You are on page 1of 14

Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik

Prepared by: YHERVIN L. SAYSON


Layunin
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t
ibang tekstong binasa.
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.
3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng
iba’t ibang tekstong binasa.
Mga Uri ng Teksto
1.Impormatibo
2.Deskriptibo
3.Persuweysib
4.Naratibo
5.Argumentatibo
6.Prosidyural
Impormatibo
- mga babasahin at akdang
nagbibigay ng impormasyon,
kaalaman, at paliwanag tungkol sa
isang tao, bagay, lugar, hayop, o
pangyayari. Karaniwang sinasagot
nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at
kung minsan ay ‘paano.’
- Pawang impormasyon at katotohanan
lamang ang taglay ng tekstong
impormatibo at hindi naglalaman ng
anumang opinyon o saloobin.
- Karaniwang makikita o mababasa ang
mga tekstong impormatibo sa mga
babasahing tulad ng teksbuk o batayang
aklat, magasin, pahina ng balita sa mga
pahayagan, encyclopedia, almanac,
maging mga sanaysay.
Halimbawa ng Tekstong
Impormatibo
1.Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng
Pilipinas.
2.Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S.
Almario.
3.Tagapangulo rin si Almario, kilala rin bilang Rio Alma, ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
4.Nilagpasan ng ADMU Lady Eagles ang tatlong do-or-die
matches bago nila nakaharap ang DLSU Lady Spikers sa
championship.
5.Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids
grand champion.
Tatlong Uri ng Tekstong
Impormatibo
1. Naglalahad ng totoong pangyayari o
kasaysayan
2. Pag-uulat ng Impormasyon
3. Pagpapaliwanag
Naglalahad ng totoong pangyayari o
kasaysayan
• Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad
ng mga pangyayari sa nakaraan,
kasalukuyan, o iba pang panahon.
Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng
mahahalagang kaganapan tulad ng
mga nababasa sa mga pahayagan,
almanac, at aklat sa kasaysayan.
Halimbawa
1. Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942 sa
kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Ginawa ang 2019 Midterm election noong Mayo 13, 2019 at
idineklara ni Pangulong Duterte bilang non-working holiday.
3. Gagawin ang Miss Universe 2019 Pageant sa United States. Ang
unang inanunsyong petsa ay sa Disyembre 8.
4. Ibinenta ng mga Espanyol ang Pilipinas sa mga Amerikano sa
halagang $20,000,000. Ito ang laman ng Kasunduan sa Paris.
5. Nagdiwang ng ika-10 anibersaryo ang noontime show na It’s
Showtime kahapon sa Resorts World Manila.
Pag-uulat ng Impormasyon
• Nakatuon naman ang uring ito sa
pagbibigay ng kaalaman tungkol sa
tao, bagay, hayop, at lugar.
• Kinakailangan ng pananaliksik sa
pagbibigay ng kaalaman sa uring ito ay
madalas na bagong impormasyon
para sa maraming mambabasa.
Halimbawa
1. Natagpuan ng mga mananaliksik ang isang antigong bowl o mangkok
ng noodles sa China na sinasabing pinakamatanda sa buong mundo.
2. Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang Bulacan sa ‘bulak’
dahil laganap daw noon sa lalawigan ang puno ng bulak.
3. Mula sa Pampanga ang pagkaing sisig. Likas na maasim daw ang
orihinal na recipe nito dahil pagkain daw ito ng mga naglilihi at lasing.
4. Si Marian Rivera ang ipinalit kay Angel Locsin sa role na MariMar.
Lumipat kasi sa kabilang network si Angel kaya naghanap ang GMA ng
bagong gaganap.
5. Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Isko Moreno. Naging
tanyag lamang siya sa kaniyang screen name kaya ito na rin ang naging
pangalan niya bilang politiko.
Pagpapaliwanag
• Sumasagot sa tanong na ‘paano’ ang
ikatlong uri. Ipinaliliwanag nito kung
paano naganap ang isang bagay. Hindi
man ito nagpapakita ng prosedyur o
pagkakasunod, nagbibigay naman ito
ng kaliwanagan sa kung paano
nangyari ang isang insidente.
Halimbawa
1. Nahulog ang bata dahil iniwan siya ng tiyahin niya sa
upuan.
2. Nanalo si Pacquiao sa bisa ng isang unanimous desisyon.
3. Nakuha ang pera sa ginang nang papasukin niya ang
mag-asawa sa kaniyang bahay.
4. Bumaba ang mga marka ni Leni dahil hindi siya nakakuha
ng pagsusulit.
5. Bumaha sa kabilang barangay dahil nasira ang malaking
tubo ng tubig doon.
Layunin ng Tekstong Impormatibo

1. Nagbibigay ng impormasyon at
kaalaman
2.Nagbibigay ng linaw sa kung paano
nangyayari o nangyari ang isang bagay
3.Pinauunlad ang pagsusuri sa detalye
at impormasyon

You might also like