You are on page 1of 12

FIL 2

MIDTERM
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

NAME: Joanna Marie Maglangit BSN 1 - FITZPATRICK 03/01/2021

1. Ibigay ang definisyon sa sumusunod na salita na magkapareho ngunit may


magkaibang gamit.
A. Puno - kahoy na halaman
Puno - kabuohan, walang lalagyan sa dami
B. Tala - bituin sa langit
Tala- inaaya o inimbita
C. Lamang - mas nakakarami o mas angat pa sa iba
Lamang - ginagamit sa isang salita ng interpretasyon
2. Gamitin sa isang pangungusap ang bawat salita
A.
1. May isang malaking puno nakaharang sa daanan.
2. Ang espasyo nang kwarto ni Raquel ay puno na.
B.
1. Sa lalim ng gabi ang mga tala ay sumisilbing ilaw nito.
2. Si Jepoy ay sinabihang “tala” upang maiyaya siya nang kanyang mga kaibigan na
mamasyal.
C.
1. Sa karera ng mga kabayo ang kabayo ni Ramil ay lamang sa kondisyon nito.
2. Ang dyamante na nag-iisa lamang sa buong daigdig ay ninakaw nitong nagdaang
araw.

Pagsusulit
Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng mga
sumusunod na pahayag.
1. Talino ang natatanging puhunan ng isang tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa
buhay
2. Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan.
3. Sa pagbabasa, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang.
4. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan na mga Sagisag na
nakalimbag.
5. Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig,
pagsasalita at pagsulat.
6. Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.
7. Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan
bilang isang proseso.
8. Ang persepsyon ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo.
9. Ang pag-unawa sa tekstong binabasa ay nagaganap sa hakbang na komprehensyon.
10. Sa hakbang na asimilasyon, isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga
dati nang kaalaman at/o karanasan.
11. Sa hakbang na reaksyon, hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
12. Ayon kay Badayos, ang pagbasa ay isang isang proseso ng pag-iisip.
13. Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mata sa pagbasa sa braille.
14. Ang efektiv na mambabasa ay isang interaktiv na mambabasa.
15. Ang magaling ng mambabasa ay sensitiv sa kayariang balangkas ng tekstong
binabasa.
16. Hindi dapat ipagkamali sa hadlang sa pag-unawa ang hadlang sa pagbasa.
17. Ayon sa teoryang bottom-up, ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto patungo sa
mambabasa.
18. Ayon naman sa teoryang top-down, ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa
tungo sa teksto.
19. Ayon sa teoryang interactiv, ang interaksyon sa pagbasa ay bi-directional.
20. Ang batayang paniniwala ng teoryang iskima ay nakasalig sa tungkuling
ginagampanan ng dating kaalaman sa pagbasa.
Mga Pagsasanay
Task 3.1.1

Sanaysay: Sagutan ang sumunod tanong ng hindi kumulang sa 100 na salita.


Kinakailangang mayroong introduksyon, katawan, at konklusyon. Ano ang
kahalagahan ng pagbasa lalo na sa larangang inyong pinagpapakadalubhasaan.

Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t marami itong naidudulot na
magandang bagay sa mga tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na
makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan
ang mga damdamin, kaisipan at ideya ng isang tao sa mga sagisag o titik na
nakalimbag sa mga pahina upang maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita.
Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng ating pangunawa, kung baga ito ang
gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.

Ang kahalagahan ng pagbasa ay isang kalarangan para mayroong natatangi at


magaling na kakayahan para sa isang gawain. Kapag ang isang tao ay tinuturing na
dalubhasa sa pagbasa, malaki ang respeto at pagtingin sa kanya ng mga tao dahil
magaling siya sa kanyang ginagawa dahil maraming natutunan nga mga bagay-bagay
sa pamamagitan ng pagbabasa. Ito din ang nagsisilbing daan para marami tayong
matutunan sa mga paligid natin o sa mga bagay na importante nating matutunan.
Upang lubos nating malaman ang mga nasa loob sa ating mundo ang makakatulong
natin ay pagbabasa lang sa mga iba’t-ibang mga libro na makikita natin sa ating bahay
o sa paaralan.

