa pagpapahayag ng kanilang mensahe. Tulad na lang ng salumpuwit para
sa upuan, salipawpaw sa eroplano at iba pa. Sa panahong ito naging popular sa mga tao ang
Balagtasan bilang pag-alaala kay Francisco Balagtas. Dito, kailangang matalas ang isip ng
mambabalagtas upang makatugon agad sa inihayag na katwiran ng kapwa mambabalagtas. Dito
pinipili ng mambabalagtas ang mga salitang kanyang gagamitin upang siya ang paboran ng mga
tagapakinig. Isa sa mga naging dakilang mambabalagtas ay si Jose Corazon de Jesus na siyang
kauna-unahang hari ng balagtasan.
Panahon ng Hapon
Naging gintong panahon ng Tagalog ang panahong ito. Naging popular ang mga tulang Haiku at
Tanaga na nasusulat sa Tagalog. Sa panahong ito maraming nagsisulat sa Tagalog. Naging
malamya ang pag-aaral ng retorika subalit umunlad naman ang panitikan sa panahong ito dahil
marami sa mga manunulat sa wikang Ingles ay napilitang magsulat sa Tagalog.
Sa panahong ito lalong sumigla ang pagkatha ng mga akda. Ang kadalasang paksa ay ang
kalupitang ginawa ng mga Hapon sa Pilipinas, kung paano inalipin at dinusta ang mga Pilipino.
Naging usap-usapan rin sa mundo ng panitikan ang pagsali sa Palanca, isang patimpalak
pampanitikan. Nang dumating ang panunungkulan ni Pangulong Marcos, naging
mapanghimagsik ang kadalasanng paksa ng mga manunulat dahil sa pang-aabuso sa
kapangyarihan.
Sinasabi na sina Peter Ramus at ang kanyang estudyante na si Omer Talon ang naging
dahilan kung bakit nalimitahan ang Retorika sa pagkakasunod-sunod at estilo noong ika-16 na
siglo. Ang sinasabing Kasalukuyang-Tradisyunal na Retorika ay nagsimula sa Ramistik pag-iisip
na nanggaling din kay Ramus. Noong ikaw-20 siglo ay may dalawang naboung pagtuturo. Ito
ang kasulukuyang-tradisyunal na nakita ang ugat sa “The Philosophy of Rhetoric” ni George
Campbell. Nagkaroon din ito ng romantikong bersyon sa “Lectures on Rhetoric and Belle Letres”
ni Hugh Blair. Tinatalakay ditto ang pagkawala ng tatlong mahalagang bahagi ng komunikasyon
na tagasulat, reyalidad at tagapakinig. Ibinabahagi din ditto ang kaugnayan ng imbensyon o
pakatuklas ng mga argument at kung paano ito mapapbuti pa.
Sinasaad din sa panimula na ito na minsan ay nakakaligtaan ang mga tagapkinig. Tila ba
hindi na sila binibigyan masyado ng atensyon ng tagpagsalita. Para mas maintindihan ang
kaganapan na ito ay kailangan na pag-aralan ang mahalagang punto lalo na ang makikita sa
Retorika ni Aristotle. Ipiniprisinta nito ang mga historical na pangyayari sa Retorika lalo na
noong nagkaroon ng isang konkretong halaga ang “audience”. Isinasaad din ditto na para
maintindihan natin ang mga paniniwala sa kasalukuyan ay kailangan muna nating pag-aralan
ang kasaysayan nito.
Sa kasalukuyang Tradisyonal na retorika, kalimitang ang tagapkinig ay tinutukoy na kung
mga nagbabasa talaga o yung mga tao na may alam sa paksa na tinatalakay ng tagapakinig.
Sinasabi rin ditto na ang pinakamabisang parran para makitungo sa mga tagapakinig ay
panatilihin ang tinanggap na nilang estilistikong prinsipyo na naimpluwensiya sa kanila ni
Aristotle.
Sa pagtatapos ng aking pag-uulat ay natutunan ko na sa paglaon ng panahon ay nagigin
maliwanag din ang konsepto ng mga tagapakinig. Hindi malaki ang kahalagan ng pagtrato sa
mga tagapkinig dahil mas mabuti pang ibigay ng tagapsalita kung ano ang inaasahan ng mga
tagapakinig sa kanila.
Sina Hugh Blair at George Campbell
Ang nilikha ni Hugh Blair na pinamagatang “Lectures on Rhetoric and Belle Lettres” ay
ang pinakamaimpluwensiyang tekston retorikal noong ika-19 na siglo, partikula na sa Estados
Unidos. Una itong nailathala noong 1785 at nagkaroon ng kopya mahigit 120 edisyon sa taong
1930. Sa kabuuan, si Blair ay hindi masyadong binigyan mga tagapkinig lamang (literal na
nakikinig at nakaupo kasama ang iba pang awdyens bilang tagatanggap sa mga mensaheng
ibinigay ng isipiker). Ang mga tagapasalita (maging sa bar man, tagapangaral sa mga bahay
dasalan o sa mga pamublikong pagtitipon) kailangan nito matukoy ang disposison o kakayahan
ng mga awdyens at gawing bukas ang isipan ng mga tagapkinig ng pagtanggap ng mga bagong
ideya. Tulad ng nga lang ng mga nakaraang talakayan, sinasabi na ang mga tagapkinig ay may
iba’t-ibang level ng pag-intindi. Kaya nararapat di naman nating pag-aralan ang mga taong
magiging awdyens nating. Naiimpluwensyahan ng tagapagsalita ang mga tagapakinig sa
pamamgitan ng mga taong pag-iintrodus sa mga imahe at itatak ang mga imaheng ito sa isipan
ng mga tagapakinig. Ayon pa kay Blair, ang isip ng mga tagapakinig ay isang tabul rasa kung
saan iginuguhit ng mga orador ang mga mensaheng nais nilang iparating. Nabanggit rin ni Blair
na ang topoi (paksang-argumento) araw ay walang naitutulong sa pagpapaunlad ng isang
argument. Mas nararapt raw na ang tagapagsalita ay obeserbahan ang kanyang sabdyek at
nilalaman nito. Naniniwala kasi si Blair na sa pagbibigay ng maiging atensyon sa sabdyek at istilo
ay mas magiging epektibo ang isang tagapagsalita.
