You are on page 1of 18

TEKSTONG

IMPORMATIBO
G. Ariel T. Rivera
Guro sa Pagbasa at Pagsulat
MGA LAYUNIN
- Natutukoy ang paksang tinalakay sa
iba’t ibang tekstong binasa.
- Natutukoy ang kahulugan at
katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong
binasa.
ALAM MO BA?
Sa milyon-milyong impormasyon
na makikita sa social media,
mahalaga ang matalas na
pagtukoy ng isang mambabasa
kung ang impormasyong
nababasa ay huwad o tunay.
ALAM MO BA?
Isang mahalagang kakayahan sa
pagbasa ang diskriminasyon sa
datos kung ang tinutukoy ay
makatotohanan o hindi, o kung
makabuluhan o hindi kailangang
pagtuunan ng pansin ang isang
impormasyon.
Bilang isang mag-aaral na may
kaalamang bumasa, tiyak na
nakapagbasa ka na ng iba’t ibang uri
ng teksto. Mula sa mga aklat, diyaryo,
mga magasin, hanggang sa mga paskil
sa kalsada, bumubungad sa iyo ang
iba’t ibang uri ng babasahing
nakadaragdag ng iyong kaalaman.
Tumutukoy ang teksto sa anumang
uri ng sulatin na mababasa
ninuman. Mahalaga ang mga
teksto sa isang mananaliksik dahil
ang mga ito ang nagiging batayan
ng mga datos na kaniyang
isinusulat.
TANDAAN!
Ang anumang tekstong mababasa
ay may layunin. May mga teksto na
ang layon ay magbigay ng
impormasyon, maglarawan,
magsalaysay ng isang pangyayari,
magturo ng proseso, manghikayat o
kahit na magbigay-aliw.
Isa sa mga uri ng tekstong nagagamit
bilang pangunahing sanggunian ng isang
mananaliksik ay ang tinatawag na
tekstong impormatibo. Naglalahad ito ng
mga bagong punto o kaalaman tungkol
sa isang paksa. Puno ito ng impormasyong
bago sa kaalaman ng bumabasa.
Karaniwang nagsasaad ito ng bagong
pangyayari, datos, at iba pang kaalaman
na makatutulong sa isang mananaliksik
upang mapagyaman ang kaniyang
isinusulat sa papel.
Kadalasan, ang sumusulat ng isang
tekstong impormatibo ay iyong may
sapat na kaalaman tungkol sa
paksa. Ang layunin ng ganitong uri
ng teksto ay pataasin ang
kaalaman ng mambabasa tungkol
sa isang paksa o konsepto at
tulungan siyang maunawaan ito.
Ang tekstong impormatibo na kung minsan
ay tinatawag ding ekspositori, ay isang
anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino, at paano. Pangunahing layunin
ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa
tungkol sa anumang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
Ayon kay June Keir, sa kanyang aklat na
Informative Texts: Recognizing and Creating
Procedures, Explanations, Recounts and Procedures
(2009) ang tekstong impormatibo ay may
mgasumusunod na uri.
“Umupo ka upang magsulat at
tumayo upang mabuhay.”
- Ginoo

You might also like