You are on page 1of 8

TEKSTONG

IMPORMATIBO
ANO NGA BA ANG TEKSTONG
IMPORMATIBO?
 Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng
pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay
ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na
paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot
nito ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino
at paano.
TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng Tekstong Impormatibo


 Ang sumusunod ay ang layunin ng pagsusulat at
pagbabasa ng tekstong impormatib.
 Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman Nagbibigay
ng linaw sa kung paano nangyayari o nangyari ang
isang bagay Pinauunlad ang pagsusuri sa detalye at
impormasyon.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

 Mayroong tatlong uri ang tekstong impormtibo.


Ang bawat isa ay nagtataglay ng iba’t ibang
paraan ng pagbibigay o paglalahad ng
impormasyon upang maging epektibo ang
isinusulat na teksto.
1. Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan

 Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan,


kasalukuyan, o iba pang panahon. Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng
mahahalagang kaganapan tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan,
almanac, at aklat sa kasaysayan.

 Halimbawa:
 1.Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942 sa kasagsagan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 2. Ginawa ang 2019 Midterm election noong Mayo 13, 2019 at idineklara
ni Pangulong Duterte bilang non-working holiday.
 3. Gagawin ang Miss Universe 2019 Pageant sa United States. Ang
unang inanunsyong petsa ay sa Disyembre 8.
2. Pag-uulat ng Impormasyon
 Nakatuon naman ang uring ito sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop, at
lugar. Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman sa uring ito ay madalas
na bagong impormasyon para sa maraming mambabasa.
 Halimbawa:
 1. Natagpuan ng mga mananaliksik ang isang antigong bowl o mangkok ng noodles sa
China na sinasabing pinakamatanda sa buong mundo.
 2. Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang Bulacan sa ‘bulak’ dahil laganap daw
noon sa lalawigan ang puno ng bulak.
 3. Mula sa Pampanga ang pagkaing sisig.
 4. Likas na maasim daw ang orihinal na recipe nito dahil pagkain daw ito ng mga naglilihi
at lasing.
3. Pagpapaliwanag

 Sumasagot sa tanong na ‘paano’ ang ikatlong uri. Ipinaliliwanag nito


kung paano naganap ang isang bagay. Hindi man ito nagpapakita ng
prosedyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa
kung paano nangyari ang isang insidente.
 Halimbawa:
 1. Nahulog ang bata dahil iniwan siya ng tiyahin niya sa upuan.
 2.Nanalo si Pacquiao sa bisa ng isang unanimous desisyon.
 3. Nakuha ang pera sa ginang nang papasukin niya ang mag-asawa sa
kaniyang bahay.
essay

 Ano Ang kahalagahan Ng tekstong


impormatibo??

 Minmum 5 sentence.

You might also like