You are on page 1of 17

Matapos ang 60 minutong talakayan

ay inaasahan ang mga mag-aaral sa ika-11


na baitang na magkakaroon ng 90%
bahagdan sa sumusunod:
a. Naiuugnay ang mga kaisipang
nakapaloob sa binasang teksto sa
sarili,pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
(F11PB-IIId-99)
Ang durian ay isang prutas na tinaguriang “King of
Fruits” dahil maituturing itong natatangi hindi lamang sa
balat nitong makapal at matutulis kundi isa rin ito sa
pinakamahal na prutas na makikita sa mga bansa sa
Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas. Marami ang hindi
nagkakagusto sa prutas na ito dahil sa hindi maganda
nitong amoy subalit sa mga kumakain nito, ito raw ay
tunay na masarap at malinamnam. Katunayan, dahil sa
matapang at masangsang na amoy nito, bawal itong i-
hand carry sa biyahe sa mga eroplano.
May iba’t ibang uri ng pag-ibig. Una ay ang storge
kung saan ito ang pag-ibig na iniuukol ng isang tao sa
kanyang pamilya o kamag-anak. Ikalawa ay ang eros o
pag-ibig na kinapapalooban ng pisikal na atraksiyon sa
opposite sex. Ikatlo, ang philia, ito ang pag-ibig na
nauukol sa kaibigan. At ang ikaapat ay ang agape, ang
pinakamataas na uri ng pag-ibig. Sa pag-ibig na ito, ang
isang tao ay handing magsakripisyo o limutin ang sarili
para sa minamahal.
 Isang uri ng babasahing di piksyon.
 Naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag
nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa
tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan,
atbp.
 Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay
hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa
katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang
kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang web site sa Internet.
 mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa
 maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag
 matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo
 masaliksik
 mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri
ng insekto, hayop, at iba pang nabubuhay.
 dagliang inilalahad ang mga pangunahing
ideya sa mambabasa
- nagagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o
organizational markers na nakatutulong upang
agad makita at malaman ng mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
 nakatutulong upang mabuo sa isipan ng mambabasa
ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon –
makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan, timeline, atbp.
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto –
nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat
nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan
ng panipi
 Pagsulat ng mga talasanggunian – aklat, kagamitan at
iba pang sangguniang ginamit.
 inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap
sa isang panahon o pagkakataon
 karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang
mabisang panimula o introduksiyon.
 kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito
ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung
sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilalahad
 karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon
 nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay
na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga
pangyayari sa paligid
 nangangailangan ng masusing pananaliksik
 nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap
ang isang bagay o pangyayari
 layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyon nagsasaad kung paano humantong ang
paksa sa ganitong kalagayan
 karaniwang itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram, o flowchart na may kasamang mga
paliwanag

You might also like