Sa pananaw naman ni George Campbell sa retorika, ang awdyens ay mas mas
mahalagang parte. Ngunit tulad ni Blair, naniniwala si Campbell na ang awdyens ay hindi isang
kontribyutor o tagpamahagi ng kaalaman, argument o paksa , kundi isang katawan na nararapat
na bahagian ng karunungan. Mas pumapanig siya sa menegeral na pagtatanaw. Sa totoo lang
tinitignan niya ang irang orado in terms of absolute despotism, kung saan ang isang ideyal na
tagpasalita ay amy uri ng kabihasaan sa katawan at diwa ng mga awdyens. Si Campbell ay naiba
kay Blair sa pagkilalanito sa kompleksidad ng awdyens. Sa kabilang banda, hindi siya
naghahanap ng mga tagapakinig upang hingan ito ng argument o kontribusyon ng kaalaan
kundi ikonsidera ang gma awdyens upang makapaghatol kung paano nga ba maihuhulamang
mabuti ang isang diskurso upang makamit ang isang ninanais nating epekto o resulta.
Sinasabi rin niya na ang isang orador ay nararapat na gamitin ang lahat ng kakayahan ng
kanyang isip upang makumbinsi ang mga tagpakinig. Ang isang orador ay dapat makuha o
maabot ang apat na kakayahan ng isip; ang pag-unawa, umahinasyon, matibay na emosyon at
kagustuahn- at isaalang-alang kung ano ba ang naiitindihan at nalaman ng kanyang mga
tagapakinig.
Chaim Perelman
Siya ay isang pilosopo sa batas na nag-aral, tinuruan at namuhay ng maraming taon sa Brussel.
Siya ay isa sa mga importanteng teoretiko noong 2oth Century. Ang kanyang pangunahing gawa
ay ang Traite de l;argumentasyon – la nouvelle rhetorique (1528) kasama si Lucie Olbrechts-
Tyteca na isinalin sa Ingles bilang The New Rhetoric: A Treatise on Argumentation ni John
Wilkinson at Purcell Weaver (1969). Si Perelman at Olbrechts-Tyteca gumawa ng kilos retorika
mula sa paligid patungo sa sentro ng argumentasyong teorya. Isa sa mga
pinakamaimpluwensiyang konsepto ay ang mga “dissociation,” “the universal audience,”“quasi-
logical argument,” at ‘presence.”
Kenneth Burke
Siya ay isang teoriko sa retorika, pilosopo at makata. Marami sa kanyang gawa ay nakasentro sa
modernong teoryang retorika. Tulad ng A Rhetoric of Motives (1950), A Grammar of Motives
(1945), Language as Symbolic Action (1966) at Counterstatement (1931). Isa sa
pinakamaimpluwensiyang konsepto ay ang “identification,” “consubstantiality,” at ang
dramatistic pentad.” Inilarawan niya ang retorika bilang “ang gamit ng wika bilang simbolo na
paraan ng panghihikayat sa kooperasyon ng buhay na natural na aayon sa mga simbolo.”
Edwin Black
Siya ay isang kritiko sa retorika na mas nakilala sa kanyang aklat na Rhetorical Criticism: A Study
in Method (1965) na kung saan binigyang-puna niya ang pagdami ng “neo-Aristotelian” isang
tradisyon sa Amerika na kritisismo sa retorika bilang may kauntingnpagkakahawaig sa Aristotle.
Naglathala siya ng ilang beses na pinakamaimpluwensiyang sanaysay gaya ng: “Secrecy and
Disclosure as Rhetorical Forms,” “The Second Persona,” at “A Note on Theory and Practice in
Rhetorical Criticism.”
Marshall McLuhan
I.A. Richards
Siya ay isang kritiko sa literature at retorika. Ang kanyang The Philosophy of Rhetoric ay
mahalaga sa teksto ng modernong teoryang retorika. Sa sinulat niyang ito binigyan niya ng
kahulugan ang retorika bilang pag-aaral ng hindi pagkakaintindihan at ang solusyon nito.” At
nagpakilala sa maimpluwensiyang konsepto ng tenor at behikulo upang ilarawan ang bahagi ng
metaphor – ang pangunahing ideya at ng konsepto na kailangang mapaghalintulad.
Stephen Toulmin
Paraan ng Pag-aanalisa
Kristisismong Retorika
Ang modernong kritisismo sa retorika ay inalam ang relasyon ng teksto at konteksto kaya kung
paano ang isang retorika ay maiugnay sa pangyayari. Sa kanyang Rhetorichal Criticism: A Study
and Method si Edwin Black na isang iskolar ay nagsabi: “Tungkulin ng kritisismo na hindi sukatin
…. ang palitan ng kuro-kuro ng may pagyayabang laban sa ibang istandard ng eduksayon ng
makatwirang pagpapahayag ngunit binigbigyang ng pagkakataon ang hindi masukat na
malawak na karanasan ng tao na tingnan sila bilang sila.” Samantala ang wika “ bilang sila” ay
mapagtatalunan. Ang mga kritiko ng retorika ay nagpaliwanag sa teksto at mga talumpati sa
pamamagitan ng paghahanap ng sitwasyong retorikal, kadalasan inilalagay ang mga ito sa
bumabalangkas sa palitan ng tagapagsalita/tagapakinig.
Ideological Criticism – Ang kritiko ay abala sa retorika bilang iminumungkahi ang paniniwala,
ugali, akala at interpretasyon na ginagawa ng rhetor o ang mas malawak na kultura. Ideological
criticism ay gaya ng pagtrato sa ideolohiya bilang bunga ng sining sa diskurso na isa sa isinama
sa mahalagang terminolohiya (kilala bilang “ideographs).
