You are on page 1of 5

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Mala-masusing Banghay-
Aralin
Sa Pagtuturo ng Filipino
Sa Baitang 11

Ipinasa ni:

Borja, Keezha Mae B.


Practice Teacher

Ipinasa kay:

Bb. Charlyn G. Estobo


Cooperating Teacher

(Enero 28-31, 2019)


Mala-masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 11

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. matutukoy ang iba’t ibang uri ng pananaliksik;
b. makapagbabahagi ng sariling ideya o karanasan hinggil sa pananaliksik;
c. makasasagot sa mga katanungan tungkol sa paksa.

II. PAKSANG ARALIN:


Lunsaran: Mga Uri ng Pananaliksik
Sanggunian: Pluma, pahina 125-126
Kagamitan: mga tsart, felt-tip pens, yeso, pambura

III. MGA PANIMULANG GAWAIN:


Gawain ng Guro

A. Pagtsek ng atendans
Sino ang liban ngayon sa klase?
Mabuti naman kung ganoon, ipagpatuloy ninyo
ang magandang gawaing iyan.

B. Beheybyural Tsart
Bago natin simulan ang ating talakayan at mga
gawain sa araw na ito, may ipapakita ako sa
inyong Alkansya ng Puntos. Ang Alkansya
ng Puntos ay kakikitaan ng mga bulsa na
lalagyan ng puntos kada-gawain. Ang
mananalong pangkat ay bibigyan ng limang
puntos at sa hindi naman tatlong puntos.
Ngunit kapag napansin kong may hindi aktibo
sa bawat pangkat, maingay, gumagamit ng
gadgets at iba pang hindi kaaya-ayang pag-
uugali, babawasan ko ang inyong puntos.

ALKANSYA NG
PUNTOS

C. Balik-aral

Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin


ang tungkol mga katangian ng
pananaliksik.

Bakit mahalaga na malaman natin ang mga


katangian ng pananaliksik?
A. MGA GAWAING DEBELOPMENTAL

1. Aktibiti

Ngayon ay mayroon tayong gawain, ito ay


pinamagatang, “Bilangin Mo, Titik Ko” Ang
klase ay hahatiin sa dalawang (2) pangkat.
Ang bawat pangkat ay pipili ng tig-
dadalawang representante na pupunta rito sa
harap na siyang bubuo sa mga salita. Ang
bawat pangkat na may pinakamaraming
mabuong salita sa loob ng isang (1) minuto
ang siyang tatanghaling panalo. Maliwanag
ba, klas?

2 1 1 9 3 1 5 19 5 1 1 3 8
9 8 8
Sagot: BASIC RESEARCH

1 3 20 9 15 14 18 5 19 5 1 18 3 8
Sagot: ACTION RESEARCH

1 16 16 12 9 5 4 18 5 1 5 1 18 3 8
9
Sagot: APPLIED RESEARCH

2. Analisis
Batay sa mga salitang inyong nabuo, ano kaya
sa tingin niyo ang tatalakayin natin ngayon?

3. Presentasyon
Kaugnay sa ating ginawang gawain ay
tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa Mga
Uri ng Pananaliksik.

4. Pamantayan
Narito ang ating magiging kasunduan sa mga
DAPAT at HINDI DAPAT GAWIN sa loob ng
ating klase. Basahin.

DAPAT GAWIN HINDI DAPAT GAWIN


 Makinig nang mabuti sa talakayan  Huwag makipag-usap sa katabi
 Magsalita ng Filipino  Huwag gumamit ng mga gadgets
 Sumagot nang maayos sa mga
katanungan
 Makilahok sa mga gawaing inihanda

5. Abstraksyon
MGA URI NG PANANALIKSIK:
Basic Research - ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito
- Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa
ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral
sa kasalukuyan.
Action Research - Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga
espisipikong problema o masagot ang mga espisipikong
tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa
kanyang larangan
Applied Research - Ang resulta nito ay ginagamit o inililipat sa majority ng
populasyon.

MGA HALIMBAWA:
Basic Research - Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na
inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa
kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.
Action Research - Pananaliksik sa pinakaepektibong bilang ng mga
miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong
klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay
tumutulong o nakibahagi at natuto sa mga gawain.
Applied Research - Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang
paaralan.

6. Aplikasyon

Sa pagkakataong ito ay susukatin ko ang inyong


kaalaman sa pamamagitan ng isang pagsubok.
Hindi na ito pangkatang gawain, indibidwal na ang
pagsagot dito.

Panuto: Isulat ang BR kung ang pahayag ay tungkol sa Basic Research, ACR naman kung ang
pahayag ay tungkol sa Action Research at APR naman kung ito ay tungkol sa Applied
Research.

_______1. Ang resulta nito ay ginagamit o inililipat sa majority ng populasyon.


_______2. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na
inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao
sa kanilang paligid.
_______3. Makakatulong ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon
sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan.
_______4. Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o masagot
ang mga espisipikong tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang
larangan.
_______5. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa
isang paaralan.

Mga Sagot:

1. APR
2. ACR
3. BR
4. ACR
5. APR

VI. TAKDANG ARALIN:


Panuto: Magsaliksik ng mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa at Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa.
Isulat ito sa inyong kwaderno at ipasa sa susunod na tagpo. (20 puntos)

You might also like