Dapat natin isasaisip na ang pagbabasa ay napakaimportanteng bagay na dapat natin


malaman. Sa pang araw-araw nating ginagawa di mawawala ang pagbabasa dahil
nakakpaligid din ito sa iba’t-ibang lugar na makikita at mapupuntahan natin.
Napakahalaga na tayong lahat ay marunong at mahilig magbasa.
Gawain:
1. Tukuyin ang paksa ng teksto at isulat sa ibaba ang mga detalyeng inisa-isa sa
teksto.
Paksa
Mga Detalye

Task 3.2.2
Isunod-isunod ang ang mga pangyayari.
A.
Ano ba ang panitikang likha ng EDSA o ang mga libro ng People Power? Masasagot
ito kung ating babalikan ang mga pangyayaring nagpagalaw sa EDSA. Pinatay si
Ninoy Aquino sa panahon ng pamamahala ni Marcos. Umuwi ang kanyang byuda,
Cory Aquino. Ang pagpatay na ito ay nagpagising sa natutulog na bansa. Ang tila
wala ng pagkatinag na diktadurya ay unti-unting humina. Tumawag ng isang snap
election ang diktador. Napilitan ang byudang kumandidato laban sa diktador. Siya na
isa lamang housewife ang humamon kay Marcos. Gustong dayain ng diktador ang
byuda. Muling nagising ang mga tao. Dumagsa sa EDSA at doon, sa loob ng apat na
araw, naganap ang hindi inaasahan. Nagtagumpay ang mga tao. Nahirang na pinuno
ng bansa si Corazon Aquino. Ang istraktura ng istorya ng unang teksto ay natapat,
halos detalye sa detalye, sa pangyayaring lumikha sa pinuno na si Cory Aquino.
Simula sa pagbabalik sa bayan, sa pakikipaglaban hanggang sa maluklok sa
kapangyarihang dala ng mga hindi inaasahang pangyayari, malinaw na nabuhat ang
modelo ng teksto sa katauhan ni Gng. Aquino.

Mula sa Florante at Laura: Dikonstraksyon


ng Pinuno ni Loline M. Antillon Isunod-sunod ang mga pangalan batay sa hinihingi.

12.Florante - Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca.


11.Laura- anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante
10.Adolfo- anak ng magiting na si Konde Sileno ng albanya. May lihin na inggit kay
Florante
9.Aladin- isang gererong Moro at prinsepe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab.
8.Flerida- isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa
kagubatan ang kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula
kay Adolfo.
7.Menandro- matapat na kaibigan ni Florante
6.Duke Briseo - mabait na ama ni Florante
5.Prinsesa Floresca- mahal na ina ni Florante
4.Haring Linceo- Hari ng Albanya at maging ama ni Prinsesa Laura
3.Antenor- isang mabait na guro sa atenas
2.Konde Sileno- ama ni Adolfo na taga-Albanya
1.Heneral Miramolin- Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya

B.

Ang Magkakapatid na Rizal

Ang pag-iisang-dibdib nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ay


biniyayaan ng labing-isang anak – siyam na babae at dalawang lalaki. Sila ay ina:
Saturnina, ang panganay sa magkakapatid na pinalayawang Neneng; Paciano, ang
kuya ni Jose na kanyang tinawag na uto at naging ikalawang ama; Narcisa, ang
ikalawang babae sa magkakapatid na nakilala sa tawag na Sisa; Olimpia, ikatlo sa
mga babae na may palayaw na Ypia; Luci; Mari o Biang; Jose na pinalayawang Pepe
at naging pambansang bayani ng Pilipinas; Concepcion o Concha na namatay sa
gulang na tatlo; Josefa na kanilang tinawag na Panggoy; Trinidad o Trining; at
Soledad , ang bunso sa labing-isa at binansagang Choleng.

Batay sa Edad -Batay sa Kasarian- Ayos Paalfabeto


Panganay sa magkakapatid - babae
Naging ikalawang ama - lalaki
Ikalawang babae - babae
Ikatlo sa mga babae - babae
Si jose o pepe - lalaki
Namatay sa gulang na tatlo-lalaki
Tinawag na panggoy - baabe
Trinidad o trining - babae
Bunsong sa labing isa - lalake

Iayos sa wastong order ang mga sumusunod na prosijur:

Task 3.2.3

ANG PANGULO AT ANG KONGRESO

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Pangulo at Kongreso sa sistemang pulitikal