Samantala noong kalagitnaang dekada otsenta (1980’s) ang pag-aaral ng kritisismo sa retorika
nagsimulang lumayo sa tiyak na metodolohiya patungo sa konseptong isyu. Ayon kay James
Jasinski isang iskolar ay nangatwirang ang paglabas ng mga uri ng kritisismo ay galling sa teksto
at konsepto kung saan ito ay tuklasin sa parehong oras. Ang konsepto ay nanatiling ‘umuusad
na gawa” at umiintindi sa mga termenolohiyang umunlad sa pamamagitan ng pag-analisa ng
teksto.
Teoryang Pragmatiko-Dominante
Sa panahong ito, ang pagsagot sa mga katanungan ay praktikal kaya naman mahalaga
ang gampanin ng Retorika sa ganitong panahon lalo na sa buhay ng mga teorista. Tinatawag
itong klasikal na panahon. Isang iskolar sa komunikasyon na si Douglas Ehniger ay tinawag ang
panahong ito na panahong gramatikal dahil ang mga teorista sa mga panahong ito ay sobrang
abala sa pagtuklas ng mga makabagong salitang gagamitin sa pagpapaunlad ng mga
terminolohiya sa retorika. Ayon kay Scoot, nagbigay siya ng tatlong elemento: ang
tagapagsalita, tagapakinig at ang mundo. Ang tagapagsalita ay binibigyan ng halaga o mas
mataas na importansya kumpara sa mundo. Ang tagapakinig ay hindi masyadong napag-
uukuulan ng pansin o konsiderasyon sa panahong ito.
Teoryang Estetiko
Malayo ang naging pagitan ng panahon ng naunang teorya sa kapanahunan ng teoryang
Estetiko. Ang kapanahunang ito ay kilala bilang Middle Age o Medieval Period na nagsimula
noong matapos ang Roman Empire hanggang sa mag-umpisa ang Renaissance Period. Ang mga
nasa kapangyarihan katulad ng pamahalaang monarkiya at simbahan ang nagpawala ng papel
ng retorika sa lipunan upang pagtuunan ng pansn ang estilo ng retorika.
Wala ni isa ang nais makarinig ng masakit o di kaaya-ayang salita kaya’t ang teoryang ito
ay nabuo upang isaalang-alang ang kagandahan ng bawat estruktura ng salita. Ginagamit ang
retorika sa panahong ito upang mas maging maganda ang resulta ng bawat salita, mas maging
totoo at kahika-hikayat. Binibigyang-pansin dito ang pagpapaganda ng salita na tumutukoy sa
estilo ng retorika. Sinasabing noon pa man ay naimbento na ang paggamit ng mga tayutay o
masining na paggamit ng mga salita upang mas maging kaaya-aya ang mga ito. Ang retorika ay
binubuo noon ng paggawa ng mga pangaral o sermon at mga sulat. Ang mga retor ay
gumagawa ng mga sulat upang ipakita na sila’y karapat-dapat bigyang pansin positibong
paghusga.
Teoryang Pragmatiko-Subordineyt
Katulad ng nabanggit sa Retorikal na Teoryang Estetiko, nakatuon ang panahon ng
Middle Ages at Renaissance sa estilo ng retorika. Sa panahon ding ito, ang mga tao ay
nakatuklas ng maraming bagay sa tulong ng mga siyentipikong mga pantulong o pamamaraan
at nagkaroon din sila ng mga bagong kaalaman tungkol sa kalikasan ng emosyon at kaisipan ng
tao. Dahil sa mga natuklasan ng siyensya, nahubog ang gamit ng retorika sa panahong ito.
Ang retorika ay nagkaroon ng praktikal na gampanin noong 1700-1800 ngunit ito ay
nasasaklaw ng siyensya. Kaya naman, ang retorika ay ginamit noon upang ipahayag ang mga
natuklasan ng siyensya. Halimbawa, may bagong natuklasang uri ng hayop, dito pumapasok ang
gamit ng retorika bilang tagapagpahayag ng impormasyong ito. Hindi katulad ngayon na ang
mga siyentipikong impormasyon na ating kailangan ay nakasulat at makikita na sa internet at sa
mga aklat.
Ang ilan sa mga teorista sa panahong ito ay sina George Campbell at Richard Whateley.
Teoryang Panlipunan
Sa panahon kung saan bumubuo ng kaisipan ni Scott, ay kaniyang napag-isipan ang
teoryang ito ang panlipunang Retorika na Teorya. Ito ay ginagamit nating retorika hanggang sa
kasalukuyan. Kaya’t tinatawag itong “panlipunan” sapagkat ito ay nagbibigay ng bagong
pagtingin sa pagitan ng tagapakinig at ng tagapagsalita o ang nagsasalita. Isang halimbawa nito
ay ang pagtanggap ng tagapakinig ng isang mensahe na kung saan siya ay nakatatanggap ng
pangunahing pagtingin ukol sa mensahe na sinasabayan ng tagapagsalita na pareho ring
nakatatanggap naman ng pag-unawa ukol sa mensahe na nais nilang ipahiwatig sa isa’t isa. Sa
teoryang ito’y nagkaroon ng bagong pag-aaral o pag-intindi, at kung paano iintindihin o
tatanggapin ng tagapakinig ang mensahe ng tagapagsalita. Ang teoryang ito ay sumubok ring
bawasan ang mga tnatawag na problema ng mga tao kung kaya’t ginamit ni Scott ang retorika
sa mga tao upang mahikayat silang maging mahusay na tao, magalang sa katotohanan at sa
lahat ng aspekto nito, maging sa mga kalagayan at gawaing panlipunan, at higit sa lahat, ang
paggalang ng tao sa kaniyang kapuwa.
