You are on page 1of 2

Lacsamana, Elgin Mchale C.

G 12 - Einstein Batch 2

TEKSTONG IMPORMATIBO
Tinatawag na tekstong impormatibo ang mga babasahin at akdang
nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao,
bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na
‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at
katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi
naglalaman ng anumang opinyon o saloobin. Karaniwang makikita o
mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng
teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan,
encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay. Kapag nakababasa ng isang
tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa isang
mambabasa.

Mga Uri Ng Tekstong Impormatibo

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan


Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang pangyayaring
isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tuiad ng mga
balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding
hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang
nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o
historical account.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ang ilang
halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming,
cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos, impormasyong
kaugnay ng mga halaman, at iba pa.

3. Pagpapaliwanag
Ito, ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung
paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong
makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung
paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong
ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang
mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at
insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.

You might also like