ANG TRANSPORMASYON NG EUROPE SA MAKABAGONG PANAHON
ARALIN 18
ANG PAG-ANGAT NG EUROPE BILANG
PINAKAMAKAPANGYARIHANG REHIYON SA DAIGDIG Simula 1000 hanggang 1300 CE, ang Europe ay nakararanas na ng muling pagkabuhay matapos ang mahigit limandaang taon ng kaguluhan. paglago ng ekonomiya pagsigla ng kalakalan bumuti ang antas ng kalagayang teknolohikal at kultural naging higit na malinaw ang takdang hangganan at sakop ng mga bansa.
Sa pagtatapos ng 1400s, ang Renaissance
ay tuluyan ang lalaganap mula sa Italy sa hilaga at iba pang bahagi ng Europe. Ang Renaissance ay ang opisyal na pagsisimula ng Makabagong Panahon sa Kabihasnang Kanluranin. Ang panahon mula 1300s-1700s ang itinuring na ring yugto ng pormal na pagsisimula ng Makabagong Panahon sa Europe at maging sa ibang bahagi ng daigdig. pagbaligtad sa mga salik-kultural nagkaroon ng mga bagong ideya, imbensiyon, at impluwensiya
Ang yugtong ito ay saksi sa:
pagyabong ng bago at muling nabuhay na mga konsepto sa papel ng mga tao sa iskema ng buhay (scheme of existence) ang paglikha at pagpalaganap ng mga inobasyong teknolohikal pagdaloy ng mga produkto, tao, at ideya sa mga lugar na datiy hindi nararating o nakakaranas Ang yugtong ito ay tinagurian din bilang the first global age.
Ang pinakamahalagang tunguhin sa
makasaysayang panahong ito ay ang pagsibol ng isang buong sistemang pandaigdigan ng palitan at pag-uugnayan. Ang malaking bahagi nito ay binubuo ng pagdidigmaan o operasyong militar (warfare), kolonyalismo at imperyalismo, eksploytasyon at pang-aalipin (slavery). Nagbigay sa higit na pagkakalapit ang kalakalan, pagtuklas, pagpapalitang kultural, at ang higit na mabilis na pagdaloy ng mga tao ng ibat ibang lipunan sa daigdig.
Noong ika-14 na siglo, ang Europe ay
maituturing na mahina at napag-iiwanan, kompara sa China at Imperyong Ottoman. Pagsapit ng 1500s at 1600s, nahatak na ang Europe kasama ng China at ang mga tinatawag na gunpowder empires na Islamiko sa Asia na kinabibilangan ng mga Imperyong Ottoman ng Turkey, Safavid ng Iran, at Mughal ng India. Noong 1700s, ang Europe ay naging pinakamalakas, pinakaangat sa larangang teknolohikal, at pinakamayamang kabihasnan sa daigdig. Ang Europe ay nag-domina sa aspektong militar at pang-ekonomiko sa malaking
Ang pagtaas ng pagpapahalaga sa kalakalan
ay nagbigay-daan hindi lamang sa ekonomiya na nakabatay sa pera (economy based on money) kundi gayundin sa tinatawag na bourgeoisie. Sa sining at panitikan, sumibol ang mga bagong estilo at ideya. Hinamon ng Reformers ang kapangyarihan at awtoridad ng Simbahang Romana Katolika sa isang kilusan laban sa simbahan. Sa England at France, nagsimulang mabuo ang mga nasyon-estado. Sa England, ang pamamahala ay tinatawag na parliament.
Pinakamahalaga ang Venice sa sinaunang
trading cities ng Italy. Ang siyudad ay pinoprotektahan ng mga makapangyarihang barkong pandigma mula sa mga plotang Venetian, na isa sa pinakamalakas na mga plotang pandigma sa lugar. Ang mga mangangalakal na Venetian ay naglalakbay sa mga daungan ng Imperyong Byzantine at sa mga lupaing Muslim sa paligid ng Mediterranean upang makipagpalitan ng kalakal. Kabilang sa mga kalakal na inaangkat mula sa Asia ay ang mga seda at panrekado (spices) na mula sa China at India at alahas mula sa Byzantine.
Sinamantala ng Venice ang bentahe nito
sa lokasyon upang makontrol ang napakahalagang kalakalan ng panrekado (spice trade) sa Asia. Matapos makarating ang kalakal ng Asia, dinadala ito patawid ng Alps hanggang sa Ilog Rhine patungong Flanders. Mula Flanders, ang ibang mangangalakal ay dadalhin ang mga produkto sa buong Europe, at maging hanggang sa England at sa mga lugar sa paligid ng Baltic Sea. Ang Venice at ang mga Muslim na katuwang nito ay labis-labis ang naging pagyaman.
