You are on page 1of 9

I.

Mga Layunin
Pagtapos ng 60 na minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nababasa at nakatutugon nang angkop sa kwentong binasa
2. Naibabahagi ang sariling karanasan kaugnay sa kwento
3. Natutukoy ang damdamin ng mga tauhan sa kwento

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagtukoy sa Damdamin ng Tauhan sa Kwento
Lunsarang Kwento: Bru-ha-ha-ha-ha Bru-hi-hi-hi-hi ni Corazon Remigio
Sanggunian: F4TA-0a-j-1
F4PN-IIa-5
Kagamitan: larawan, bond paper, grapon, kwento, powerpoint presentation
Pagpapahalaga: Naiiwasan ang panghuhusga sa kapwa
Istratehiya: collaborative approach, games, jumbled words

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

“Tumayo ang lahat para sa panalangin. Sa Tumayo ang lahat.


ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu
Santo….Amen” “Amen”

2. Pagbati

“Magandang umaga mga bata!” “Magandang umaga rin po Bb.”

3. Pagtatala ng liban

“Bago kayo umupo ay limutin nyo muna ang


mga kalat.”
Iisa-isahin ng guro ang pangalan ng mga mag-
aaral at itatala kung sino ang liban.
“Kapag tinawag ko ang pangalan nyo
sasabihin nyong present ma’am at itataas ang
kamay.” “present po ma’am”
“Dela Cruz”
4. Pagganyak

Mahahati ang klase sa dalwang grupo at


maglalaro ng charades. Padamihan ng
mahuhulaang salita at kung sinong grupo
ang manalo ay magkakaroon ng premyo.
“Sino rito ang nakapaglaro na ng “ma’am kami po.”
charades?”
“Ngayon ay hahatiin ko kayo sa dalwang
grupo at paramihan kayo ng
mahuhulaang salita.”
“Mayroon lamang kayong tig 2 minutes at Maglalaro na ang mga mag-aaral.
kung sino ang may pinaka madaming Kung sino ang may pinaka madaming
mahulaan na mas mabilis ang oras ay sila nahulaan ay sila ang panalo.
ang panalo.”
Iba’t ibang damdamin ang huhulaan
nilang salita na nasa loob ng grapon.

malungkot tumatawa

masaya nagagalit

umiiyak nahihiya

natatakot kinakabahan

nagulat naiinis

“Ano ano ang mga salitang hinulaan “ma’am mga emosyon po.”
nyo?”
“Tama, ito ay iba’t ibang damdamin ng
tao.”

5. Paghahawan ng Balakid

A. Paghahawan gamit ang mga larawan.


Magpapakita ang guro ng mga larawan.
Huhulaan ng mga mag-aaral kung anong
salita ang nasa kahon na nagbibigay
kahulugan sa larawan.
“Mga bata may ipakikita akong larawan at
sa baba nito ay may mga titik na bubuuin
nyo bilang salita na naglalarawan sa
larawang nasa itaas nito.”

“Anong mapapansin ninyo sa mga bata?” “Masaya po sila, parang mga tumatawa.”

K A H K A L A H A U M H “Humahalakhak”
“Anong salita kaya ang kasingkahulugan ng “ma’am tumatawa po”
humahalakhak?”
“Tama”

“Ano naman ang masasabi ninyo sa “Ma’am siya po ay nakangiti at masaya.”


matandang ito?”

S I G N S I G N U B A K A N “Nakabungisngis”

“Ano ang mapapansin ninyo sa bata?” “Ma’am para pong takot siya nakayakap
po siya sa kanyang ina o ama.”
“Sa tingin ninyo ano ang ibang salita ng
takot?”
T O B A L I K “Ma’am kilabot po.”
“Tama, nakakatakot o nakakakilabot.”

“Ano ang ginagawa ng bata nakapula?” “Nang-aaway po.”


“Anong ugali meron siya?”
E H A B L A S “Salbahe po.”

“Dapat ba siyang tularan?” “Hindi po.”

“Anong mapapansin ninyo sa bata?” “ma’am umiiyak po siya.”


I B K I H I M U H “Humihikbi”

“Ang bata ay humihikbi o umiiyak.”

6. Pagganyak na tanong

“Anong masasabi nyo sa larawan?” “ma’am matanda pong babae na


nakakatakot ang mukha”
“Kapag nakita nyo sya sa daan anong
gagawin nyo?” “tatakbo po ma’am”

“Tama ba na kayo ay tumakbo?”


“Dapat ba nating husgahan agad ang tao Maaaring walang sumagot
dahil sa panlabas nyang anyo?”
“Mamaya ay ating sasagutin ang tanong
na ito pagkatapos ng ating aktibidad”

B. Panlinang na Gawain

1. Aktibiti
Ang guro ay magpapagawa ng aktibidad sa Babasahin ng mga mag-aaral ang
mga mag-aaral. Magkakaroon ng 3 grupo kwentong “Bru-ha-ha-ha-ha Bru-hi-hi-
at kanilang babasahin ang kwento na hi ni Corazon Remigio”.
maaring lagyan din ng aksyon..
Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng
kopya ng kwento at ito ang kanilang
babasahin o isasadula.
“Hahatiin ko sa tatlong parte ang kwento at
sunod-sunod nyo itong ipepresenta”
“Bumilang kayo ng 1-3 upang makabuo kayo
ng tatlong grupo”
“Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para
magplano at paghandaan ang inyong
pagkukwento”
“Magkakaroon kayo ng masining na
pagkukwento kung saan mamarkahan ko
kayo base sa mga sumusunod:
Modulasyon ng boses- 40%
Ekspresyon ng mukha- 35%
Akma ang aksyon sa kwento- 25%
Kabuuang marka – 100%
“Mayroon kayong 8 minuto para
paghandaan ang pagkukwento”