Ano ang Susunod na Teorya?
Natapos ang kategorisasyon ng retorikal na toerya ni Scott sa panlipunang panahon,
gayon man isinulat niya ito noong 1975 pa, at marami na ang ipinagbago ng mundo mula noon.
Ngayon, ay mayroon na tayong internet, na nagdulot ng napakalaking pagbabago sa
pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa at sa kanilang pagbuo ng retorikal na mensahe.
Sa ating pag-aaral ng retorika, ating isaalang-alang kung dadagdagan ba natin ang apat
na kategorisasyong ibinigay ni Scott, o kung tayo’y maniniwala sa kaniya, na tayo ay nasa
kasalukuyang panlipunan panahon pa rin. Ngunit, tayo ay marahil patungo sa tagapakinig-
mundo-tagapagsalita na pagkakasaayos, mula sa tagapakinig-tagapagsalita-mundo na
pagkakaayos. Isang halimbawa nito ay ang ating pagkakabatid sa baltang pagkamatay ni Bin
Laden. Sa ibang paraan, balewala kung saan natin napanood, nabasa, o narinig ang tungkol dito.
Bagamat maaaring magkaiba ang daluyang ginamit sa pag-uulat, halos magkatulad pa rin ang
kabuuan nito. Maaari ring pinagsama-sama ng mga manonood ang nakalap nilang
impormasyon at bumuo ng kani-kanilang paniniwala ukol sa mundo, mula rito. Bungad nito, ang
tagapagsalita o pinagmulan ng balita, ay hindi na kasing halaga ng tagapakinig at ng mundong
nasasaad sa mga balita.
Ang retorika ay may iba’t ibang katangian. Ang mga iba’t ibang kahulugan ng retorika ay
tumutukoy sa mga katangian nito. Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga katangian ng retorika.
Ito ang mga sumusunod:
1. Ang Retorika ay Simbolikal
Una sa lahat, ang retorika ay simbolikal. Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra,
imahe o kaya’y kumpas na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong
kahulugan.Halimbawa, ang salitang “pusa” ay kumakatawan sa isang hayop na may malago at
malambot na balahibo at may mahabang buntot. Alam din natin na ang pagkaway ay isang
paraan ng pagbati sa kapwa. Kapag tayo naman ay nakikipag-usap o nakikipag-ugnayan,
gumagamit tayo ng mga simbolo upang makapagbigay ng mensahe na maiintindihan saibang
paraan.
Ano nga ba ang mga simbolo? Una, ang simbolo ay hindi nauugnay sa bagay na
pinapangalanan nito. Kung bakit tinatawag ang isang bagay sa pangalan nito, kung bakit
pinangalanan ang isang bagay sa ganitong pamamaraan ay walang kinalaman sa kung anong
anyo ng simbolong ginamit, ito ang kahulugan ng simbolo.
Pangalawa, nabibilang sa pagiging simbolikal ang pagsasama sa mga iba’t ibang simbolo
tulad ng mga letra at salita, imahe at kumpas. Isa sa mga magandang halimbawa ng kumpas o di
berbal na kumpas ay ang katahimikan. Pansinin natin na ang katahimikan ay may iba’t ibang
kahulugan. Maaari ringmagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ang katahimikan na ang ibig
sabihin ay kapayapaan o kapanatagan.
CONTINUUM
Bakit dapat mabuhay muli ang interes ng mga tao sa paggamit ng Retorika?
1. Ang Retorika ay epistemiko ‘epestemic’. Sinasabi nito na ang retorika ay nagiging daan
para sa pagbuo ng katotohanan at bagong kaalaman.
2. Hindi nakikita ang retorika bilang ‘conduit’ isang tubo upang magsilbing daanan ng
isang obheto at independent na katotohanan.
3. Sinasabi ng ibang teorista na ang Retorika ay naglilikha ng isang kaisipan na magtatatag
ng katotohanan sa isang partikular na sitwasyon.
4. Ang sinasabi na nais ng Teoristang Retorikal ay ang Unibersalidad ng katotohanan sa
tulong ng Retorika.
Sinasabi ni Scott na hindi dapat natin iniisip na ang katotohanan ay tapos na at hindi na
maaaring mabago pa, sa halip ito ay maaaring mabago sa bawat pangyayari. Ang ibang mga
teorista ay nagtatanong sa kahalagahan ng katotohanan na basehan lamang ay ang
maaaring katotohanan sa isang sitwasyon. Katulad na lang ng sinabi ni Plato na ang mga tao
ay hind maaaring palaging tama o pinakamagaling ang desisyon tungkol sa kung ano
angtama at ang mali. Naniniwala rin siya na ang mabulaklak na Retorika ay maaaring
makahikayat at tumaliwas sa ideya ng Katotohanan. Samantala si Bryant naman ay
nagsasabi na ang Retorika ay kailangan dahil sa ang mundo na walang katiyakan ay hindi
mundo ng mga tao.
Nang dahil sa retorika nabigyan daan ang boses ng masa para sa bawat desisyon na gagawin
ng mga pinuno ay matandaan nila na sila ay dapat kumilos at magdesisyon ng para sa
ikabubti ng nakararami. Dahil sa Retorika tunay na tumatag ang maaaring katotohanan.
4 . Ang Retorika ay Malikhain at Analitiko
Masasabing ang retorikal na teorya aspektong kaya nitong makapagbigay ng magandang
pamamaraan sa pakikipag-ugnayan. Sa kabilang dako, nakapagbibigay rin ito ng paraan upang
maanalisa ang mga konseptong nakapaloob sa isang Retorika. Ayon kay Bryant (1953), ang
retorika ay tumutulong sa tagapagsalita sa pag-alam kung ano ang dapat itanong at kung
papaano sagutin ang mga ito. Ang konsepto ng pagiging malikhain ng isang retorika ay
maipapakita ng isang tagapagsalita kung nagagawa niyang mabigyan ng konkretong imahe ang
mga tagapakinig sa pamamagitan lamang ng mga salita. Sa pagiging malikhain, kailangan ng
isang tagapagsalita na magkaroon ng malinaw na ugnayan sa mga tagapakinig upang maging
epektibo ang kaomunikasyon sa pagitan niya at ng tagapakinig. Ngunit hidi rito natatapos ang
lahat. Kung may kakayahang maging malikhain ang siang tagapagsalita, nangangahulugan itong
anumang ideya ang kaniyang nasasagap ay kaya niya ring maanalisa.
