You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON VII
Dibisyon ng Dumaguete
Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School
Ma. Asuncion Village, Daro, Siyudad ng Dumaguete

KOMPILASYON SA MGA URI NG TEKSTO

na ipinasa kay

CHARLENE D. REPE-LPT, MAED-Filipino

Bilang Bahagi ng mga Gawain sa Pagtamo ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

ni: Jian Paul P. Dales

Abril, 2022
Teksto
Ang teksto ay anumang bagay na maaaring maging "basahin", kung ang mga bagay na ito ay isang trabaho
ng panitikan, isang street sign, isang pag-aayos ng mga gusali sa lungsod ng bloke, o mga estilo ng pananamit. Ito
ay isang maliwanag na hanay ng mga palatandaan na nagpapadala ng ilang mga uri ng mapagbigay-kaalamang
mga mensahe.

Ito ay isa sa mga mabisang paraan upang matuto ng mga bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa
at mga mga babasahin, tulad ng aklat at mga pahayagan ay nagtataglay ng mga teksyo.

Ano Ang Teksto?

Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang
impormasyon. Maaari din itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag.

Matutukoy ding teksto ang orihinal na mga salita o pahayag ng isang awtor sa isang dokumento kabilang
ang kaniyang mga paliwanag, puna, pagsasalaysay ng karanasan, paglalarawan ng mga bagay, pagbibigay ng
pagtataya o paglalahad ng impormasyon o pag-aanalisa.

Sa akademikong uri ng pag-aaral, ang teksto ay maaari ding sumaklaw sa ilan pang isinusulat na akda
katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon, awitin, patalastas, at iba pang nakalimbag na paalala.

Iba’t Ibang Uri ng Teksto

May iba’t ibang uri ng teksto ayon sa impormasyon o mensaheng nais nitong ibigay sa mambabasa. Ang
ilan ay ang mga sumusunod.

Tekstong Impormatibo

Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagbabasa ay upang matuto. Kaya naman isang uri ng teksto ang
naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman—ang tekstong impormatibo.

Ano Ang Tekstong Impormatibo?

Tinatawag na tekstong impormatibo ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman,
at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na
‘ano,’ ‘sino,’ ‘paano’at iba pa, o mas kilala sa ingles na “WH questions”. Pawang impormasyon at katotohanan
lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.
Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o
batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay. Kapag
nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa isang mambabasa.

Mga Halimbawa ng Tekstong Impormatibo:

 Si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. ay ang ika 17th na Presidente sa
Pilipinas
 Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
 Pinatay ang Governor ng Negros Oriental na si Gov. Roel Ragay Degamo noong ikaapat ng Marso
2023.
Mga Uri ng Tekstong impormatibo

You might also like