You are on page 1of 27

Anyong Tuluyan

 ito ang anyo ng panitikan


napatalata o karaniwang takbo
ng pangungusap at gumagamit
ng payak at direktang paglalahad
ng isipan.
Anyong Patula
 ito ang anyo ng panitikan na
pataludtod, may sukat at tugma
o malayang taludturan at
gumagamit ng masining at
matalinghagang salita.
Mga Uri ng
Anyong Tuluyan
Mitolohiya
 kwento hinggil sa
pinagmulan ng sansinubukan,
diyos at diyosa at iba pang
mga mahiwagang nilikha.
Alamat
 kwento na nagpasalin-salin
sa bibig ng mga tao at
karaniwang tungkol
pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
“ Ang Alamat ng Pinya”
Anekdota
 kwento na ang pangyayari
ay hango sa tunay na
karanasan, nakawiwili at
kapupulutan ng aral.
“ Ang Gamugamo at
Ang Munting
Ilawan”
Sanaysay
 akdang tumatalakay sa isang
paksa at naglalayong
maglahad ng opinyon o
pananaw. Maaring pormal o
di-pormal ang paglalahad
“ Bahagi ng
Editoryal ng isang
pahayagan”
Talambuhay
 akda sa
kasaysayan ng
buhay ng isang tao.
Pabula
 kwentong may aral
at hayop ang
pangunahing bida.
“ Ang Pagong at
Ang Unggoy”
Parabula
 kwento hango sa banal na
kasulatan na naglalayong
mailarawan ang isang
katotohanang moral o ispiritwal sa
isang matalinghagang paraan.
“ Ang Matandang
Mayaman at si
Lazaro”
Dula
 kwento na isinulat para
itanghal sa entablado may
mga tauhang gumaganap na
naglalarawan ng buhay o
ugali ng tao.
“ Kahapon, Ngayon, at
Bukas”
ni Aurelio Tolento
Maikling Kwento
 kwento na nag-iiwan
ng isang impresyon o
kakintalan sa
mambabasa.
“ Pagbabalik”
ni Genoveva E. Matute
Nobela
 kwento na mahaba,
maraming tauhan, at
tagpuan na nahahati
sa mga kabanata.
“ Banaag at Sikat”
ni Lope K. Santos
Talumpati
 salaysay na sinulat upang
bigkasin sa harap ng maraming
tao na may layuning umakit,
humikayat, at magpaliwanag.
Balita
 paglalahad ng mga pang-
araw-araw na pangyayari
sa lipunan at maging sa
ibang bansa.
Ulat
 nasusulat bunga ng
isinasagawang
pananaliksik , pagsusuri, at
pag-aaral.

You might also like