1. Retorika at Panghihikayat
Ang retorika ay may kinalaman sa komunikasyon na nakapanghihikayat. Ito ay dapat
nakatuon mula sa iba’t ibang kahulugan ng retorika. Ang mga teorista magpahanggang
ngayon ay patuloy na iniuugnay ang retorika sa panghihikayat. Gayunpaman, may mga linya
na naghihiwalay sa pagitan ng impormatibo, panghihikayat, at ekspresibong
pakikipagkomunikasyon. May mga teoristang ipinakita ang kaugnayan sa pagitan ng
panghihikayat at retorika at kanila itong pinagsama. Samantalang may iba naman na
nilalawakan pa ang kahulugan ng retorika higit sa panghihikayat.
2. Retorika at Intensyon
Ang mahalaga sa mga teorista ay ang retorikal na pakikipagtalastasan ay instrumental.
Kumbaga, ang retorika ay idinisenyo upang may maabot na hangarin o may kalalabasan.
Naniniwala ang mga teorista na hindi mahalaga ang intensyon ng retor kundi ang
kalalabasan ng retorika, kung ito man ay may intensyon o wala. Ang mga tagapakinig ay
may iba’t ibang interpretasyon sa ipinakita ng retor. Kaya’t ang mga tagapakinig ang
may responsibilidad kung paano nila iintindihin ang mensahe ng retorika.
3. Retorika at Diskurso
Ang diskurso ay tumutukoy sa mga salita, ito man ay berbal o maging pasulat. Ayon sa
mga tala ng kasaysayan, ang pinakaunang anyo ng retorika ay pasalita. Ngunit sa patuloy
na pagpapahusay sa disiplina ng retorika, nabuo na rin ang mga pananaliksik hinggil sa
retorika ng mga imahe, simbolo, at iba pang biswal na interpretasyong nagpapahayag ng
impluwensiya at panghihikayat.
Isang halimbawa rito ang logo ng Nike. Wala mang simbolong maaring mabasa o tunog
na marinig dito, hindi antin maikakaila ang impluwensyang naidudulot nito sa isang
tingin.
Maraming mga mananaliksik ang nagtatalo tungkol sa pagkakaroon ng retorika sa mga
anyong hndi pasulat o pasalita. Sinasabi ng mga klasikal na retor na ang pokus ng
retorika ay ang anyong pasulat at pasalita lamang. Taliwas naman rito ang paniniwala ng
mga modernong retor. Katwiran nila, ang mga imahe at simbolong biswal ay
nagpapahiwatig din ng kahulugang mapanghikayat.
5. Diwa ng Retorika
Noon pa man ay may debate na ukol sa katangian ng mga sangkap ng retorika. Dahil
naniniwala ang mga teorista na ang retorika ay may kinalaman sa mga argumentong
tungkol sa mga katotohanan, inihahalintulad nila sa pilosopiya. Ang iba naman ay
nagwikang, “ang retorika ay ang malikhaing pagpapahayag at pagsasaistilo nito” lamang.
Ang pinakakaunti naman sa bilang ay naniniwalang ang retorika ay itinatago ang totoong
mensaheng hatid ng mga pahayag, dahil sa katangian nitong taglay.
Sa huli, ang pinakamabisang interpretasyon ay nagsasabing ang estilo, malikhaing
pagpapahayag at ang pagsuporta ng retorika sa katotohanan ay ang mga katangiang
angkin ng retorika ng walang pagsalungat ng mga elementong ito.
Kultura
Ang kultura ay ang lugar kung saan ang partikular na grupo ng tao ay
nakakaimpluwensiya ng malaki sa kung paano sila nakikipagtalastasan sa isa’t isa at kung
paanong ang komunikasyon ay nakakaapekto sa sitwasyon. Ang kultura ang may
pinakamadaling impluwensiya sa retorika. Ang sistemang politikal ay may malaking
gampanin sa uri ng retorikang ginamit ng isang kultura.
Sa demokratikong bansa, retorika ang ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang politikal at
legal na desisyon. Ang mga kumakandidato ay kinukumbinsi ang gma mamamayan na
siya ay iboto upang maluklok sa puwesto sa gobyerno. Ang nang matapos na sila’y
maluklok sa puwesto ay ginagamit naman ang retorika sa pagdedebate sa mga papasang
polisiya ng pamahalaan at malaman ang pulso o damdamin ng mamamayan ukol sa
polisiyang ito. Retorika rin ang ginagamit ng isang akusado sa krimen upang patunayang
siya ay nosente o kaya guilty sa krimen. Halimbawa na lamang ang bansang Estados
Unidos na isang demokratikong bansa, ang lahat ng tao ay nagtatamasa ng kalayaan sa
pagsasalta dahil na rin sa nakasaad ito sa kanilang konstitusyon. Ngunit hindi lahat ng
kultura ay ganito ang paggamit sa retorika.
Ang totalitaryang kultura ay may hangganan sa paggamit ng retorika. Halimbawa na
lamang nang mapasailalim ang bansang Pilipinas sa Batas Militar na pamahalaan.
Walang kalayaan ang mamamayan sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin. Ang
lahat ng mamamayang lalaban sa pamahalaan at magsasalita laban sa gobyerno ay tiyak
na kamatayan ang hatol.
