Shylah M.
Desuasido
BSES-II
Reaction Paper
Sa panahon ngayon maraming kinakaharap na problema ang ating
mundo. At isa na dito ang pabago bago ng klima na nararanasan natin
ngayon. At dahil sa problemang ito gumawa ng isang palabas o isang
movie tungkol dito at prinoduce ito ng isang batikang aktor na si Leonardo
DiCaprio sa direksyon ng Oscar. Sa movieng ito pinakita kung anu-ano
nga bang nagiging epekto ng Climate change sa ibat ibang bansang
pinuntahan nila ukol dito. Bakit nga ba nagkakaroon ng pabago bagong
klima sa ating mundo? Ito nga ba ay kagagawan nating mga tao? Anong
magagawa nating mga tao sa pagsugpo dito o kung hindi man masugpo
ay sa hindi paglala nito?
Si Leonardo DiCpario ang nagsisilbing instrument ng mga tao na
gustong malaman kung ano ang nagiging epekto ng Climate change dahil
sa kanyang mga tinatanong. Nagtravel si DiCaprio sa ibat ibang lugar
tulad ng China at India. Nakita sa movie na napanuod natin ang
pagkatunaw ng yelo, dahil ito sa pagbabago ng kulay of its terrain, kung
saan wala ng nagrereflect ng araw at inaabsorb ito kaya nagiging mainit
pa ito imbis na maging reflector. At isa pa sa Miami Beach, Florida
kinausap ni DiCaprio ang mayor dito at sinabi nito na pinagawa nilang
mas mataas ang paggawa ng daanan dahil kapag nagkaroon ng malakas
na ulan o ng bagyo ay nagkakaron agad ito ng malawakang pagbaha.
Nakita din natin ang nangyayari sa India epekto ng Climate change.
Nagkakaroon doon ng ibat ibang polusyon. Kahit alam naman natin na
ang population nila doesnt entirely have access to power. Kaya kapag
gumagawa silang coal-produce electricity, lalong nadadagdagaan ang
problema natin sa pagkakaroon ng climate change. Pero ang pelikulang
Before the Flood ay hindi lang nakafocus sa mga nagiging epekto ng
Climate change sa mundo. Nasabi din sa videong ito ang mga solusyon
sa problemang ito. Sinasabi sa movie na kung paano kung tanungin nila
ang isang president na di naniniwala sa climate change na it can undo the
policies hes already put in place, President Obama says the truth has a
way of catching up with you. The film points out na ang opinyon ng
nakakarami tulad natin ay makakapekto sa desisyon o sa opinyon ng
isang pulitika. Tulad ng gay marriage, at first against si Obama sa gay
marriage na ito pero dahil nga majority wins o dahil sa mas madaming
pabor na magkaron ng gay marriage ay pinayagan na nya ito.
Nangyayari ang ganitong problema dahil sa kagagawan din nating
mga tao. Sa simpleng paninigarilyo, pagputol ng mga puno at kung anu
ano pa ay maaaring maging resulta ng tinatawag nating climate change.
Ginawa itong movieng ito para maaware tayong mga tao kung anong
nangyayari sa mundong ginagalawan natin at para magawan ng aksyon
ang problemang ito. Totoo ang climate change at nakakatakot ito. Isa lang
ang palabas na Before the Flood sa mga nanghihikayat na pangalagaan
ang ating mundo. Isa narin itong edukasyon para sa atin. At siguro
mayroon namang gagawa ng aksyon ukol dito.