You are on page 1of 3

Semi-Detailed na Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN
a) Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng Barayti ng Wika (Idyolek at Sosyolek),
b) Naiuugnay ang ang Barayti ng Wika sa sariling kaalaman at karanasan; at
c) Nakabubuo ng maikling dayalog/pagsasadula gamit ang Idyolek at Sosyolek na Barayti
ng Wika.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Idyolek at Sosyolek (Barayti ng Wika)
Sanggunian: Komunikasyon at Panaliksik sa Wika at Kultura
Kagamitan: Visual Aid, PowerPoint Presentation at Pamantayan sa Gawain
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng wika ng bawat isa

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
The Word Sounds Familiar
Panuto: Ilagay sa kahon ng mga personalidad ang mga salitang nasa bula kung sa tingin
mo ay ginagamit nila ito sa kanilang pakikipagtalastasan.
1) Pisara
TEACHER Mike Enriquez JEJEMON
2) Excuse me po!
3) Eow Powz
4) Banghay-Aralin
5) Mhuzta
6) Walang kinikilingan

B. Paglalahad
Idyolek- Nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang
pangkat ng mga tao na gumagawa ng isang komon na wika.
Halimbawa:
“Magandang gabi bayan” ni Noli De Castro
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kuya Kim

Sosyolek- Nagkakaroon ng pagkakaiba sa wika dahil sa iba-ibang estado ng tao sa


lipunan.
Halimbawa:
“Rapapips, ala na akong datung!”
“Need ko na talaga ng food I’m so hungry na”

C. Paglalahat
Mahalagang matutunan natin ang ibat ibang barayti ng wika upang maging bukas tayo
sa mga pagkakaiba ng wika o lenggwaheng ating naririnig sa mga taong nakakasalamuha
natin araw-araw. Magiging malawak ang ating pang-unawa at magkakaroon ng
pagkakaisa, magkaiba man ang ating kinalakihan na wika.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik I kung ang tinutukoy ay Idyolek at titik S naman kung ito ay
Sosyolek.
1) “Handa na ba kayo?”
2) “Ang chaka naman ng fez ng jowabells mo.”
3) “Get get aww!”
4) “Omg, lakas ng rain and there is a baha out there”
5) “Walang himala!”
6) “Is it sarap? Pwede pa have?
7) “Sige ka jojombagin kita”
8) “6udeve 6uys”
9) “Highblood pressure”
10) “Ding ang bato!”

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Humanap ng kapareha at bumuo ng isang maikling dayalog gamit ang Idyolek at
Sosyolek na barayti ng wika. Itatanghal ito sa harap ng klase sa susunod na pagkikita.
PAGTATAYA

Pangalan: Grade&Section:

Panuto: Isulat ang titik I kung ang tinutukoy ay Idyolek at titik S naman kung ito ay
Sosyolek.

1. “Handa na ba kayo?”
2. “Ang chaka naman ng fez ng jowabells mo.”
3. “Get get aww!”
4. “Omg, lakas ng rain and there is a baha out there”
5. “Walang himala!”
6. “Is it sarap? Pwede pa have?
7. “Sige ka jojombagin kita”
8. “6udeve 6uys”
9. “Highblood pressure”
10. “Ding ang bato!”

PAGTATAYA

Pangalan: _______________________________ Grade&Section:_________

Panuto: Isulat ang titik I kung ang tinutukoy ay Idyolek at titik S naman kung ito ay
Sosyolek.

1. “Handa na ba kayo?”
2. “Ang chaka naman ng fez ng jowabells mo.”
3. “Get get aww!”
4. “Omg, lakas ng rain and there is a baha out there”
5. “Walang himala!”
6. “Is it sarap? Pwede pa have?
7. “Sige ka jojombagin kita”
8. “6udeve 6uys”
9. “Highblood pressure”
10. “Ding ang bato!”

You might also like