ng ating bansa. Tungkulin nilang pangalagaan ang seguridad gayundin ang kapakanan
ng mamamayan. Upang maisgawa ng Pangulo at ng Kongreso ang kanilang
tungkulin, nakasaad sa Konstitusyon ang kani-kanilang kapangyarihan. Ang Kongreso
ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabajet ng pondo, pagdeklara ng
digmaan ng bansam bilang board of canvasser sa tuwing may eleksyon sa pagpili ng
Pangulo at Panglawang pangulo, magsagawa ng impeachment at pag-amyenda sa
kasalukuyang batas. Ilan lamang ito sa kapangyariha ng Kongreso na isinasaad sa
Konstitusyon. Ang iba pang kapangyarihan nito ay mauuring implayd at inherent.
Samantala, ang Pangulo naman ay may kapangyarihan sa pamamahala aat
pagpapatupad ng batas. Tinatawag din itong kapangyarihang ehekutibbo. Kabilang
din sa kanyang kapangyarihan ang paghihirang (appointment) ng mga ofisyal ng
kanyang ppamahalaan. Ang paghirang ay maaaring permanente at pansamantala. May
kapangyariha din ang Pangulo na alisin ang mga taong kanya ring hinirang.
Nangyayari ito kung hindi efektiv sa kanyang tungkulin bilang ofisyal ang sino nang
hinirang ng Pangulo o pamahalaan. May kapangyarihan din ang Pangulo na kontrolin
ang lahat ng ahensya ng gobyerno, lokal man o nasyunal. May kapangyarihan din ang
Pangulo sa sandatahan ng PIlipinas. Sa katunayan, siya ang tumatayong Commander-
in-Chief nito. Ilan lamang ito sa kapangyarihan ng Pangulo na nakasaad sa
Konstitusyon. Ang Pangulo at ang mga mambabatas na bumubuo sa Kongreso ay
kapwa ibinuboto ng mga mamamayan. Sila’y pinipili batay sa kanilang mga
kakayahang Luwagan ang daluyan ng hangin ng pasyente. Ihiga ang pasyente nang
pantay sa sahig upang malapat ang buong katawan niya. Kung humihinga ang
pasyente, panatilihin siya sa gayong posisyon hanggang sa dumating ang tulong.
Alamin kung may malay ang pasyente. Alaming muli kung humihinga ang pasyente
sa pamamagitan ng paglapit ng tainga sa bibig at ilong ng biktima. Kapag hindi
humihinga ang pasyente, simulan na ang reskyu sa pamamagitan ng CPR.

Sagot:

Task 3.2.4
Sa isang pag-aaral na isinagawa hinggil sa kultura ng pananaliksik ng mga lokal na
pamantasan sa Metro Manila, natuklasan ng isang mananaliksik ang ilang mga
suliraning nakaapekto sa efektiv na implementasyon ng mga programang
pampananaliksik ng mga pamantasan sa nasabing lugar. Ilan sa mga suliraning ito ay
ang kakulangan ng mga institusyunal na programang pampanaliksik sa mga
pamantasan. Kapansin-pansin din ang pangangailangan mapagbuti ang mga resorses
ng mga pamantasan sa Metro Manila laon na ang mga resorses na human at material.
Malinaw rin ang indikasyon ng kakulangan ng mga awtput sa pananaliksik,
diseminasyon ng mga awtput ng pananaliksik at paggamit ng mga ito sa mga
institusyunal na development. Sa nasabing pag-aaral, pangunahin sa mga mungkahing
solusyon ng mananaliksik ang institusyunalizasyon ng isang istrakturang
pampananaliksik na binunuo ng mga kwaligayd na taong may mataas na teknikal na
kaalam at kasanyan sa pananaliksik. ang istrakturang ito ay binubuo ng Pangalawang
Pangulo para sa pnanaliksik, isang Sangguniang Pampananaliksik at mga DIrekto sa
Pananaliksik na siyang mamumuno sa sentro ng pananaliksik sa bawat kolehiyo ng
pamantasan. Samantala, pangunahin sa mungkahing paraan ng pagpapabuti ng
material na resorses ay ang paglalaan ng sapat na badyet para sa mga gawaing
pampananaliksik at pagbili ng mga kagamitan o fasilidad na kailangan para sa mga
nabanggit na gawain. Samantala, upang makaakit naman ng kwalifayd at mahuhusay
na pananaliksik, makabubuti kung ang mga pamantasan ay magbibigay ng mga
insentiv para sa mga mananaliksik. Ang mga istratehiyang ito ay inaasahang
makapagpataas din ng antas ng mga awtput pampananaliksik ng mga pamantasan,
kapwa sa damin at kwaliti, gayundin ng diseminasyon at paggamit ng mga nasabing
awtput.

Gawain: Tukuyin ang mga problema at solusyong tinalakay sa teksto. Isulat ang iyong
mga sagot sa magkakambal na kahon.

