You are on page 1of 20

Magandang Araw!

Gina M. Cortez
Taysan Senior High School
Dibisyon ng Batangas

gina CORTEZ 1
MGA BARAYTI NG WIKA

DAYALEK, SOSYOLEK,
IDYOLEK, ETNOLEK, PIDGIN,
CREOLE, AT REGISTER

gina CORTEZ 2
ABSTRAKSIYON

Dayalek – nadedelop sa rehiyong kinabibilangan

gina CORTEZ 3
Maynila: Bataan:
Aba! Ang ganda Kaganda ah!

Batangas: Rizal:
Aba! Ang ganda eh Ka ganda, hane!

gina CORTEZ 4
gina CORTEZ 5
Idyolek – pampersonal na gamit ng wika, kadalasang unique.
Iba’t ibang “accent” ng mga tao.

• Gas Abelgas
• Kuya Kim
• Rodrigo Duterte
• Ruffa Mae Quinto
• Anabelle Rama
• Mike Enriquez
gina CORTEZ 6
Sosyolek – pansamantalang barayti. Wikang nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng
wika. (Hal. wika ng mga lalaki, wika ng mga bata, wika ng matatanda,
wika ng mga bakla).

gina CORTEZ 7
1. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
2. Wow Pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
3. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
4. Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.
5. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. May jamming dun eh.

Ø 3ow phOw, mUsZtaH nA phOw kaOw?


Ø aQcKuHh iT2h
JEJEMON Ø iMiszqcKyuH
Ø MuZtaH
gina CORTEZ 8
Ano kaya ang mangyayari kung mga conyo lahat ng
nakatira sa Pilipinas?
§ Magnanakaw: Holdap, make bigay all your thingies! Don’t
make galaw or I will make tusok you!
§ Pulis: Make suko na, we made you napapaligiran!
§ Impeachment trial: You are so asar! I’m galit na to you!
§ Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy,
join the rally!
§ Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
gina CORTEZ 9
§ Pasahero 1: Sir, payment!
§ Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
§ Customer: Pa-buy ng water, yung naka-sachet! (ice tubig)
§ Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
§ Pari: You’re so bad, see ka ni God!
§ Tsismosa 1: I was like this, he was like all that, and I was
like what’s your problem?
§ Tsismosa 2: OMG that is like sooooooooo sad!

gina CORTEZ 10
§ Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init. I’ll make it with
extra sago!
§ Bumibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
§ Pulubi: Knock-knock, pa-beg!
§ Janitor: Ekkkk! Kill the ipis, please don’t step on it ha, I
don’t like to feel the sound!

Source: https://www.tumblr.com/search/Israel+lumansang

gina CORTEZ 11
O kaya ganito… (Excuse letter ng nanay sa teacher)

Dear Teacheret,
Kamustasa? Keri ka lang ba?
Bet kong italak sayez na wititit makakajosok sa skulembang si junakis
ngayonchi. Rarampa si atashi now at bet kong ka-joinforce si bebemon. Ispluk
ni junakis na may periodical examinelya silachi. Hoping akez na givlakan mo
itey ng bonggang-bonggang espesyalindang examinelya.
Trulibels,
Mudrakis

gina CORTEZ 12
Etnolek – nadedebelop mula sa mga salita ng mga
etnolingguwistikong grupo. Mula sa pinagsamang salita na ‘etniko’ at
‘dayalek’.

gina CORTEZ 13
Pidgin – wikang walang pormal na estruktura. Nobody’s native
language.

gina CORTEZ 14
Creole – wikang unang naging pidgin na kalaunan ay
naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat
may komunidad ng tagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika.

Halimbawa: Chavacano

gina CORTEZ 15
Register – wikang espesyalisadong nagagamit sa isang
partikular na domeyn. Tawag sa mga espesyalisadong
termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na
nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang
larangan o disiplina

gina CORTEZ 16
■ Bituin – sa larangan ng astrolohiya = flaming ball of gas na
makikita sa kalawakan
Pelikula – artista

Edukasyon – napakahusay/ very good

■ Dressing – sa larangan ng medisina = paglilinis ng sugat o


pagpapalit ng benda o takip ng sugat upang maiwasan ang
impeksiyon o paglala nito
Fashion - pananamit

Pagluluto – dekorasyon sa pagkain


gina CORTEZ 17
Sa anong pagkakataon sa buhay mo maaaring
makatulong ang mga kaalaman ukol sa barayti ng
wika?

gina CORTEZ 18
APLIKASYON
Magpangkat ang klase sa apat hanggang limang grupo.
Bawat grupo ay gagawa ng isang maikling video na
nagpapakita ng iba’t ibang barayti ng wika (sosyolek, idyolek,
etnolek, dayalek, pidgin, at creole). Ang video ay hindi bababa
sa limang minuto. Gawing malikhain ang video.

gina CORTEZ 19
PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA:
Nailahad nang malinaw ang gawaing ibinigay - 15
(malinaw ang mga salita at diyalogong
tumutugon sa bawat barayti ng wika)
Naging malikhain sa paglalahad ng gawain - 15
Maayos ang editing (akma ang musika, props, - 10
at iba pang teknikal na may kaugnayan
sa maikling video)
May pagkakaisa o teamwork - 5
Impormatibo at nakakaaliw ang bidyo - 5
KABUOAN - 50
gina CORTEZ 20

You might also like