You are on page 1of 3

Historica FIlipipinas

(Project Reels and Shorts)

1. ANG PERA NG BANSANG ZIMBABWE (do not read)

Ito ang pera ng bansang zimbabwe, may 100 million, 25 billion, at meron pang 100 trillion dollars, Opo!
Totoo po ang nakikita ninyo!, 100 trillion na pera, isa nga ito sa pinakamalaking denominasyon na
naimprenta sa kasaysayan ng pera, kung iyong iisipin ay mga trillionair at billionair na pala ang mga tao
doon.

Ngunit alam mo ba na ang 30 billion zimbabwean dollar ay sakto lang na pambili ng isang tinapay doon,
at ang mabibili mo sa i trillion Zimbabwean dollar ay isang isang Hershey's bar lamang, bilyon bilyon ang
pera ng mga tao, ngunit kumakalam pa rin ang kanilang sikmura dahil sa gutom.

Ano ba ang nangyari sa bansang Zimbawe?

Bilyon-bilyon ang kanilang pera! Ngunit bakit mahirap pa rin sila?.

2. BUTAS SA TAKIP NG BALLPEN (do not read)

Marahil noong bata ka pa, o hanggang sa ngayon nga! Ay napapatanong ka, kung bakit may butas ang
takip ng mga ballpen? O baka ginagawa mo itong pito?

Pero alam mo ba? Na karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang purpose nito ay para hindi matuyo ang
tinta ng ballpen na ginagamit mo, pero hindi ito ang tunay na dahilan. Ang butas sa takip ng ballpen ay
isang safety feature, kung sakaling malunok ito ng bata ay ito ay magsisilbing daanan ng hangin upang
maiwasan ang asphyxiation o kawalan ng hangin sa ating baga na maaaring sanhi ng dagliang
kamatayan.

3. ELY BUENDIA AT ANG KANYANG PELIKULA (do not read)

Alam mo ba na si Ely Buendia, ay naging bahagi ng pelikulang hele sa hiwagang hapis, na isang obra
maestra ng batikang direktor na si Lhar Diaz, sa isang bahagi ng Pelikula ay tinugtog ni Ely ang
Joselynang Baliwag o kundiman ng himagsikan, na naging popular para sa mga rebolusyunaryong
katipunero noong panahon ng himagsikan, bukod dito ay inawit din niya ang anak ng bayan na isinulat ni
Danny Fabella, ang awit na ito ay kilalang awiting rebolusyunaryo hanggang sa kasalukuyan.

4. NAGARAYA (do not read)

Alam mo ba na ang Nagaraya ay pag-aari ng Food Infustries Incorporated na nakabase sa Pilipinas, ang
Produkto ay unang ipinakilala noong 1968, ito ay gawa mani at nababalutan ng wheat base flour coating,
at ang texture nito ay hawig sa wasabe peas, pero naglalaman ito ng mani na may ibat-ibang flavor, ang
nagaraya ay walang halong preservatives, food color, zero cholesterol at mababa ang sodium content.
5. UNANG BIODEGRADABLE NA KOTSE (do not read)

Kauna-unahang biodegradable na kotse, gawa sa Pilipinas? Yes you heard it right!, ito ay ang Phoenix
Roadster na nilikha at idinisenyo ng Filipino Designer na si Kennth Cobonpue (Kobonpwey), ito ay yari
mula sa kawayan, ratan, bakal at nylon. Ito ay ginawa lamang sa loob ng sampung araw at ito ay
inilaunch noong 2011, sa kasamaang palad ang Phoenix Roadster ay wala pang makina nang ito ay
mabuo, pero ito ay balak pa din nilang lagyan upang ito ay tuluyang magamit.

