You are on page 1of 3

Reviewer for komunikasyon sa pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.

Ano ang wika


- ito ay ginagamit na may sistema at binubuo ng mga tunog o mga letra para maipahayag ang
gustong sabihin.
Lingua- latin word na nanganaghulugang dila at wika o lingguwahe.
Langue- prances word ng language.
Ano ang wika?
Jose Villa Panganiban - paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinion sa pamamagitan ng
mga salita upang magkaunawaan ang tao.
Henry Gleason-masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo
Archibald A. Hill-Pangunahin at pinakadetelyadong anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Paz, Hernandez, at Peneyra-“ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang
anumang minimithi o pangangailangan natin.”
Charles Darwin-ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake.
Katangian ng wika
1.Tunog ang batayang sangkap ng wika.
2.Ang wika ay arbitraryo.
3.Ang wika ay masistema.
4.Ang wika ay komunikasyon.
5.Ang wika ay nakabatay sa kultura.
6.Ang wika ay nagbabago o dinamiko.
7.Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay.
Ang wikang pambansa
May roong humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng
iba't ibang wika at diyalekto.
1934: “Pagpili sa wikang gagamitin“Lope K. Santos (Ama ng Balarila)
1935: pagsusog na ito ni Pangulong Manuel L. Quezonay daan sa probisyong pangwika na
nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.
1937: Disyembre 30, 1937- “Surian sa Bisa ng Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 134
1940: Nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado.
1946: Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag din ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa
bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
1959: Agosto 13, 1959 Pinalitan ang wika mula sa Tagalog ay naging Filipino sa bisa ng kautusan
ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon.
1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972
kaugnay ng usaping pangwika.
1973: Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksiyon 3, blg. 2
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng KomisyongKonstitusyunal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino angimplementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. a ArtikuloXIV,
Seksiyon 6
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging
wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Ayon kay dating DepEd Secretary Brother Armin Luistro “ang paggamit ng wikang ginagamit din
sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan
ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma
sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng mga sumusunod:
-Wika ng sentro ng pamahalaan
-Wika ng sentro ng edukasyon
-Wika ng sentro ng kalakalan at wikang pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na
panitikan.
Unang Wika,Pangalawang Wika,at iba pa
Unang wika- ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1.
Pangalawang wika- Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika
sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao.
Pangatlong wika- Ang wikang ito ang ginagamit niya sa pakiki-angkop sa lumalawak na mundong
kanyang ginagalawan. Sa aklat, paaralan o kaibigan.
Bilingguwalismo
-paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika.“Perpektong bilingguwalismo” -Leonard Bloomfield (1935)
Uriel Weinreich (1953)- ang pag gamit ng dalwang wiaka ng salitan ay bilingguwalismo.
Balance bilingual-Ang tawag sa mga taong nakapagsasalita ng dalawang wika nang halos hindi
na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika.
Multilingguwalismo
-Pagkakaroon ng natural na kasanayan at kahusayan sa paggamit ng higit pa sa dalawang wika.
Monolingguwalismo- ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng
isinasagawa sa bansang:
England- Wikang Inglatera Pransya- Wikang French South Korea- Wikang Koreano
Hapon- Wikang Niponggo
Register ng Wika :
-Tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa isang ispesipikong larangan o disiplina.
Jargon – ang tawag sa mga natatanging bokabularyo ng isang
particular na pangkat na gawain o propesyon.
3 Kategorya ng Register ng Wika :
Field of Discourse- tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan.
Tenor of Discourse –kung sino ang kausap at ano ang relasyon ng mga taong nag-uusap sa
isang sitwasyon.
Mode of Discourse – Tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga tagapagsalita
Mga Iba’t ibang Uri ng Register
1. Frozen Register – ito ang wikang hindi maaring baguhin
Halimbawa: Wika sa Bibliya, Pambansang Awit, Wika sa panitikan.
2. Pormal na Register – ito ay wikang ginagamit ng mga akademiko at propesyunal.
Halimbawa: Wika sa Pananaliksik, debate, repleksyong papel, thesis,
3. Konsultatibong Register – wikang ginagamit sa pagbibigay o paghingi ng payo.
Halimbawa: Doktor at pasyente, guidance counselor at estudyante.
4. Kaswal na Register – ito ay wikang ginagamit sa pang – araw –araw.
Halimbawa: Mga karaniwang Salita
5. Intimate Register – wikang ginagamit sa pag – itan ng dalawangtao.
Halimbawa: Mahal, BFF, Pochi, Malhabxcz, Lab, atbp.
2 Barayti ng Wika:
1. Permanente – likas na gamit at linang sa sinumang tagapagsalita o tagabasa.
Halimbawa : Dayalek, Idyolek, Etnolek, at Ekolek.
2. Pansamantala - nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.
Halimbawa : Sosyolek, Register , Pidgin, at Creole
PERMANENTENG BAYARTI
Idyolek – personal na wika ng isang tao.
Halimbawa: ang buhay ay weather weather lang – kuya kim
Etnolek- wika na nadedevelop mula sa salita ng mga etnolongguwistang grupo.
Halimbawa: pakbet, malong, law oy.
Ekolek- kadalasang ginagamit o nabubuo sa lood ng tahansn.
Halimbawa: banyo- kubeta , kwarto – silid tulogan.
PANSAMANTALANG BAYRTI
Sosyolek- nakabatay ang pagkakaiba nito sa katayuan istatus ng gumagamit ng wika sa lipunang
kinatatayuan. Halimbawa: wa facelak girlash mo , mga gay word at jeje words.
Pidgi-wika na walng pormal na estraktura.Ito ay nobody’s language.
Halimbawa: ako kita ganda babae.
Creole- wika na nadedevelop dahil sa pinaghalohalong salita ng indibidwal.
Halimbawa: buana mano, Mi nombre, Buenas dias.

You might also like