Teknolohiya at Komunikasyon
2. Pagsasaayos
Ito ay sumasakop sa estruktura ng talumpati. Ang isang talumpati, upang maging epektibo,
ay nangangailangan ng organisadong balangkas upang maiwasan ang pagkakagulo at hindi
pagkakaunawaan. Mayroon itong dalawang bahagi: sabihin ang paksa at ipaliwanag ito.
Ayon kay Cicero, isang mananalumpati ito at nahahati sa pito:
a. Panimula – ito ay ang introduksyon, kung saan sinasabi ang paksa ng diskusyon, maging
ang intensyon ng nagsasalta sa tagapakinig.
b. Salaysay – pagbibigay mpormasyon tungkol sa paksa. Maaaring pinagmulan,
kasalukuyang estado, atbp.
c. Proposisyon – ideyang nais isulong ng ispiker.
d. Dibisyon o Paghahati – ito ay ang balangkas ng talumpati o pangunahing konsepto ng
retorika.
e. Kumpirmasyon – ito y mga salaysay na sumusuporta sa argumento ng ispiker.
f. Kontra-argumento – pagtatanggol ng panig mula sa mga hindi sumasang-ayon o
salungat sa kaniyang pahayag.
g. Konklusyon – pinal na apela ng ispiker upang mahikayat ang mga nakikinig.
3. Estilo
Maliban sa imbensiyon at pagsasaayos, ang estilo ng isang talumpati ay mahalaga. Binuod ni
Aristotle and kaniyang pananaw sa estilo, pangatlo sa limang tuntunin ng retorika, na may
depinisyon na “para maging malinaw.” Kung hindi malinaw ang isang talumpati, hindi ito
magiging makabuluhan.
Ang Antas ng Estilo
Si Cicero at ang Rhetorica ad Herennium ay may kinikilalang 3 uri ng estilo na ginagamit
ng mga rhetor: maringal (grand), karaniwan (middle) at payak (simple).
Ang maringal na estilo ay gumagamit ng mga gayak o maadornong salita at itinatampok
nito ang maayos na pagkakalagay ng mga salita sa isang pangungusap. Ito rin ay may kasamang
mga anyo ng salita (figures of speech) at anyo ng kaisipan (figures of thought). Isang halimba na
lamang ng maringal na estilo ngpagpapahayag ay ang 2003 State of the Union Speech ni
Presidente Bush:
“Many challenges, abroad and at home, have arrived in a single reason. In two
years, America has gone from a sense of invulnerability to an awareness of preil;
from bitter division in small matters to calm unity in great causes. And we go
forward with confidence, because the call of history has come to the right
country”.
Kabaligtaran o katumbalikan ang pagsasama ng magkasalungat na ideya sa isang
pangungusap nung sinabi niya “from a sense of invulnerability to an awareness of peril; from
bitter division in small matters to calm unity. Gumamit din siya ng aliterasyon o ang paglalagay
ng pare-parehong tunog katinig sa unang letra ng mga salitang malapit sa isa’t isa- nung sinabi
niyang- “And we go forward with confidence, because the call of history has cometo the right
country”
Ang karaniwan na estilo ay gumagamit ng mga salita na may karaniwang kahulugan
ngunit hindi madalas gamitin sa pang-araw-araw na komunikasyon. Si Presidente Bush, sa isang
pahayag sa radyo noong Agosto 9, 2003 ay gumamit ng katamtaman o karaniwang estilo para
purihin ang U.S. troops sa paglaban sa Iraq:
“Our country and the nations of the Middle East are now safer. We’re keeping our
word to the Iraqi people by helping them to make their country an example of
democracy and prosperity throughout the region. This long-term undertaking is
vital to peace in that region and to the security of the United States. Our coalition
and the people of Iraq have made remarkable progress in a short time, and we will
complete the great work we have begun.”
Mapapansin natin na ang estilo ni Bush ay malinaw, conversational at direkta; nagkulang
ng gayak ng maringal na estilo.
Ang payak na estilo ay sinasabing pang-araw-araw na pananalita. Walang gayak at
pagkamakinis. Si Presidente Bush ay gumamit ng payak na estilo noong July 2, 2003 sa isang
press conference, ipinahayag niya ang kaniyang suporta sa U.S. troops laban sa mga iraqis na
tapat kay Saddam Hussein. Sinabi niya “There are some who feel like that, you know, the
conditions are such that they can attack us there. My answer is, bring them on. We got the
force necessary to deal with the security situation”. Mapapansin natin na ang estilo ng kaniyang
pananalita ay hindi tipikal na naririnig sa isang presidente. Ang pagkadirekta ng pahayag ni
Presidente Bush ay nakita ng mga Iraqi na isang imbitasyon na atakihin ang Estados Unidos.
Kaya ang babala ng Rhetorica ad Herennium, mag-ingat sa pagpili ng uri ng estilo sa
pagpapahayag dahil baka humantong ito sa kapahamakan.
Ang Rhetorica ad Herennium ay may kinikilala na 3 katangian ng estilo: panuri (taste),
artistikong komposisyon at pagtatanggi (dstinction). Ang panuri (taste) ay ang kawastuhan at
kalinawan ng paggamit ng gma salita samantala ang artistikong komposisyon naman ang
pagkakaayos ng mga salita na magkakatulad ng tapos sa bawat parte ng diskurso. Ang Rhetorica
ad Herennium ay nagbibigay pansin lalong-lalo na sa distinction (pagtatangi), o ang epekto ng
paggawa ng magagayak at iba’t ibang klase ng talumpati. Dalawang pangunahng pamamaraan
na puwedeng gamitin para magawa ang pagtatanggi : anyo ng pananalita (figures of speech) at
anyo ng kaisipan (figures of thought). Ang anyo ng pananalita ay kumukuha ng gayak sa mga
salitang pinili at ang anyo ng kaisipan sa iba’t ibang ideyang kasangkot.
