You are on page 1of 3

KONSEPTO NG WIKA

Wika- mahalagang instrument0 ng komunikasyon


 Behikulong gamit sa pagunlad
 Lingua at Langue- dila/wika
 Diksyonaryong Cambridge- sistema ng komunikasyong nagtataglagy ng mga tunog, salita at gramatika na gamit
sa pakikipagtalastasan ng mamamayan sa isang bayan.
 Paz, Hernadez, at Peneyra (2003) -ang wika ay tulay para maihayag ang minimithi at kailangan natin. Ito ay
behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
 Henry Allan Gleason, Jr- isang lingguwista at propesor emeritus, ang wika ay Masistemang Balangkas ng
mga tunog na pinili sa paraang Arbitraryo upang magamit ng pangkat ng tao.
 Charles Darwin- ang wika ay tulad ng isang sining. Hindi ito likas dahil kailangan muna itong pag-aralan bago
matutuhan. Walang Philogist ang nagpapatunay na wika ay inimbento, sa halip ito ay hindi sinadyang
nilinang.
 Bernales et.al (2002)- ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di berbal.

KOMPONENT
Wika ay proseso ng pagpapadala
-Pagsasalita ang mahalagang element ng wika.
Simbolikong cues- mga tunog o mensahe
Wika Konolohiya- pag-aaral ng tunog
-Pagtanggap- papasok ang taong kinakausap

KATANGIAN
 Wika ay masistema- ito ay organisado at may alituntunin
 Sinasalitang tunog- simbolo ay bigkasin ng salita
 Arbitraryo- may kaugnayan sa paguusap ng grupo ng tao
 Dinamiko o nagbabago- nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika
 Malikhain- may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.
 Makapangyarihan- words have power, maaaring makaapekto sa isang tao ang mga salitang binabato sa isang tao
 Kabuhol ng kultura- sining, panitikan, kaugalian
 Simboliko- paggamit ng simbolo, baybayin

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


o M.A.K Halliday(1973)- naglahad ng pitong tungkulin ng wika na mababasa sa aklat niya na Explorations in the
functions of language
 Instrumental-tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng pakikipagugnayan sa iba. Paggawa ng liham
pangangalakal, liham sa patnugot, pagpapakita ng patalastas tungkol sa produkto na nagsasaad ng
halaga ng produkto.
 Regulatoryo- may kinalaman sa mga alituntunin, pagpapasunod o pagbibigay direksiyon. Pagkontrol sa
asal o ugali ng ibang tao. Pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto.
 Interaksiyonal- pakikipagusap sa iba. Pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng ideya particular na issue,
pagkukuwento ng mga malungkot o masayang pangyayari.
 Heuristiko- Ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, pagtanggap. Pagiinterbyu sa mga taong
makasasagot ng tanong, pakikinig sa radio, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng aklat.
 Impormatibo- Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon gaya ng chismis, pagbibigay ulat, paggawa ng
papel na tesis, panayam at pagtuturo.
 Imahinatibo- nagiging malikhain sa wika, pagbabasa ng nobela, nagiging Malaya, ginagamit ang isipan sa
pagpapahayag at bumubuo ng masining na paglalarawan. Nabubuo sa isipan (imagine)
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

PANAHON NG MGA KATUTUBO


o Teoryang wave migration- Dr Henry Otley Beyer, amerikanong anthropologo naniniwalang may tatlong pangkat
na dumating sa Pilipinas.
 Negrito (tatlong lahing katutubo)
-Tunay na negrito- naninirahan sa bundok, kuweba
-Austrolidad- sakai – nakadaan sa ibang bansa
-Proto Malayo- nakapagsusulat, nagmula ang baybayin
 Indones
 Malayo
-wikang awstronesia
-baybayin- unang paraan o sistema ng pagsulat

PANAHON NG ESPANYOL
 Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang kristiyanismo.
 Ang mga katutubo ay barbariko, di sibilisado, at pagano.”
 “Mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol.”
 Limang Misyonerong Prayle: Pransiskano, Dominikano, Heswita, Rekoleto, Agustino
 Ang mga katutubo ay higit na napalapit sa mga prayle kaysa sa pamahalaan.
 Ika-2 ng Marso, 1634 – Iniutos ni Haring Felipe II na ituro ang wikang Espanyol sa lahat ng katutubo.
 Ika-29 ng Disyembre 1792 – Si Carlos IV ay lumagda sa isang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang
Espanyol sa lahat ng paaralang para sa mga Indio.
o Nanganib ang wikang katutubo, lalong nagkawatak watak ang nga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng
mga Espanyol ang mga katutubo. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang
magbibigkas ng kanilang damdamin.

PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO


 Sa panahong ito ay umigting ang damdaming nasyonalismo.
 1872 – kilusan ng mga propagandista
 Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan at wikang Tagalog ang ginamit nila sa mga kautusan
at pahayagan.
 Si Rizal at ibang mga propagandista ay sumulat gamit ang wikang Kastila.
 Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayag. Unang hakbang tungo sa pagtataguyod
ng wikang Tagalog.
 Sumibol sa mga naghihimagsik na Pilipino ang “Isang Bansa, Isang Diwa” laban sa Espanyol.
 Konstitusyon ng Biak-na-Bato (1899) – ginawang opisyal na wika ang Tagalog

PANAHON NG AMERIKANO
 Dumating ang mga Amerikano sa Pilpinas sa pamumuno ni Almirante Dewey.
 Nagkaroon ng pambansang sistema ng edukasyon.
 Jacob Schurman – Kailangan ng Ingles sa edukasyon ng primarya.
 Batas Blg. 74 noong ika-24 ng Marso, 1901 – Ingles ang gagamiting wikang panturo.
 3R’s – Reading, Writing, Arithmetic
 Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
 Mga sundalo ang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kilala sa tawag na THOMASITES.
 Ang Superintende Heneral ng mga paaralan ay nagrekomenda sa Gobernador Militar na ipagamit ang wikang
bernakular bilang wikang pantulong.
 Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon
ng bakasyon ang mga mag-aaral.
 May ipinakilalang bill sa Asembleya na nagmu-mungkahi ng paggamit ng mga diyalekto.
 Ayon kay Henry Jones Ford sa kanayang pagsisiyasat- inulat nito na “gaya ng makikita, ang gobyerno ay
gumastos ng milyung-milyon para maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Kastila
at mga dayalek sa mga ordinaryong usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay hirap na makilala ng Ingles na nga.”
 Ayon sa Educational Survey Commission na pinamunuan ni Dr. Paul Monroe- natuklasan nila na ang
kakahayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap tantyahin kung ito ba hindi nila
malilimutan paglabas ng paaralan

DAHILAN NG PAGTATAGUYOD NG INGLES


 Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magreresulta sa suliraning administratibo. Ang mga mag-aaral
ay mahihirapang lumipat sa ibang pook ng kapuluan sa kadahilanang iba-iba ang itinuturo ng wika sa iba-ibang
rehiyon.
 Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyunalismo sa halip na
nasyonalismo.
 Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular
 Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyng pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang
pambansa.
 Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
 Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
 Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
 Yamang nandito na ang mga Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
 Walumpung porsiyento (80%) ng mag-aaral ang nakaabot ng ikalimang grado.
 Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya.
 Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang
(1) porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.

PANAHON NG MGA HAPONES


 Sa pagnanais na mabura ang anumang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa
ano mang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
 Ipinagbawal ang paggamit ng lahat ng aklat at peryodiko tungkol sa Amerika
 Sa panahong ito ipinatupad ang Ordinasa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
wikang Hapones (Nihonggo).
 KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
 Sa pagnanais ng mga Hapones na maitaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng Wikang
Pambansa.
 Nagsulputan ang ibat ibang debate tungkol sa wika
 Tatlong pangkat na namayagpag sa usaping pangwika: Lope K. Santos, N. Sevilla at G.E Tolentino
 Ito ay tinuturing Ginuntiang Panahon ng Panitikan -pinigilan ang paggamit ng Wikang Ingles sa kahit anong uri:
mapasulat o mapasalita

PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASALUKUYAN


 Batas Komonwelt bilang 570- ipinagtibay ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles
 Sumentro sa mga gawaing pang ekonomiya- katatapos sa mga digmaan
 Panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili
 Agosto 13,1959- Mula Tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang pangkagawaran.
 Kautusang Tagapagpaganap (Ferdinand Marcos)- lahat ng edepisyo, gusali at tanggapan ay pangalan sa Filipino

You might also like