You are on page 1of 1

“Mula Noon, Hanggang Ngayon: Wikang Sarili Ang Wikang Tulay sa Mabisang

Pagkakaunawaan ng mga Mamamayan sa Ating Arkipelago

Ang wikang Filipino ay lubos na mahalaga para sa ating mga mamamayan.Sa Paaralan malalaman natin
ang importansya ng wikang pambasa.Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang ito na
kalayaan.Ang wikang Filipino ay isang paraan ng komunikasyon para magkaintindihan ang bawat isa.Ang
wika ay susi para tayo ay magkaunawaan.

Ang wika rin ang siyang nag-uugnay sa isang bansa kaya dito nagmula ang pagkakaroon ng pambansang
wika. 1936 nang itatag ang surian ng wikang pambansa na ngayon ay mas kilala bilang KWF o Komisyon
ng Wikang Filipino. Itinatag ito alinsunod sa Batas Commonwealth bilang 104 na nilagdan ni Pangulong
Manuel Quezon. Ang KWF ang pumili sa Tagalog bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Pagsapit naman
ng taong 1959 ay napalitan ito ng Pilipino. At alinsunod sa Saligang Batas noong 1973, pinalitan ang
Pilipino ng Filipino. Subalit, sa kasalukuyan, may mga salitang naibaon na sa limot, may ibang salita na
hindi na maunawaan ng nakararami, may umuusbong, may bumabalik ngunit may iba nang
pakahulugan.Malayo layo na ang itinakbo ng wikang Filipino sa ating kasaysayan at marami nang
nagbago mula ng ito aysumibol. Sa panahon ngayon malimit na nalilimutan ng mga Pilipino ang
importansya ng sariling wika. Ang wikang Filipino ay isang katibayan ng pagkakakilanlan ng bansa.Ang
pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at
nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon
ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan.
Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya
noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang
magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa,
nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si
Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan.Ngayong panahon ng globalisasyon at
makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay
pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na
maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang
Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na
YouTube ang isang music video kung saan tampok ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at
siya ay si David DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang programa dito sa ating bansa.

Ang paggamit ng sariling wika at pagmamahal dito ay nagpapakita lamang kung gaano natin
pinapahalagahan bilang isang pilipino ang pagkakaroon natin ng sariling wika .Kung gaano ito
pinahahalagahan noon ay ganon rin dapat ngayon upang mas lalo itong pag-ingatan at mahalin sa
hinaharap.Ang isang produktibo at nag tutulungang bansa ay pawang nagpapatunay lamang na ang
wikang pambasa ay susi sa isang matagumpay na pagkakaisa ng lahat.Ito ay nagsisilbing tanglaw para sa
malinaw at tuwid na landas patungo sa nag-iisang layunin bawat indibidwal sa isang arkipelago.

You might also like