You are on page 1of 5

ARALIN 1: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Layuning Pampagkatuto
Nakapagbibigay ng sariling depinisyon ng pananaliksik
Nailalahad ang katangian ng isang mabuting mananaliksik
Naisasaalang-alang ang etika ng pananaliksik

Panimula

Isa sa mga dapat tandaan ng mga mananaliksik ay ang mga katangian na dapat taglay ng isang
mabuting mananaliksik upang mapagtagumpayan ang ginagawang pananaliksik sa isang bagay.
Kailangan din isaalang-alang ang mga pananagutan ng isang mananaliksik upang maiwasan sa
anumang kaparusahang dulot nito. Kaya sa araling ito bibigyan pansin ang kahulugan ng pananaliksik,
katangian ng isang mabuting mananaliksik at pananagutan ng isang mananaliksik.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Magbigay ng mga katangian ng isang mabuting mananaliksik. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Pagtalakay

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Ang research ay mula sa matandang salitang Pranses na recherché ( galing sa recercher ) na


ang ibig sabihin sa Ingles ay to seek out o to search again.

• Ang pananaliksik ayon kay O' Hare at Funk (2000) ay isang pangangalap ng impormasyong
galing sa iba't ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at obhetibo.
• Aquino (1974, sa Bernales, et al.,2008) - ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap
sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
• Manuel at Medel ( 1976, sa Bernales, et al., 2008 )- ang pananaliksik ay isang proseso ng
pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa
isang siyentipikong pamamaraan.
• Good ( 1963, sa Bernales, et al., 2008 )- ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at
disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon.

➢ Ano't ano pa man, iisa ang tinutumbok ng lahat na depinisyon: ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon ukol sa isang bagay upang lubusang
maunawaan ito.

KATANGIAN NG ISANG MABUTING MANANALIKSIK

• Lin (2002) - bilang isang mabuting mananaliksik, kailangang maging mausisa, agresibo at bukas
ang isipan.
• Salloum (2007) - kailangang ang mananaliksik ay maging matiyaga at maging mapagmatyag
sa mga datos.
• Bernales, et al. ( 2008 ) - ang sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting mananaliksik:
masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at kritikal/mapanuri

➢ Ang isang mananaliksik ay kinakailangang magtaglay ng mga nabanggit n katangiang


makakatulong upang maging matagumpay ang gagawing pananaliksik.

PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK

Bilang isang mananaliksik, ang etika ay kaakibat ng integridad sa pagsulat nito.


• Phurr at Busemi (2005) - ang paggamit ng ideya o salita na hindi nabibigyan n karampatang
pagkilala ng pinaghanguan ng ideya o salita ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo. Ang sipleng pagkopya (cut/copy and paste ) ng mga materyales sa internet o di
kaya ay ang pag-uulit sa isang ideya na narinig/nabasa ay plagyarismo, sinasadya man o hindi.
• R.A.8293 o Intellectual Property Code of the Philippines - paglabag sa plagyarismo na may
kaparusahang pagkakakulong at pagmumulta ng halaga. Kung ang plagyarismo ay matuklasan
at mapatunayan at nakatapos na ang mag-aaral sa kursong kinuha, ang naturang mag-aaral ay
maaaring matanggalan din ng digri.

➢ Ang plagyarismo ay nararapat lamang na iwasan ng mga mag-aaral. Narito ang ilang tagubilin na
kailangang isaalang-alang upang maiwasan ito;

• Bawat hiram na termino at ideya ay gawan ng karampatang tala at pagkilala ng pinaghanguan


(Atienza, et al.,1996, sa Bernales et al., 2008 ).
• Huwag magkubli ng mga datos para lamang palakasin o patibayin ang argumento o para
ikiling ang pag-aaral sa isang partikular na pananaw ( Atienza, et al., 1996, sa Bernales et
al.,2008).
• Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyanng karampatang pagkilala (
Atienza, et al.,1996, sa Bernales et al.,2008 ).
• Tiyaking mapapanindigan ang lahat ng interpretasyong binuo batay sa kanyang masinop at
maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.
• Ang datos na nakalap na nasa ibang wika na isinalin sa wikang Filipino ay bigyan ng
karampatang pagkilala upang mabatid na ito ay salin at hindi orihinal.
• Tiyakin din mabigyan ng pagkilala ang inspirasyon ng isang himig, tono, o ideya.

SUBUKAN MO!

Gawain 1:
Sagutin ang mga sumusunod at ipaliwanag ang bawat isa gamit ang iyong mga sariling salita.

1. Ano ang pananaliksik? Ano ang kahalagahan ng pananaliksik?


2. Bilang isang mananaliksik, magbigay ng dalawang bagay na dapat pakaingatan bilang isang
mananaliksik?

3. Kailan matatawag na guilty ng plagyarismo ang isang mananaliksik?

EBALWASYON

Panuto: Ipaliwanag ang tanong na ito.

Sa iyong palagay, anu-ano ang dapat angkinin ng isang estudyante na magsasagawa ng


isang sulating pananaliksik.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

You might also like