You are on page 1of 3

SHEET NG PAMPAGKATUTONG GAWAIN SA FILIPINO 9

Unang Markahan, Linggo 5- 6


Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: _______________
Paaralan: ______________________ Petsa: ___________

Kasanayang Pampagkatuto
 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan(sa totoo,talaga,tunay at
iba pa
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ng estruktura nito
 Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na:
“Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang inyong nagustuhan?
( F9PB-li-j-44 )

Aralin 1.5 Gramatika : Mga.Ekspresyong Nagpapahayag ng katotohanan


Ang Dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa tanghalan upang
makapagturo, manlibang, makapagmuni-muni at makaantig
ng damdamin. Ito’y isang masining na paraan ng panggagaya sa mga nangyayari sa tunay
na buhay. Maaaring bunga rin ito nang malaya at malikhaing pag-iisip ng isang manunulat.
Hinahati ito sa mga yugto at tagpo. Tagpo ang tawag sa paglabas-masok ng tauhan sa
tanghalan.
Sa isang dula, ang kasiningan ng akda ay higit pang pinatitingkad ng mga gumaganap na
karakter o aktor. Bukod dito, mahalagang bahagi rin ang iskrip , direktor, manonood,
tanghalan at dayalogo. Ito ang mga tinatawag na mga elemento/ sangkap ng dula.
Walang dula kung walang iskrip. Lahat ng itinatanghal na dula ay nakabatay rito. Hindi rin
siya dula kung sa pagtatanghal ay walang manonood.
Bukod sa elemento ng dula , mahalagang salik din na nakapaloob sa binasa ang paggamit
ng mabibisang salita sa paglalahad ng impormasyon. Mga salitang kapag nabago ang istruktura
ay nababago ang kahulugan. Makatutulong dito ang pagkilala sa mga pandiwang nasa
panaganong paturol sapagkat tahasang nagsasaad o nagpapahayag ito ng kilos na maaring
naganap na (perpektibo), kasalukuyang nagaganap (imperpektibo), kilos na gagawin pa lamang
(kontemplatibo) , at kilos na katatapos pa lamang (perpektibong katatapos) bilang ikaapat na
aspekto..

Mga Halimbawa:

Kinausap ni Minda ang guro ng dalawang anak. (perpektibo)

Naglalaba sa likod-bahay si Minda nang tumawag ang kapitbahay.


(imperpektibo)
Aalis na naman si Boyong patungong Cavite upang maghanapbuhay.
(kontemplatibo)
Kapupunta pa lamang ng mag-asawa sa silid nang sumilip si Frida.
(perpektibong katatapos)
Ang perpektibong katatapos ay nabubuo sa tulong ng paggamit ng pan laping ka + pag-uulit ng
unang pantig ng salitang-ugat + salitang-ugat.

Pagsasanay 1 - Ilagay sa kahon ang akmang salita mula sa dula na nasa pandiwang panaganong
paturol.
ginagawa makatutulong pinaglilinis bumagsak kaluluto

Perpektibong
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
katatapos
Pagsasanay 2 - Banghayin ang mga pandiwang neutral/pawatas sa aspektong perpektibo,
imperpektibo at kontemplatibo. Ihanay sa kahon.
Neutral/Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1. hawakan
2. pagbintangan
3. makuha
4. magpahid
5. bumawi

Pagsasanay 3 - Piliin ang ginamit na mga salita o ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa


pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.
1. Ayon sa aking mga kabarkada, totoong nakita ka nila na kasama sa parke si Jepoy.
2. Ang pagsasabi ng tapat sa magulang ay talagang kaibig-ibig na pag-uugali ng isang anak.
3. Ang gawaing-bahay ay tunay na dumadali sa pagtutulungan ng buong pamilya.
4. Napatunayan ni Frida na mahal siya ng magulang sa kabila ng kaniyang pagkukulang.
5. Bagaman malaking porsyento ng mga kabataan ngayon ang napabibilang sa maagang pag-
aasawa, totoong marami naman sa kanila ang nagsisisi sa bandang huli.

Performance Task
Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa CORONA VIRUS na puminsala sa
buong mundo. Gumamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa paglalahad ng
pinsalang idinulot nito. Gumamit din ng mga pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng
impormasyon. Isaalang-alang sa pagsulat ang mga sumusunod na pamantayan:
A. Orihinalidad ———- 40 %
B. Malinaw na pagkakalahad ng mensahe at impormasyon _____ 30 %
C. Paggamit ng ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ____ 30 %

Linggo 6
Aralin 6 Pangwakas na Output
Ang Sarbey ay isang pag-aaral na ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang
hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.
Gayundin, ito ay isang anyo ng pagtugon sa papel at lapis sa isang intensibo, one-onone at
malalim na interbyu. Ito rin ay pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian,
aksyon o opinyon ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang ng isang
populasyon.
TATLONG URI/ PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS
1. Talatanungan/ Written Questionnaires- Isa sa pangkaraniwang ginagamit
sa pagkuha ng datos kung saan isinusulat ang mga tanong at pinasasagutan sa
mga respondente nito. Ito rin ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos.
Sa kagamitan ding ito nakalimbag o nakasulat ang mga tanong na mayroong
mapagpipiliang mga sagot na idinisenyo para sa layunin ng isang pagsukat,
pagsusuri, pag-uusisa o pagsisiyasat o pag-aaral na pang-estadistika. Isa itong
kapangkatan ng mga katanungan na inisip at ibinalangkas upang makatamo ng mga
kasagutan para sa mga tiyak na mga tanong.
Dalawang Uri ng Talatanungan
1.1 Open Ended - ang mga respondente ay malaya sa pagsagot
1.2 Close Ended – uri ng talatanungan na may pagpipilian
2. Pakikipanayam - Ito ay isinasagawa kung posible ang interaksyong personal.
Dalawang Uri ng Pakikipanayam
2.1 Binalangkas na Pakikipanayam - ang mga tanong ay nakalahad nang tiyak sa
permanenteng listahan o tinatawag din itong gabay sa pakikipanayam o
interview guide.
2.2 Di-Binalangkas na Pakikipanayam—bagaman ang kumakapanayam ay may
listahan ng mga tanong, hindi niya kinakailangang sundin ang pagkakasunod-
sunod ng mga ito.
3. Obserbasyon— kinapalolooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa
sitwasyong pinag-aaralan. Ang mananaliksik ay nakatugon sa tuwirang
paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para
makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.
Dalawang Uri ng Obserbasyon
3.1 Di-Pormal na Obserbasyon-itinatala ang mga napag-usapan at walang
limitasyon sa mga impormasyon.
3.2 Pormal na Obserbasyon– itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan
at ang mga posibleng kasagutan ay binalangkas.
Ang pagbabago ng paraan ng pagsasagawa ng sarbey ay magdudulot ng pagkakamali
sa gagawing sarbey.
Pagsasanay 1 : Magtala ng salitang maiuugnay sa salitang SARBEY batay sa iyong pagkaunawa sa
paksang tinalakay.

Gawain 1: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.

Ang pagsasagawa ng sarbey ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon at


datos kaugnay sa isang pag-aaral kung kaya’t
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Performance Task
Bilang kabataan na humaharap sa pandemyang Covid-19, sang-ayon ka ba sa Distance Learning na
ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon upang magpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral?
Bakit? Paano mo sasabayan at haharapin ang pagbabagong ito sa tinatawag na “New Normal”?
Kraytirya sa Pagsulat

1. Angkop ang paliwanag……………….10 puntos


2. Malinaw na nailahad ang opinyon……5 puntos
3. Maayos at malinis ang gawa………….5 puntos

You might also like