You are on page 1of 7

Buod ng Florante at Laura

Pangalan: Trisha Mae Ico

Baitang at Seksyon: 8 – Our Lady of Mediatrix

Guro: Gng. Gecel C. De Castro

Talaan ng Nilalaman

Talambuhay ni Francisco Balagtas Baltazar


Aralin I: Paghahandog kay Selya
Aralin II: Malungkot na Kasaysayan
Aralin III: Pagpapatuloy ng Pakikipagsapalaran
Aralin IV: Ang Pagtatagpo
Aralin V: Mapagkandiling mga Magulang
Aralin VI: Ang Magiting na si Florante
Aralin VII: Unang Pagsinta at mga Tagumpay
Aralin VIII: Ang Pagwawakas

Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar


Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar (Fran·sís·ko Ba·lag·tás Bal·ta·zár) na “Prinsipe ng Makatang
Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga
pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Español.
Hinangaan nina Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan sa mag-
asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong batà pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina sa isang malayong
kamag-anak sa Tondo, Maynila, na siyáng nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan sa bahay. Nag-aral siyá
sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San Juan de Letran. Ayon sa ulat, na- kalista siyáng estudyante sa
Colegio de San Jose ngunit sa pangalang “Francisco Baltazar”. Ito rin ang pangalan niya sa dokumento ng
kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang tiyak na paliwanag sa pagbabago ng kaniyang
apelyido.
Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang angkan sa Pandacan. Si Rivera ang
pinag-alayan ni Balagtas ng tulang “Kay Celia,” ang pambungad na tula ng Florante at Laura. Gayunman,
hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang di-malinaw na dahilan. Lumaya siyá
noong 1838, taón na sinasabing unang inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong
(ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak ng isang mayamang pamilya.
Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng nakulong noong 1856 kaugnay ng reklamo ng isang
katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap ang pamilya ni Balagtas
dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang sentensiya sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa
Tondo, Maynila. Hábang nása Tondo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya para sa
Teatro de Tondo. Nang makalaya, bumalik siyá sa Udyong at dito niya naisulat ang marami pang tula at
komedya hanggang sa mamatay siyá noong 20 Pebrero 1862.
Mga Tauhan:
Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan ng
awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng
hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.

Laura
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit
aagawin ng buhong na si Adolfo.

Konde Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay isang
taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit
na karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan
nina Florante at Laura, at aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng
bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida
isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan ang
kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.
Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.
Duke Briseo
ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo
hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.

Antenor
ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.

Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.
Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Siya ay napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida.

You might also like