Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Impormatibo - Part 2
Tekstong Impormatibo - Part 2
2.PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
- nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao,hayop, iba pang
bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin
sa mga pangyayari sa paligid.
- halimbawa ay mga paksang kaugnay ng
teknolohiya, global warming, cyberbullying,
mga hayop na malapit nang maubos, impormasyon
kaugnay ng mga halaman, at iba pa.
- nangangailangan nang masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng
taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol
sa paksa at hindi dapat samahan ng personal
na pananaw o opinyon ng manunulat.
3.PAGPAPALIWANAG
- nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
- layunin nitong Makita ng mambabasa mula sa
mga impormasyong nagsasaad kung paano
humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
- karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram, o flowchart na may kasamang mga
paliwanag.
- halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga
hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka at
iba pa.
KATANGIAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1.Naglalaman ng mga datos na ang pangunahing
layunin ay magpabatid.Ang mga datos na ito ay
isinaayos ng manunulat na may pagsasaalang-
alang sa kung papaano ito mababatid ng
kanyang target na mambabasa.