6. PHILIPPINE 500 PESO BILL (do not read)

Alam mo ba na mayroon sanang 500 peso bill na nakadisenyo hango sa mukha ni Dating Pangulong
Ferdinand Marcos, subalit hindi na ito nailabas at nag-circulate . Ayon kay Romeo Castillo Mananquil,
ang artist sa likod ng Marcos 500 Peso bill, ayon kay Mananquil ay nakatakda nang irelease ang perang
ito noong bandang 1985, kung saan ay pinipressure na ng Amerika Si Marcos kung kaya pa ba niyang
harapin ang mga problema ng bayan, ito din ang panahon na magkakaroon na ng Snap Election sa
Pagitan ni Cory at Marcos, kaya hindi talagang pwedeng ilabas ang perang ito, dahil lalabag ito sa batas
ng eleksyon kaya tuluyan na ngang hindi narelease ang Marcos 500 Peso Bill at nang maupo naman si
Cory pagkatapos mapatalsik ang mga Marcos sa Palasyo ay dagliang ipinabago niya ang disenyo ng 500
peso bill at ipinalagay niya ang imahe ng kanyang asawa na si Ninoy Aquino.

7. Mga bagay na baka hindi mo alam sa Bansang Pilipinas (Read)

 Ang paboritong laro ng mga pilipino ay Basketball.


 Ang tatlong pinakamalaking shopping malls sa buong mundo ay nasa Pilipinas
 Ang Pilipinas ang may pinakamatamis na Mangga sa buong mundo
 Ang pinakapangunahing transportasyon sa Pilipinas ay ang Jeepney
 Isang erythromycin na isang antibiotic ay naimbento ng isang Pilipino
 Ang Pinakamalaking perlas ay natuklasan sa Pilipinas
 Ang pililipinas ang nangungunang supplier ng Nurses sa buong mundo
 Ang karaoke ay naimbento ni Roberto Del Rosario, na isang Pilipino

8. Si Avril Lavigne ay pinalitan? (Read)

Mayroong kumakalat na balita na ito daw si avril lavigne ay nagpakamatay noong 2003, dahil sa sobrang
kasikatan at dahil sa pagkamatay ng kanyang lolo, gayunpaman, dahil sa magandang takbo ng kanyang
karera ay itinago ng kanyang record company ang nangyari, at bagkus ay pinalitan ng isang body double,
sa katauhan ni Melissa Vandella, ang teoryang ito ay pinatunayan ng larawan nito noong 2003 at 2004,
na makikita ang pagkakaiba nang kanilang kulay ng balat, at higit sa lahat ay nag-iba din ang hand
writing nito, at maging ang kanyang pananalita ay nabago din, at isa ngang photo shoot ay aksidente
niyang naisulat sa kanyang kamay ang salitan melissa sa kanyang kamay, na maaaring magpatunay nga,
na si avril lavigne ay napalitan?
9. NATAGPUAN NA BA NG SANGKATAUHAN ANG IMPYERNO DITO SA ATING MUNDO?. (Read)

Ito ang pinakamalalim na hukay sa ating mundo, sa lalim nito na pito at kalahating milya, ay inabot ng
labing siyam na taon bago natapos ang paghuhukay nito, maraming mga kakaibang bagay ang
natuklasan noong hinuhukay ito, pero nang naghulog sila ng microphone sa hukay na ito ay narecord
nila ay tunog na ito.

Maraming naniniwala na kanilang paghuhukay ay nahukay nila ang pintuan patungo sa impyerno? so
naniniwala ka ba na ito nga ang pintuan ng impyerno?

12. ITO ANG MANGYAYARI KUNG MAWALA ANG ATING ARAW (Read)

Sa unang walong minuto, ang ating mundo ay mababalot ng kadiliman, at dahil nga wala na ang ating
araw, ang Photosynthesis na nagbibigay buhay sa mga halaman ay mawawala na din. Ang temperatura
ay posibleng bumaba, nang sobrang baba, at pagkalipas naman ng dalawang buwan, ang ating mga
karagatan at iba pang anyong tubig ay magyeyelo, at sa mga susunod na buwan at taon ay maaaring
maglaho na ang sangkatauhan sa ating mundo.

Kaya't ipanalangin natin na hindi mawala ang ating araw.

You might also like