Ilan sa mga tipikal na anyo ng pananalita:
1. Aliterasyon – pag-uulit ng parehas na letra o tunog sa loob ng magkakalapit na salita;
madalas lumalabas sa unang katinig.
Hal. President Bush (2005)
“And we go forward with confidence, because the callof history has come to the right
country”
2. Pag-uulit -- pag-uulit ng parehong salita o parirala sa umpisa ng magkakasunod na
sugnay, pangungusap o linya.
Hal. John Kerry (2004 Democratic National Convention)
“Home where my public life began and those who made it possible live.
Home where our nation’s history was written in bold, idealism and hope
Home where my parents showed me the values of family, faith, country”
3. Tricolon – 3 pangungusap o parirala na parehas ang haba at nakalapat ng
magkakasunod.
Hal. I came. I saw. I conquer.
4. Antitesis (Anti-thesis) –ang pagkakahanay (juxtaposition) ng magkakasalungat na salita o
ideya
Hal. President John F. Kennedy
“Ask not what your country can do for you, ask wat you can do for your country.”
5. Kabalintunaan (Paradox) – isang pahayag na salungat sa kaniyang sinasabi, ngunit kung
titingnang mabuti ay gumagawa ng isang tila baga tunay na pahayag.
6. Oksimoron (Oxymoron) – paglalagay ng dalawang salita na magkasalungat ang ideyang
pinapahayag.
Hal. “ deafening silence”, “friendly fire”
Pagbuo ng Paniniwala
Ang Retorika ay ang masining na paraan ng paghihikayat gamit ang mga salita, pasulat man
o berbal. Isa sa mga layunin nito ay ang agbubuo ng paniniwala. Gamit ang retorika,
mahihikayat natin ang mga tao na paniwalaan ang isang bagay o ibahin ang matagal na niyang
pinaniniwalaan. Maari rin itong tawagin bilang pag-aaral o kahusayan ng isang indibidwal sa
pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.
Ang isang halimbawa ditto ay ang mga debate. Nagpapalitan sila ng kaniya-kaniyang
paniniwala at hinihikayat ang mga hurado na ang panig nila ang totoo at tama. Sa huli,
nakukuha nilang paniwalain ang mga tagapakinig sa kanilang panig. Nangyari ito sa akin noong
huling beses na nakapanood ako ng isang debate. Ang mosyon ay tungkol sa pagiging legal ng
marijuana sa ating bansa. Sa simula ng debate, panig ako sa oposisyon, ngunit habang umuusad
ang usapan, unti-unti akong pumang sa gobyerno. Magaling ang kanilang panghihikayat at
marami rin sa aking kmga kaklase ang pumang rito.
Kung iisipin natin, araw-araw nating nagagamit ang retorika. Sa eskwelahan, sa bahay, at
kahit sa pakikipag-usap sa ting mga kaibigan o kasintahan. Hinihikayat natin ang mga tao sa
ating paligit sa kung anong tingin natin ay tama.
Pagpapaliwanag
Kung susuriin natin ang mga gawa ng Retorika kung paano napapabago ang paniniwala ng
mga tao, malamang karamihan ay masasabi nating bigo. Ang karaniwang tao na may
kapangyarihan sa kanilang pisikal na kapaligiran ay hindi madaling mapapabago ang paniniwala
dahl lamang sa isang simpleng mensahe. Kung ang mga tao ay maimpluwensyahan man na
mabago ang kani-kanilang paniniwala, ito ay malamang dahil sa marami at iba’t-ibang mensahe.
Ang pangangailangan ng mga paliwanag ay dahil sa ang isang tao ay nkaranas ng isang
pangyayari nab ago sa kaniyang saklaw ng pananaw at pamumuhay. Halimbawa, kapag tayo ay
nakakabasa ng mga balita sa diyaryo o di kaya’y nakakasaksi tayo ng mga pangyayaring
hindinating inaasahan na pupukaw sa atensyon natin, tayo ay nagsisimulang mag-isip ng mga
posibleng dahilang at paliwanag kung bakit ito nangyari at sasagot sa mga tanong na namuo sa
isipan natin. Sa mga diyaryo, mapapansin natin na maraming mga editorial at kolum na
maglalabasan matapos pumutok ang isang interesanteng balita. Dito ay makikita natin na
maraming mga manunulat ang susubukang ipaliwanag ang buong pangyayari kasama na ang
kani-kanilang mga reaksyon at tugon upang makuha an gating loob ukol sa balita katulad ng
mga maunulat na ito, ang mga Retor ay nagbibigay rin ng mga paliwanag ukol sa mga
pangyayaring pumukaw ng loob ng kanilang mga mambabasa at tagapakinig. Matatandaan
natin na kapag tayo ay nakararanas ng mga pangyayaring kakaiba ay kasunod nito an gating
pangangailangan ng paliwanag ukol dito. At dahil sa bagay na to, ang mga Retor, upang
makakuha ng sapat na atensyon sa mga mambabasa at tagapakinig, ay nagsisimulang lumikha
ng mga birtuwal na karanasan gamit ang pagsasalita at pagsulat upang makuha ang loob ng
mga tao at saka sila maghahain at magpapatunay ng mga paliwanag na sa tingin nila at
pinakaposible at angkop ditto.
Pagpapabago ng Paniniwala
Halimbawa, sa unang tingin ay masasabi mong normal na obra lamang si Charles M. Russell,
isang pintor ang limang pinta ng isang babaeng Keoma (Indian). Masasabi lamang sa mababaw
na pananaw na maganda ito at nagpapakita ng sensuwal na katangian ng mga kababaihang
Indiyana. Samantalag ayon sa sanaysay na akda ni Corlann Gee Bush na nagsasabing ang
modelo sa mga obrang iyon ni Russell ay ang kanyang asawang Amerikana, hindi siya Indiyana
at ang tunay na layon dito ng pintor ay isalarawan kung ano ang pagkakakilala niya sa kaniyang
maybahay sa katauhan ng isang Indiyana (sensuwal na babae) habang pnapailaliman ang
katotohanang isa talaga siyang Amerikana.