“Magaling, naisagawa nyong lahat ng


maayos”
“Sino si Mrs. Magalit?” “Siya po ang tinutukoy na bruha sa
kwento”

2. Analisis

A. Pagsagot sa pagganyak na tanong


“Batay sa ating kwentong napakinggan at
inyong binasa, dapat ba tayong
manghusga agad?” “Hindi po”
“Bakit?” “Dahil hindi po agad natin mahuhusgahan
ang isang tao dahil sa pisikal nilang
anyo.”
“Pag nakakita kayo ng matandang kasing
itsura ng larawan kanina, anong gagawin
nyo?” “wala po, titingnan po kung
nangangailangan sya ng tulong”
“Tama, huwag nyong lalayuan o
huhusgahan agad ang ibang tao”

B. Pagsagot ng tanong tungkol sa kwento

“Sino ang matandang bruha sa kwento?” “Si Mrs. Magalit po.”


“Ano ang naramdaman ng bata sa tuwing
naririnig niya ang tawa ni Mrs.
Magalit?” “Kinikilabutan po siya.”
“Ano ang nararamdaman ni Mrs. Magalit
noong nanonood sila ng palabas sa
plaza?” “Masaya po.”
“Paano nyo nasabing masaya siya?” “Humahagalpak po siya ng tawa.”
“Anong naramdaman ni Mrs. Magalit
nang matanggal ang pustiso niya at siya
ay pinagtawagan ng mga tao?” “Malungkot po at siya po ay humihikbi.”

3. Abstraksyon

“Ano ang masasabi ninyo sa kwento?” “Hindi po tayo dapat nanghuhusga agad.”
“Tama bang bansagan natin ang ibang “Hindi po, dahil kung tayo po ang nasa
tao?” ganung sitwasyon ay hindi natin
gugustuhin na tawagin tayong bruha.”
“Paano natin malalaman ang
nararamdaman ng ibang tao?” “Depende po sa ekspresyon ng kanilang
“Kapag ang isang tao ay nakabungisngis, mukha at depende po sa sitwasyon nila.”
siya ay?” “Masaya”
“Kapag naman umiiyak?” “Malungkot po o di kaya at natatakot.”
“Nakaranas na din ba kayo na May ibang sasagot ng opo may ibang
mahusgahan?” hindi.
“Anong naramdaman ninyo ng kayo ay “Malungkot po, dahil hindi naman po
mahusgahan?” totoo ang sinasabi nila tungkol sa akin.
Minsan po ay nilalayuan ako ng mga
kaklase ko dahil po sa kwento ng iba
tungkol sa akin.”
“Lahat tayo ay nahuhusgahan at madalas
ay maging tayo rin ay nanghuhusga.”
“Nangyari naba sa inyo ang kwento ni “Ma’am minsan po may nahusgahan po
Mrs. Magalit?” akong matanda na inakala ko po ay
masamang tao pero siya rin ay
nakatulong sa akin kaya nalaman ko po
na hindi pala siya masama.”

“Huwag tayong manghuhusga dahil


lamang sa panlabas na anyo. Dahil hindi
natin masasabi ang nararamdaman nila.”

4. Aplikasyon
Magsusulat ang guro ng mga linya ng
kwento at tutukuyin ng mga mag-aaral
ang damdamin ng tauhan habang
binabasa.
“Basahin ninyo ang nakasulat at sabihin May mga batang magbabasa ng mga
ninyo kung anong damdamin meron nakasulat at tutukuyin ang damdamin
ang tauhan.” nito.

1. Inay! Hinahabol ako ng aso. Inay! 1. Takot


2. Tiya! Tiya! Nakapasa po ako sa aming 2. Masaya
pagsusulit.
3. “Hindi ko sukat akalain na mawawala 3. Malungkot
ang aking aso.”
4. “Lumayas kana sa bahay na ito, wala ka 4. Galit
nang karapatan dito!”
5. “Parang awa mo na huwag mo akong 5. Nagmamakaawa/Takot
kainin wala akong laban sa kagaya
mong hari ng gubat isa lamang akong
daga.”
Asesment
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Tukuyin ang damdamin ng tauhan.
“Ama! Nakatanggap po ako ng mataas na 1. A.
marka.” 2. C.
a. Masaya b. Nagalit c. Malungkot 3. B.
2. Tukuyin ang damdamin ng tauhan. 4. B.
“Ate, bakit ayaw ninyo akong kalaruin 5. A.
dahil ba sa aking kakaibang itsura?”
a. Masaya b. Nagulat c. Malungkot
3. Tukuyin kung tama o mali.
Dapat bang manghusga agad sa kapwa?
a. Tama b. Mali c. Ewan
4. Tukuyin kung tama o mali
Dapat mang away dahil ito ay masaya.
a. Tama b. Mali c. Ewan
5. Tukuyin ang damdamin.
“Lapastangan, sino ka para pumasok sa
aking kaharian!”
a. Galit b. Masaya c. Malungkot
Masusing Banghay Aralin sa
Filipino 4

Inihanda ni: Angelica Castelo

You might also like