You are on page 1of 7

FILIPINO 102 – MODULE 2

PANGALAN: ___________________________________________________ TRAK AT SEKSYON:__________________________

ARALIN 1: TEKSTONG IMPORMATIBO


Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:

 Makilala ang mga bahagi ng isang tekstong impormatibo at mabatid kung paano nakatutulong ang mga ito upang
matukoy kung ang isang teksto ay nasa ganitong anyo;
 Magamit ang tekstong impormatibo bilang pangunahing sanggunian ng mga bagong impormasyon na mag bibigay ng
dagdag-kaalaman;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
 Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng tekstong binasa;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo;
 Makasulat ng isang tekstong impormatibo gamit ang mga cohesive device;
 Makakuha ng mga angkop na datos upang mapaunlad ang isinulat; at
 Maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa iba’t ibang disiplina ng karunungan at sa tunay na
buhay, halimbawa ay sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

GAWAIN 1- SIMULAN NATIN!

Gusto mong bumili ng aklat kaya’t nagpasama ka sa iyong kaibigan sa pagpunta sa bookstore. Sapat lang ang pera mo para
sa isang aklat I sang babasahin. Alin sa sumusunod ang bibilhin mo? Lagyan ng tsek(/) ang linyang katapat nito.

_____Aklat na di piksyon tungkil sa pang-araw-araw na pa ksa sa buhay tulad ng pakikiangkop sa iba o

kung paano

makapag-move on sa anumang problema (tinatawag din itong self-help books)

_____Aklat tungkolsa mga hayop,halaman, at iba pang nabubuhay sa mundo

_____Aklat tungkol sa mga natatangi at kagila-gilalas na mga tunay na pangyayari tulad ng Guinness Book

of World Records o iba pang katulad na aklat

_____Aklat tungkol sa paborito mong sports

_____Aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan

_____Bagong nobelang nasa New York Times Bestseller

_____Isang magasin

_____Kalipunan ng maikling kwento mula sa paborito mong manunulat

_____Paperback edition ng isang nobelang una mong nabasa sa Wattpad

_____Talambuhay o memoir ng isa sa mga hinahangaan mong tao

_____Iba pang uri ng aklat tulad ng ___________________________________________


GAWAIN 2- Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?

ALAM MO BA?
Marami ang nag-aakalang mas nagugustuhan ng mga
batang mag-aaral ang magbasa ng mga tekstong naratibo
tulad ng maikling kwento, tula,pabula, alamat, at iba pa.
Gayunpaman, sa pag-aaral ni Duke (2000), ang dahilan
kung bakit hindi gaanong nakapagbasa ng tekstong
impormatibo ang mag-aaral ay dahil limitado ang ganitong
uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.

Sa isa pang pag-aaral, napatunayan ni Mohr (2006),na


kung bibigyan ng pagkakataong makapili ng aklat ang mga
mag-aaral sa uang baitang, mas pipiliin nila ang di piksyon
kaysa piksyon. Sa pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa
unang baitang mula sa sampung paaralang pinili nila ay
dinala sa isang eksibit ng mga aklat. Pinaikot sila sa mga
nakadispley na aklat. Humigit 85% sa mga mag-aaral sa
mga mag-aaral sa kinder ay mas pinili rin ng mga bata ang
mga aklat na may impormatibong impormatibong teksto
kaysa piksiyon.

Ang mga pag-aaral na ito ay sumasalungat sa pananaw na


higit na nagugustuhang basahin ng mga bata ang mga
tekstong naratibo kaysa impormatibo. Kung hindi bibigyang-
pagkakataon ang mga mag-aaral na magbasa ng mga di
piksiyon na nagtataglay ng mga tekstong impormatibo at
lilimitahan lang ang mga babasahin ng mga batang ito sa
naratibo tulad ng maikling kuwento, maaari itong maging
hadlang sa pagkakaroon ng buo, malawak, at epektibong
pagkatuto.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3- Ano naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o babasahin?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________

Sa iyong buhay bilang isang estudyante o indibidwal na may kaalamang bumasa, tiyak na nakapagbasa ka na ng
iba’t ibang uri ng teksto. Mula sa mga aklat, diyaryo, at mga magasin hanggang sa mga paskil sa mga kalsada,
bumubungad sa iyo ang iba’t ibang uri ng babasahing nakadaragdag sa iyong kaalaman.

