You are on page 1of 3

Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

- isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral


- isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong
midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika
- isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niya
ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan
- isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat panahon

Ano ano Ang tungkulin o responsibilidad ng isang mananaliksik ?

Mananaliksik

Ang mananaliksik ay ang taong nag-aaral, nagsasaliksik at nangangalap ng kaalaman at impormasyon tungkol sa


isang paksa o ideya.

Tungkulin o Responsibilidad ng Isang Mananaliksik

 Ang isang mananaliksik ay may tungkulin na makapagbigay ng mga bagong impormasyon kaugnay sa paksang
kanyang sinasaliksik.
 Ang isang mananaliksik ay nangangailangang maglagay ng mga sanggunian o references  upang hindi masabing
nangopya lamang ito.
 Ang mananaliksik ay kailangang siguraduhin na ang nakakalap na impormasyon ay tugma sa paksa na kanilang pag-
aaralan.
 Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng balangkas upang mas maging organisado ang
pagsasagawa nito.
 Ang isang mananaliksik ay dapat handa at may nabuong plano upang maging maayos ang daloy ng kaniyang pag-
aaral o pananaliksik.
 Ang pagiging handa ay isa sa mga responsibilidad ng mananaliksik.
 Maging tapat, pursigido, matatag at mahinahon sa paggawa ng pananaliksik.
 Tungkulin ng mananaliksik na sundin ang mga batas sa pagsasagawa ng pananaliksik.
 Maging sensitibo sa pagpili ng gagamiting mga datos.
 Alamin ang limitasyon ng pananaliksik nang sa ganon ay hindi ito masobrahan o lumayo sa paksa.

Plagiarism at Ang Mga Responsibilidad NG Mananaliksik


Ang pangongopya ay pandaraya at di-katanggap-tanggap sa pananaliksik. Maaari din itong humantong sa mga
problemang lega. Iwasan ito para huwag mapasok sa gulo at gusot Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa
wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng ibang nang walang pagkilala. Iba-iba ang anyo/uri/tindi ng
pangongopya na puwedeng ituring na plagiarism. Iba-iba rin ang dahilan kung bakit nagaggawa ito. Puwedeng dahil
lang ito sa kapabayaan, tipogrpikal na kamalian, sinadyang pangongopya, o tahasang pag-aangkin. Mahalangang
malaman mo hanggat maaga ang dapat mong iwasan. Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism: 1. Tahasang pag-
angkin sa gawa ng iba. Siguro, sasabihin mong hindi ito kapani-paniwala. Pero totoong nangyayari ang ganito. Sa UP
mismo ay marami nang kaso ang napapabalita. Halimbawa, isang estudyanteng freshman ang nagsabmit sa
propesor ng kanyang papel na gawa ng iba at pinalitan lang niya ang pangalan nito ng kanyang pangalan. Grabeng
trabaho ito. Tunay itong pandaraya. Ito ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa Unibersidad. At kahit may
permiso pa ang sumulat ay matatawag pa rin itong plagiarism lalo na kung mapapatunayang hindi talaga kanya ito.
May estudyante ding pinalitan lang ang ilang salita ng ibang katumbas na salita sa artikulong kinopya sa magasin,
tapos ay isinabmit sa propesor bilang kanyang artikulo. Pag-aangkin ito ng gawa ng iba. Mabigat din ang
kaparusahan dito. Minsan naman (at talagang nangyari rin ito), isang estudyante ang nanghiram ng iskrip sa isang
istasyong pantelebisyon. Ang paalam niya ay gagamitin ito sa klase. Ang kaso, gumawa siya ng sariling kopya at
pinalitan niya ng pangalan niya ang awtor ng iskrip (ang awtor

ay ang mismong istasyon). Isinabmit niya ito sa guro. Nahalata ito ng guro at pinatalsik ang estudyante sa
Unibersidad. 2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi
kinilala ang awtor. Kung minsan, posibleng nakakaligtaan mo ang pagkilala sa awtor. Maaaring hindi mo ito
sinasadya. Pero sa panananaliksik, kailangan ang pag-iingat. May mga paraan ang la ng tala. Puwede itong gawing
buod o presi, halaw, atbp. Pero kahit binago ang ayos ng pangungusap, halimbawa, o kaya’y binuod, hindi pa rin ito
sa iyo kaya dapat lang na kilalanin mo ang pinagkunan mo. 3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba Ang
pamagat ng anumang akda ay isang patent o copyright na maaaring angkinin ng nakaisip nito.Kung sakaling
gustung-gusto mo ang isang pamagat, pero alam mong mayroon nang gayong pamagat, pigilin mo na ang sarili
mo.Marami ka pa namang mapipili.Halimbawa, kunggustong-gusto mo, at sa palagay mo ay bagay na bagay ang
pamagat na “Dekolonisasyon ng Pag-iisip” sa sinulat mong artikulo, maghanap ka na ng iba pa dahil gasgas na itong
masyado.Sa totoo lang, tatlong artikulo/pag-aaral na ang gumamit/naunang gumamit sa gayong pamagat.Ewan
lang kung alam ng mga sumulat nito na may gamamit/naunang gumamit sa kanilang pamagat. Responsibilidad ng
mananaliksik na alamin kung may gayon nang pamagat na nagamit.Mga pangkalahatang anyo lang ito ng
plagiarism.

Kaya may ilang mahahalagang dahilan para gumamit ng pormal na proseso ng pagsulat: 1. Bawasan ang
pagkabalisa at stress. Sa pamamagitan ng pag-alam na mayroon kang isang serye ng mga hiwalay na hakbang na
maaari mong sundin na hatiin ang nakakatakot na gawain ng "PAGSULAT" sa mga mapapamahalaang bahagi, mas
mababawasan ang iyong pagkabalisa at pakikibaka sa pagsulat.

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng
mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag
itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay
tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

Ano ang plano sa negosyo?

Ang plano sa negosyo ay isang nakasulat na dokumento na naglalarawan sa mga layunin at diskarte ng iyong
negosyo, sa iyong mga pagtatantya sa pananalapi at sa merkadong tina-target mo. Tutulungan ka nitong magtakda
ng mga makatotohanan at napapanahong layunin, makakuha ng external na pagpopondo, masukat ang iyong
tagumpay, malinaw ang mga kinakailangan sa pagpapatakbo at makabuo ng mga makatuwirang pagtatantya sa
pananalapi. Matutulungan ka ng paghahanda sa iyong plano na ituon ang iyong pansin sa kung paano
papatakbuhin ang iyong bagong negosyo at paano ito bibigyan ng malaking tsansa na magtagumpay.
Direktang nauugnay ang paniniyak sa mapagkukunan ng tulong sa pananalapi upang masimulan ang iyong bagong
negosyo sa pagiging matatag ng iyong plano sa negosyo. Upang maisaalang-alang para sa pagpopondo ng mga
institusyon sa pananalapi o mamumuhunan, dapat mong ipakita na nauunawaan mo ang bawat aspeto ng iyong
negosyo, pati na rin ang kakayahan nitong kumita.
Hindi lang isang dokumento ang plano sa negosyo na ipinapakita mo sa mga nagpapautang at mamumuhunan;
tinutulungan ka rin nitong magplano para sa paglago at pag-unlad ng iyong negosyo. Maaaring makatulong ang
wastong pagpaplano upang magtagumpay ang iyong negosyo.

You might also like