Problema

Solusyon

Mga Pagsasanay
Task 3.3.1
Ang istatistiks ay isang sangay ng matematika na tumatalakay sa sistematikong
metodo ng pangongolekta, pagkaklasifay, paglalahad, pagsusuri at pag-iinterpret ng
mga kwantiteytiv o numerikal na datos.
Napakahalaga ng istatistiks sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito, nagagamit natin
ang deskriptiv na wika nang higit na efisyente at eksakto sa komunikasyon.
Nagagawa nitong simple ang malalabong kongklusyon.
May mahalaga ring gamit ang istatistiks sa halos lahat ng disiplina ng pag-aaral.
Sa edukayon, ginagamit ito sa pagtataya ng mga resulta ng pagsusulit tungo sa
pagpapabuti ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Kasangkapan din ito sa pag-
eevalweyt ng mga administrador ng mga paaralan. Sa sayans, kasangkapan ito sa

pananaliksik at eksperimentasyon, maging sa interprestasyon ng mga nakolektang


datos. Sa negosyo at ekonomiks, gingagamit ito sa produksyon, pagbebenta,
pagpepresyo at marami pang iba. Sa inhenyeriya, gingagmit ito sa mga pananaliksik
at eksperimentsyon ng relayabiliti testing at sa pagkokontrol ng kalidad. Sa
gobyerno, nakatutulong din ito tulad halimbawa sa pagpapanatili ng efisyenteng
sistema ng pagrerehistrong sivil.
Tukuyin ang pangunahing ideya at mga sumusuportang detalye ng ikalawa at ikatlong
talata ng binasang teksto. Isulat ang mga sagot sa kasunod na grafik organayzer.

NEGOSYO

gingagamit ito sa produksyon,


pagbebenta, pagpepresyo at
marami pang iba
EKONOMIKS

METODO NG PANGONGOLEKTA

PAGKAKLASIFAY

PAGLALAHAD ISTATISTIKS

PAGSUSURI

PAG-IINTERPRET NG MGA
KWANTITEYTIV ONUMERIKAL NA DATOS

Task 3.3.2
Ang paninigarilyo ay nakaaafekto sa maraming organ ng katawan. Dinadagdagan
nito ang panganib sa sakit ng puso, kanser sa bibig, laringhe, esopagos, tiyan, lapay,
kidni, prosteyt at blader. Iniuugnay din ito sa pagkabaog, sakit ng mga ugat at
pananakit ng likod. Pero ang higit na sisinisira ng paninigarilyo ay ang mga baga at
pinatutunayan ito ng mga istatistiks sa kalusugan,
Kanser sa baga ang pinakamarami sa lahat ng kanser sa kalalakihan. Hindi
nakapagtataka dahil mahigit sa 60% ng kalalakihang Pilipino ay naninigarilyo at ang
mga naninigarilyo ay may mahigit sa 30 posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga
kaysa mga hindi naninigarilyo. Bukod sa kanser, prone din ang mga nainigarilyo sa
dalawa pang sakit, ang chronic bronchitis at emphysema.
Kaya ngayon Buwan ng Baga, gumawa ng positivo. Pakinggan ang babala ng
gobyerno na nagsasabing ang paninigarilyo ay mapanganib sa iyong kalusugan.
Kaya, tumigil na sa paninigarilyo at mabuhay nang mas malusog at mas matagal.

Isulat sa panggitnang bilog ang layunin ng tekstong binasa at sa panlabas na bilog


ang mga nagpapatunay sa iyong sagot
Task 3.3.3
Hindi dapat “Boses ng Bayan” ang naging islogan ni VP Noli “Kabayan” de
Castro nang pumasok siya sa pulitika, kundi “Boses ng Dos.”
Wala kasing nakarinig sa boses ni Kabayan na ipinagtanggol nito ang
taumbayan laban sa Meralco at Maynilad sa walang-puknat na pagtataas nito sa
singil ng kuryento at tubig. Pero nang masangkot si Juluis Babao, ang kapwa niya
brodkaster sa ABS-CBN – sa pagpipiyansa at pagpapalaya sa teroristang si Dawud
Santos, todo pagtatanggol siya rito.
Diyan napatunayan ngpubliko na ang boses ni Kabayan ay hindi pangbayan,
kundi pang-dos (ABS-CBN) lamang. Buwisit!

Halaw mula sa Boses ng Dos


Ni Pablo L. Hernandez, sa Bulgar,
Nobyember 9, 2005

Gawain: Sa kasunod na grafik organayzer, isulat ang damdamin, tono at pananaw ng


teksto. Tukuyin din ang salitang ginamit sa teksto na magpapatunay sa iyong sagot.