Tumutukoy ang teksto sa anumang uri ng sulating mababasa ninuman. Mahalaga ang mga teksto sa isang
mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos na kaniyang isusulat.

Anumang tekstong mababasa ay may layunin. May mga tekstong ang layon ay magbigay ng impormasyon,
direksyon, o paglalarawan. Ang pagkakabuo ng isang teksto ay naaayon sa layunin nito.

Tekstong Impormatibo -Isa sa mga uri ng tekstong


Mahalagang Ideya di piksiyon na naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang
Kinikilala ng isang matalinong mambabasa paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan,
ang layunin ng tekstong kaniyang binabasa. gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
Sa pamamagitan ng pagkilala sa layunin ng
teksto, nahihimay niya ang mga
Nagagamit din ito bilang pangungunahing sanggunian ng isang
impormasyong makukuha mula rito; bukod
mananaliksik. Naglalahad ito ng mga bagong puntos o kaalaman
pa sa matataya niya ang epekto ng
tungkol sa isang paksa. Puno ito ng mga impormasyong bago sa
nilalaman nito sa kaniya, halimbawa ay
kung magtitiwala ba siya sa impormasyong kaalaman ng bumabasa. Karaniwan, nagsasaad ito ng mga bagong
makukuha mula rito. pangyayari, datos, at iba pang kaalamang makatutulong sa isang
mananaliksik upang mapagyaman ang kaniyang isinusulat na papel.

Inaasahan na ang tekstong impormatibo ay may tumpak, wasto,


napapanahon, at makatotohanang nilalaman o impormasyon na batay sa mga tunay na datos at ipinahayag sa malinaw na
pamamaraan.

Uri ng Tekstong Impormatibo


• Paglalahad ng Totoong Pangyayari o Kasaysayan

• Pag-uulat Pang- impormasyon


• Pagpapaliwanag

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari o Kasaysayan

 Sa uring ito inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Ito ang
tekstong karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon.
 Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng sino, ano,
saan, kailan at paano nangyayari ang inilalahad.

2. Pag-uulat Pang- impormasyon

 Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang
bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
 Halimbawa nito ay ang mga paksang kaugnay ng teknilohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na
malapit nang maubos, impormasyong kaugnay sa halaman, at iba pa.

3. Pagpapaliwanag

 Ito ang uri ng tekstong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong
ang paksa sa ganitong kalagayan.
 Karaniwang ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang paliwanag.

Elemento ng Tekstong Impormatibo


• Layunin ng may-akda

• Pangunahing ideya

• Pantulong na kaisipan

• Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin


1. Layunin ng may-akda

• Nilalahad dito ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat. Maaaring layunin niyang
mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto
ng maraming bagay ukol sa ating mundo.

2. Pangunahing ideya

• Dito dagling inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo. Nagagawa ito sa pamamaigitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na Organizational markers na nakatutulong upang agad
makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

3. Pantulong na kaisipan

• Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin

a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart,
talahanayan, time line , at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.

b. Pagbibigay – diin sa mahahalagang salita sa teksto- nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang
nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibigyang-diin sa babasahin.

c. Pagsulat ng mga talasanggunian- karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga
aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging
basehan sa mga impormasyong taglay nito.

Mahalagang ideya
Naging mabisa ang tekstong impormatibo kung naiparating nito
nang malinaw ang datos at impormasyong ibinahagi nito.
GAWAIN 4- ILAPAT ANG NATUTUHAN (Basahin at Sagutin)

Magsaliksik sa silid- aklatan o sa Internet ng isang tekstong impormatibo. Isang halimbawa nito ay ang
tekstong “Cyberbullying”. Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito isinasagawa?


2. Paano ito naiba sa pambu-bully nang harapan?
3. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
4. Anong datos ang magpapatunay na bagama’t walang opisyal na estadistika ang Pilipinas kaugnay ng
mga nabibiktima ng cyberbullying. Ito ay isang isyu o realidad sa ating bansa?
5. Ano-anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay isang tekstong impormatibo?

~Maaaring gumamit ng papel sa pagsagot nito.

GAWAIN 5- BUOIN NATIN!


Anu-ano ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo? Gawing basehan ang mga binasa at
tinalakay sa pagpuno ng mga kahon sa ibaba.

Ang tekstong
impormatibo
ay…

You might also like