You are on page 1of 20

TEKSTONG

IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO
Tinatawag na tekstong
impormatib ang mga
babasahin at akdang
nagbibigay ng impormasyon,
kaalaman, at paliwanag
tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, hayop, o pangyayari.
TEKSTONG IMPORMATIBO
Karaniwang sinasagot nito ang
tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung
minsan ay ‘paano.’ Pawang
impormasyon at katotohanan
lamang ang taglay ng tekstong
impormatibo at hindi
naglalaman ng anumang
opinyon o saloobin.
Karaniwang makikita o
mababasa ang mga tekstong
impormatibo sa mga
babasahing tulad ng teksbuk o
batayang aklat, magasin,
pahina ng balita sa mga
pahayagan, encyclopedia,
almanac, maging mga
sanaysay.
Kapag nakababasa ng
isang tekstong
impormatibo, mayroon
laging nadaragdag na
kaalaman sa isang
mambabasa.
HALIMBAWA NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Si Emilio Aguinaldo ang unang
pangulo ng republika ng Pilipinas.
 Isang Pambansang Alagad ng
Sining sa Panitikan si Virgilio S.
Almario.
 Tagapangulo rin si Almario, kilala
rin bilang Rio Alma, ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF).
TATLONG URI ANG
TEKSTONG
IMPORMTIBO
NAGLALAHAD NG TOTOONG
PANGYAYARI O KASAYSAYAN
 Itoay sumasaklaw sa mga
paglalahad ng mga pangyayari sa
nakaraan, kasalukuyan, o iba
pang panahon.
 Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng
mahahalagang kaganapan tulad
ng mga nababasa sa mga
pahayagan, almanac, at aklat sa 
kasaysayan.
HALIMBAWA
 Naganap ang Bataan Death March
noong Abril 1942 sa kasagsagan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Ginawa ang 2019 Midterm election
noong Mayo 13, 2019 at idineklara ni
Pangulong Duterte bilang non-
working holiday.
 Gagawin ang Miss Universe 2019
Pageant sa United States. Ang unang
inanunsyong petsa ay sa Disyembre
8.
PAG-UULAT NG IMPORMASYON
Nakatuon naman ang uring ito
sa pagbibigay ng kaalaman
tungkol sa tao, bagay, hayop, at
lugar. Kinakailangan ng
pananaliksik sa pagbibigay ng
kaalaman sa uring ito ay
madalas na bagong
impormasyon para sa maraming
mambabasa.
HALIMBAWA
 Natagpuan ng mga mananaliksik ang
isang antigong bowl o mangkok ng
noodles sa China na sinasabing
pinakamatanda sa buong mundo.
 Ayon sa mga historyador, nagmula ang
pangalang Bulacan sa ‘bulak’ dahil
laganap daw noon sa lalawigan ang puno
ng bulak.
PAGPAPALIWANAG
 Sumasagot sa tanong na ‘paano’ ang
ikatlong uri. Ipinaliliwanag nito kung
paano naganap ang isang bagay. Hindi
man ito nagpapakita ng prosedyur o
pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng
kaliwanagan sa kung paano nangyari ang
isang insidente.
HALIMBAWA
 Nahulog ang bata dahil iniwan siya ng
tiyahin niya sa upuan.
 Nanalo si Pacquiao sa bisa ng isang
unanimous desisyon.
 Nakuha ang pera sa ginang nang
papasukin niya ang mag-asawa sa
kaniyang bahay.
LAYUNIN NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Nagbibigay ng impormasyon at
kaalaman
Nagbibigay ng linaw sa kung
paano nangyayari o nangyari
ang isang bagay
Pinauunlad ang pagsusuri sa
detalye at impormasyon
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON
 Hanguang
Primarya
Ma individual o awtoridad
Mga grupo o organisasyon
Mga pampublikong kasulatan o
dokumento
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON
 Hanguang Elektroniko
Internet sa pamamagitan ng e-
mail
Telepono o cellphone
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON
 Hanguang sekondarya
Mga aklat tulad ng diksyonaryo,
ensiklopedya, taunang aklat o
yearbook, almanak at atlas
Mga nalathalang artikulo sa journal,
magasin, pahayagan at newsletter
Mga tesis, desertasyon at pag-aaral sa
feasibility nailathala man ito o hindi
Mga monograp, manwal, polyeto,
manuskrito at iba pa
KATANGIAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Naglalahad ito ng mga mahahalagang
bagong impormasyon, kaalaman,
pangyayari, paniniwala at tiyak na ditalye
para sa kabatiran ng mga mambabasa
 Ang mgakaalaman ay nakaayos nang
pagkakasunod-sunod at inilalahad nang
buong linaw at kaisahan
KATANGIAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Karaihan sa mga impormasyon ay
patunkol sa mga bagay at paksang pinag
uusapan
 Nagbibigay ng mga impormasyong
nakapagpapalawak ng kaalaman at
nagbibigay-linaw sa mga paksang
inilalahad upang nawala ang alinlangan
 Naglalahad ng datos na nakatutulong sa
paglilinaw ng mga konsepto
 Naglalaman ng impormasyong
makatotohan at hindi gawa-gawa lamang
 Nagbibigay ng impormasyon o paliwanag
na makakatotohanan na ayon sa
pananaliksik o masusing pag-aaral.

You might also like