You are on page 1of 1

Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (KWF) “Ang diín ay paglalaban ng bigat sa isang

pantíg sa pagbigkas ng isang salita. Samantalang ang tuldík ay mga pananda sa ilang urì ng diín sa
pagbasa ng mga salitáng nakasulat o nakalimbag.” May apat na uri ang diin; malumay, malumi,
maragsa at mabilis. Ang malumay ay binibigkas nang mabagal, may pagpapahaba, maaaring
magtapos sa katinig o patinig, may pahinga sa huling pantig at may palihis na tuldik (‘) sa unang
pantig samantalang ang mabilis ay binibigkas nang may bilis, maaari din magtapos sa katinig o
patinig, may pahinga at may tuldik itong palihis (‘) sa huling pantig. Sa Malumi naman ay
mabagal na binibigkas, may pagpapahaba, nagtatapos lamang sa patinig, mayroong tuldik na
paiwa (`) at may impit o nagsasara ang glottis sa huling pantig. Bagama’t ang Maragsa ay may
impit at nagtatapos lamang sa patinig ang pinagkaiba naman nito ay mabilis itong binibigkas at
may pakupya (^) na tuldik sa huling pantig.

m
er as
Ang salitang aksyon /akSYON/ ay bagamat maraming iba’t ibang kahulugan ay hindi nag-

co
iiba ang tunog at diin nito nananatili pa rin itong mabilis, ganoon din kapag nilagyan ito ng

eH w
hulaping “an”. Kagaya rin ng aksyon ang salitang palabas /palaBAS/ ay nanatiling mabilis at

o.
walang pagbabago sa tunog at diin nito kahit ano pa ang gamit nito. Ang mga salitang aktor
rs e
/akTOR/, aktres /akTRES/, dramatisasyon /dramatisaSYON/, manunulat /manunuLAT/ at
ou urc
matanghal /matangHAL/ ay pare-parehong mabilis ngunit sa /MAtanYAG/ ay diing mariing
mabilis. Sa pagsusuri ng mga salita may kapansin-pansin na may parehong nilagyan ng unlaping
“ma” ngunit magkaiba ng tawag sa diin; matanghal at matanyag. Kapwa parehong buo ang
o

salitang ugat. Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa maituturing lamang itong diing mariin kung
aC s

ang bigat ng pagbigkas nito ay nasa pangatlo,higit pang pantig o antepenultimate. Kung susuriin
vi y re

ang salitang matanghal ang bigat nang pagbigkas ay wala sa antepenultima kung hindi sa
ultimate kung kaya’t ito ay diing mabilis lamang. Samantala ang matanyag ang bigat ng pagbigkas
ay nasa antepenultima na “ma” at sa ultimate na YAG. Isa rin sa palatandaan ng diing mariin ay
pagkakaroon ng tuldik na mabilis sa antepenultimate (má.tan.yág). Ngunit kung susundan ang
ed d

kasalukuyang rule, ang salitang matanghal ay magkakaroon ng tuldik sa ma. Isa na rin sa
ar stu

dahilan ang gamit na rule ng Diksyunaryo sa Wikang Filipino Sentinyal Edisyon ay hindi
akma sa kasalukuyan dahil ito ay matagal nang nilimbag. Ayon sa Komisyon sa Wikang
Filipino ang unlaping ma at na ay maaaring nagsasaad ng di sinasadyang kilos o pangyayari
is

kung kaya’t kinakailagan itong lagyan ng tuldik na palihis (‘).


Th

Ang konklusyon ng mananaliksik karamihan sa mga nasuring salita ay may kabilisan kung
kaya’t karamihan din sa mga salitang may kaugnayan sa sining ay binibigkas ng mabilis.
sh

This study source was downloaded by 100000808301259 from CourseHero.com on 11-02-2021 04:08:20 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/63775650/tuldikdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like