Teksto:
Boses ng Dos

Tono: Pananaw:
Damdamin:
Malungkot at inis Dapat nila ipalaban ang mga taumbayan
Lungkot at nadismaya para maiwas ang mga ganitong sistwasyon

Patunay: Patunay:
Dahil sa wala naitanggol ang taumbayan Patunay: Wala kasing nakarinig sa boses ni Kabayan
laban sa meralco at maynila Dahil sa pagkadismaya nila na ipinagtanggol nito ang
taumbayan laban sa Meralco at Maynilad sa
walang-puknat na pagtataas nito sa
singil ng kuryento at tubig.
Mga Pagsasanay
Task 3.4.1
Sanaysay: Talakayin ang kahalagahan ng pagsulat sa iyong disiplina o larangang
pinagpapakadalubhasaan. (300 na salita)

Mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal dahil dito sa ating mundo maraming
bagay tayong natutuklasan at pilit na tinutuklas upang mapaunlad ang ating
kaalaman at mas mapalawak ang ating kaisipan. Ang pagsulat ay isang mahalagang
sangkap at paraan ng pakikipagugnayan, pakikipagkomunikasyon at
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsulat. Maraming gamit and pagsulat
katulad ng mga pag papahayag ng saloobin, opinion, katotohanan at naglalahad ng
damdamin na nais ipabatid sa mga mambabasa. Noong tayo ay bata pa lamang
tinuruan tayong magsulat at habang lumilipas ang panahon mas pinapaunlad natin
ang ating mga stratehiya ng pagsulat, ang konsepto, ideya at mga panuntunan nito
dahil dito mas nalulutas natin ang mga pagbabago dahil sa impluwensya ng
makabagong teknolohiya. Dahil sa mga mas pinaunlad at makabagong kagamitan
medyo nababwasan ang mga manunulat dahil mas tinatangkilik ng iba ang
makabago at modernong paraan. Ang pagsulat ay kaagapay ng pag basa kung sa
ganun napakahalaga ng mga bagay na ito dahil dito napapaunlad natin ang ating
isipan at kaalaman. Sa mga nagpapakadalubhasa ang nakagawiang pagsulat ay
napakahalaga dahil dito mas nabibigyang diin ang mga damdamin na nais na
ipahiwatig. Alam nating may mga taong madaling matuto tungo sa pagsulat dahil
mas madaling maunawaan ang mga bagay- bagay pag ito ay nakalahad kaya't wag
nating baliwalain ang pagsulat dahil isa ito sa kasangkapan na humuhubog sa ating
kaalaman sana ay mas paunlarin pa natin ang pagsulat. Dapat nating tandaan na ang
pagsusulat ay maraming naitutulong sa atin mga tao ito ay nagbigay nang mga
bagay-bagay na kailangan nating matutunan nang maayos para tayong lahat ay may
mga kakayahan sapaggawa nang anumang makakatulong sa atin lalo sa sa ating
kaisipan at kaalaman. Sapag alam nito mayroon tayong disiplina sa ating mga sarili at
larangan sa anumang mga papangyayari sa atin bilang isang tao. Pahalagang nating
ang pagsusulat kasi ito ang gabay para tayo ay may nalalaman at maintindihan sa
mga paligid natin at sa kapwa nating tao.
Task 4.1.1
Sanaysay: Isulat sa isang long bondaper ang kasagutan sa mga sumusunod:
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik sa napili mong disiplina o profesyon
sa hinaharap.
- Kahalagahan ang pananaliksik sa napiling disiplina o profesyon na aming hinaharap
dahil maari nitong mapalago ang buhay ng iba’t ibang uri ng tao. Saklaw nito ang
napakaraming benipisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng iba’t ibang disiplina at
larangan. Lumalawak ang kasipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na
pagbabasa, pag-iisip, pagsusuri, paglalahad at paglalapat ng interpretasyon sa mga
impormasyong nakalap. Gayundin, nakapaggagalugad at nakapaghahanda ka para
sa iyong karera sa hinaharap dahil sa nasasanay kang magbasa at mag-analisa ng
mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng mas malawak na kaalamang
magagamit sa iyong propesyon .
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik sa akademya.
- Mahalagang saliksikin ng lubusan ang akademya. Dito mahuhubog ang kaisipan at
pati na din ang pagkatao at kaalaman ng isa. Malaking tulong ng mainam at maayos
na akademya sa pag-aaral. Kung hindi magiging maayos ang kapaligiran sa pag-
aaral, makakaapekto ito sa mismong mga estudyante. Maaaring ang iba sa kanila ay
tamarin o mawalan ng gana. Kaya napakahalagang masaliksik muna ang mga
akademya.

You might also like