You are on page 1of 22

Aralin 1:

Pagsagot sa mga Tanong

Bb. Danica Joy O. Mendoza


Anu-ano ang mga
pangunahing
katanungan?
• Ano
• Sino
• Saan
• Kailan
• Paano
• Bakit
• Ano
-sumasagot sa ngalan ng bagay at
pangyayari.
Halimbawa:
Ano ang ibinalita ni Kikay sa kaniyang ina?
Ang balita ni Kikay sa ina ay ang
pagkapanalo niya sa paligsahan.
• Ano
-sumasagot sa ngalan ng bagay at
pangyayari.
Halimbawa:
Ano ang kinain ng aking anak kanina?
Ang kinain ng iyong anak kanina ay tinapay.
2. Sino
-sumasagot sa ngalan ng tao lamang.
Halimbawa:
Sino ang nag-away kaninang umaga?
Sina Butchoy at Buchiki ang nag-away
kanina.
3. Saan
-tinutukoy ang pinangyarihan o lugar kung
saan ginaganap ang kilos.
Halimbawa:
Ayon kay Ma'am Danica, saan daw
natagpuan ang kawawang cowboy?
Sa palengke ng Angat ito natagpuan.
4. Kailan
-tumutukoy sa panahon.
Halimbawa:
Kailan nagpunta ang mga kandidato sa
inyo?
Kagabi ay nagpunta sila sa aming bahay.
5. Paano
ang pamamaraan sa isang kilos o sitwasyon.
Halimbawa:
Paano mo mapapataas ang iyong marka?
Ako ay mag-aaral mabuti.
6. Bakit
ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan
ng pangyayari.
Halimbawa:
Bakit kailangan magtapos ng pag-aaral?
Upang/Para maabot ang mga pangarap.
Iba't Ibang Teksto
Teksto
-ang anumang babasahin na nagtataglay ng
iba’t ibang impormasyon. Maaari din itong
nagbibigay ng mensahe o damdamin ng
sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag
Iba't Ibang Teksto

TEKSTONG PANG-
PABULA KUWENT IMPORMASYON
USAPAN
O
Iba't Ibang Teksto
1.
isang uri ng panitikan na
PABULA
may layunin na magbigay
ng mga aral sa
pamamagitan ng mga
kwentong may mga tauhang
hayop.
Iba't Ibang Teksto
halimbawa:
1. Si Langgam at si
Tipaklong
2. Si Kuneho at si Pagong
3. Si Pagong at si Matsing
4. Ang Daga at ang Leon
5. Si Paruparo at si
Langgam
Iba't Ibang Teksto
2.
maiksing
KUWENTO salaysay hinggil sa
isang mahalagang
pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan.
Iba't Ibang Teksto
halimbawa:
1. Alamat ng Pinya
2. Biag-ni-Lam-Ang
3. Ang Kalupi
Iba't Ibang Teksto
3. TEKSTONG PANG-
IMPORMASYON
isang uri ng pagpapahayag na
ang layunin ay makapagbigay
ng impormasyon.
Iba't Ibang Teksto
halimbawa:
1. Diyaryo
2. Ensiklopedya
3. Atlas
4. Almanac
5. Libro
Iba't Ibang Teksto
4. USAPAN
pakikipagtalastasan o
pakikipag-unayan sa iyong
kapwa tao upang
makapagbahagi ng
impormasyon.
MGA TANONG:
1. Anong klaseng teksto ang nabasa?
2. Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
3. Batay sa binasang teksto, anong sakit ang naghatid ng
matinding pinsala sa karamihan?
4. Sa iyong naobserbahan at nabalitaan, ano ang sakit na
Dengue?
5. Sino-sino ang dapat na may gawing pagkilos upang
mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito?
6. Kalimitan, sino ang nagiging biktima ng sakit na ito?
7. Ano-ano ang dapat gawin upang malutas ang sakit na
dengue?
8. Bilang kabataan, ano ang maitutulong mo upang malutas
ang dengue?
MGA TANONG:
1. Anong klaseng teksto ang napakinggan?
2. Sino-sino ang mga tauhan napakinggan?
3. Anong klaseng hari si Midas?
4. Saan tinatago ni Haring Midas ang kaniyang ginto?
5. Paano tinrato ni Haring Midas si Silennus?
6. Bakit nagpakita ang Diyos ng Kagubatan kay Haring
Midas?
7. Paano pinasalamatan ng Diyos ng Kagubatan si Haring
Midas?
8. Ano ang hiniling ni Haring Midas?
9. Ano ang naging problema ni Haring Midas?
10. Ano ang aral na natutunan mo sa teksto?

You might also like