Masasabing ang babae sa obrang iyon ay nabubuhay ngunit sa subconscious na pag-iisip lamang
ng mga Amerikano.
Pagsisimula ng Aksiyon
Ang isang kaisipan o isang paniniwala ay hindi agad nagreresulta ng aksyon o ng
kakayahang magsagawa ng aksyon. Kahit mayroon ng bagay na pinaniniwalaan walang aksyong
susunod hangga’t hindi napapatibay ang mga paniniwalang ito. Dito puapasok ang isa sa
pinakalayunin ng isang mananalumpati. Ito ay ang panghihikayat sa mga tao na isauhay ang
kanilang mga paniniwala at umaksyon ng ayon dito.
Halimbawa, ang anti-mining sa Palawan, kahit marami sa mga tao ay naniniwala na hindi
mabuti para sa kalikasan ang pagmimina sa lugar na ito, hindi agad ibig sabihin na may mga
taong kikilos o gusting kumilos. Ang isang mananalumpati ay maaring magbigay ng talumapti sa
kahit anomang okasyon sa lugar na ito at iparating sa mga tao ang mga masamang bagay na
naidudulot ng pagmimina sa Palawan na siyang magpapatibay sa paniniwala ng mga tao doon.
Hindi man lahat ng mga tagapakinig dito ay may kakayahang magbago sa usaping ito, posibleng
may mga manunulat o mamamahayag na kasama sa mga nakikinig. Kung ang mga taong ito ay
magdesisyong isalin sa papel o kaya’y ilagay sa mga pahayagan ang mga sinabi ng
mananalumpating ito, mas mapapatibay pa nito ang paniniwala ng mas maraming tao na maari
ring maging simula ng pagbuo ng mga grupo na kikilos para matapos ang pagmimina sa
Palawan.
Makikita dito ang resulta ng retorika. Gamit ang retorika, nakapanghihikayat ang mga
tao tungo sa pagbabagong ikabubuti ng amrami.
Pagpapanatili ng Aksyon
Hindi dapat natatapos ang aksyon matapos pa lamang nito maisagawa. Dapat ay
maipagpatuloy ito kahit sa paglipas ng panahon. Trabaho ng isang retor na maipaalala sa mga
tao kung bakit isinasagawa ang mga pagkilos na ito.
Gamiting nating muli ang pagmimina sa Palawan bilang halimbawa, sakaling
maisakatuparan ang pagpapatigil sa mga pagmiminang ito, dapat itong ilagay sa mga liro,
pahayagan, at sa iba’t iba pang lugar upang maipaalala sa lahat ang mga dahilan ng
pagsasagawa ng ganitong pagkilos, at kung ano ang mga dapat at di dapat gawin.
Ginagamit ang retorika sa mga pahayag sa mga kombokasyon at sa iba’t iba pang okasyon
upang maipaalala sa lahat ang mga ganitong bagay ay isang halimbawa ng pagpapanatili ng
aksyon.
Paglikha ng Birtuwal na Karanasan
Simbolo – Sa pamamagitan nito, ang isang tao ay makakakuha ng mga ideya, larawan at
karanasan mula sa kanilang mga nakaraang damdamin at karanasan na magagamit sa paglikha
ng isang ilusyo o imahe sa kanyang isipan na maaring malapit o halos katulad sa nais ipabatid ng
may-akda. Maaari rin itong maging iba-iba depende sa nagging repleksyon at persepsyon ng
bawat indibiduwal.
Birtuwal – kapag ang isang bagay ay tinatawag na birtuwal, hindi literal na tunay at hindi
mahahawakan bagkus ito’y imahinasyon lamang o totoo sa imahinasyon ng tao. Kapag ang
isang paksa ay naisulat o naipahayag nang malinaw, malaki ang pagkakataong tumugma ito sa
eksaktong ibig sabihin ng mga simbolo at makabuo ng isang tumpak na imahe
Sa madaling sabi, ang saligang layon o gamit ng Retorika, ang pang-iimpluwensya ay
epektibong magagamit sa komunikasyon. Ito ay nagtutulak sa tao upang magsimula ng kilos na
maisasalin sa isang birtuwal na karanasan. Ang tanong, sa paanong paraan? Isang magandang
instrument ang panitikan sa pagbuo ng isang birtuwal na karanasan.
Panitikan – sapagkat ang mga akdang pampanitikan ay isinusulat upang palawakin at ihulma
ang karanasan ng mambabasa sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng isang karanasang
kahit hindi man nila aktuwal na nadama ay nakagagawa sila ng sariling representasyon nito. Sa
tulong ng Retorikal na pamamaraan ng pagpapahayag, ang bawat mambabasa ay damang-
dama ang mga pangyayaring pumapasok sa kanilang isipan.
Malaki rin ang tulong kapag ang mga kathang ito’y naisa-telebisyon, drama o ano pa mang
uri ng midya sapagkat higit na nabibigya ng konkreto at aktuwal na pagsasalin ang mga simbolo
at diyalogo. Sinasabi ring mainam ang may malawak na karanasan ang indibidwal dahil higit ang
potensiyal na makalikha siya ng maayos at tumpak na karanasang birtuwal.
Halimbawa:
“Ang nagbabagang araw ay halos tinupok ang pinaggapasang bahagi ng bukirin subalit
sa isang iglap, sa isang tulo ng mga pawis ay tumubo ang animo’y mga mapupulang buhok sa
anit ng isang higante…”
Sa isipan ng tao ay tumatakbo ang mga salitang ito at unti-unting bumubuo ng konkretong
larawang sasagot sa mga simbolong ginamit. Subalit sa reyalidad, wala naman talaga ang mga
nabanggit dahil sila’y mga Retorikal na kasangkapan lamang sa masining na pagpapahayag.