Matapos makita ang pagyaman ng Venice sa
kalakalan, ang iba pang mga siyudad ng Italy gaya ng Genoa, Florence, Pisa, at Milan ay lumikha na rin ng kanya-kanyang rutang pangkalakalan. Kadalasan, ang mga negosyante rito ay mga bangkero (bankers) o mangangalakal at ang mga artisano ay mga goldsmith. Ang marami sa mga mangangalakal na Venetian ay isa sa mga naging pinakamayayamang tao sa daigdig. Ang Milan ay ibinatay ang kanyang ekonomiya sa agrikultura, seda, at armaspandigma.
Ang Florence, ay kilalang-kilala naman sa
pangbabangko (banking) at tela. Itinatag ang Hanseatic League noong 1200s at tumagal ito ng 50 taon. Binubuo ang Hanseatic League ng mga bayan at siyudad na nasa paligid ng Baltic Sea na nagtutulungan sa pagsusulong at pangangalaga ng kanilang interes sa kalakalan. Pagkilos para labanan ang mga kawatan at pirata Nagpatayo ng mga lighthouses Nagsanay ng mga piloto at bapor Kinokontrol ng liga ang halos lahat ng kalakal sa pagitan ng Europe, Russia, at ng Baltic Region.
Ang trade fair ay idinadaos sa mga bayan
kung saan nagtatagpo ang mga rutang pangkalakalan, at mga ilog na nadadaanan ng mga sasakyang-pantubig. Dinadagsa ng maraming tao ang trade fair dahil sa kagustuhan ng mga mangangalakal na maglakbay ng napakalayong distansiya upang mamili at magbeta rito. Ang mga magangalakal ay walang tigil din sa paggalaw sa isang buong taon sa kasusunod sa mga nakatakdang trade fair para sa mas higit na malaking tubo.
ANG COMMERCIAL REVOLUTION AT ANG
PAGSIBOL NG KAPITALISMO BILANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA SA EUROPE Tinawag ng mga historyador na Rebolusyong Komersiyal (Commercial Revolution) ang mga pagbabagong pangkabuhayan na nangyari sa Europe na nagsimula bunga ng inobasyon sa agrikultura at paglawak ng kalakalan sa huling bahagi ng Gitnang Panahon. Ang Commercial Revolution ay tumutukoy lamang sa mga pagbabago sa pamamaraan ng pangangalakal at pagnenegosyo.
Nangungunang katangian ng Commercial
Revolution ang pag-unlad at paglawak ng kalakalan sa loob ng Kanlurang Europe. Higit na ring naging pandaigdigan ang daloy ng kalakalan, kung saan ang pagpapalitan ng kalakal ay nagyayari na sa pagitan ng Europe, Asia, at America. Higit na naging mayaman ang mga bansa sa Europe na nasa bahagi ng Karagatang Atlantic. Dahil sa labis na paglaki at paglawak ng kalakalan, nagbigay-dan ito sa pag-usbong ng mga bagong pamamaraan ng pagenegosyo.
Ang mga mangagalakal ay nagsama-sama
sa pamamagitan ng partnership. Sa isang partnership, ang isang maliit na grupo ay pinag-iipon-ipon ang kanilang maliliit na puhunan upang mapondohan ang isang pangmalakihang pamumuhunan sa kalakalan. Bunga nito, naitatag ang joint-stock company, na nagbigay-daan upang maraming mga mangangalakal ang magsama-sama ng kanilang mga pondo para sa pamumuhunan sa isang negosyo. Maraming joint-stock companies ang namuhunan sa trading ventures.
Lumago rin ang sistema ng pagbabangko
(banking system) sa panahon ng Commercial Revolution. Kadalasan, wala silang sapat na kapital o puhunan ang mga mangangalakal sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Sila ay nanghihiram sa mga taong ang hanapbuhay ay ang pagpapautang ng pera ng may interes. Maliban sa pagpapautang at pagtanggap ng depositong salapi, nagkaloob rin ang mga bangkero ng serbisyo ng paggamit ng bills of exchange.
Nasa kamay ng mga pribadong
indibidwal na maaaring mag-isa (single proprietorship), magkatuwang (partnerships), o maramihan (joint stock companies, corporations) ang pagmamay-ari at pagpapasiya kung saan mamumuhunan, kung ano ang lilikhain o ibebentang produkto, at kung magkano ang presyo na sisingilin para rito. Ilang halimbawa sa mga joint companies ay ang Dutch East India Company at British East India Company.
Sa pagtatatag ng ilang bansa sa Europe
ng mga kolonya sa ibat ibang bahagi ng daigdig, nagbunga ito n population shifts sa pagitan ng Europe at mga kolonya. Ang population shifts ay ang pagbabago sa bilang ng ibat ibang pangkat ng indibidwal ng bumubuo sa populasyon. Sa Americas, maraming African ang dinala bilang alipin dito upang magtrabaho sa malalawak na plantasyon na nagpabago sa komposisyon ng mga pangkat na bumubuo sa populasyon nito.