You are on page 1of 3

Kwarter 2 FILIPINO 10 PERFORMANCE TASK #3 (Individual) 10-_____ Deadline:

_______________________
SURING-BASA NG AKDANG PAMPANITIKAN (NOBELA)

Pangkalahatang Panuto:
 Pipili ang bawat mag-aaral ng akdang pampanitikan (nobela) na nais suriin
 Basahin ang piniling akda ng makailang beses upang maunawaan ang kaisipan
 Ang Pagsusuri ay nasa anyong TALATA LAMANG
 Ang pamagat ay magiging ganito………”SURING-BASA NG (GENRE) (PAMAGAT)”
Halimbawa:
SURING-BASA NG NOBELANG “ANG MATANDA AT ANG DAGAT”
ni: (Pangalan ng Mag-aaral)
 Gumamit ng LONG BOND PAPER, maaaring printed ang gawa,
may margin 1 inch sa magkabilang gilid
 Kapag printed ang gawa Font Size: Arial , Font Size: 12, naka-justify, spacing:1.15
 Iko-compile ang lahat ng gawa ng bawat mag-aaral at ilalagay sa isang folder
(LONG),
ayusin ng pa-alpabeto ang mga pangalan (una ang lalaki susundan ng babae)
 Long folder ang gagamitin at ang ilalagay lamang sa cover ng folder ay ganito:
PERFORMANCE TASK 3
FILIPINO 10 naka-gitna
(Baitang at Pangkat)

 Maaaring tunghayan ang halimbawa ng Suring-basa sa ibaba upang maging gabay sa pagsusuri
at pagsulat

Balangkas o format ng suring- basa:

I. Pamagat, may-akda, genre, kung mayroon maaaring isama ang mga napanalunan ng nobela
II. Buod ( ng akda)
III. Paksa (tungkol saan?)
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe (nais iparating ng may-akda sa mambabasa)
VI. Teoryang Ginamit
Suring Basa sa Nobelang Ang Matanda at ang Dagat
ni Bb. Dianne Michelle Casasola

(I) Ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ay isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba
noong 1951 at inilabas taong 1952. Ito ay isinalin sa Filipino ni Jesus Manuel Santiago. Nanalo
ng Pulitzer Prize for Fiction (1953) at Nobel Prize (1954) ang nobelang ito ni Hemingway. Ito
ang kahuli-hulihang nobela na nailimbag niya na produkto ng kanyang imahinasyon at
karanasan bilang isang manunulat.
(II) Si Santiago ay isang matandang mangingisda na walumpu’t apat na araw nang walang
huling isda. Ang kaniyang kasa-kasamang binatilyo o aprentis na si Manolid ay pinagbawalan
na ng kaniyang mga magulang na tumulong kay Santiago dahil nga sa malas ito at ni isang
isda ay walang mahuli. Kaya naman, nagpasya ang matanda na pumalaot mag-isa sa
malayong bahagi ng karagatan sa pagnanasang suwertehin siya.
Hindi sumuko ang matandang si Santiago at nagpatuloy sa paglalayag hanggang
makahuli siya ng isang malaking marlin. Ngunit, hindi naging madali ang paghuli niya rito
sapagkat nakipagtagisan pa ng lakas ang isda sa kaniya.
Patuloy na nakipagbuno ang matanda sa kaniyang huli sa loob ng tatlong araw
hanggang sa napatay na niya ito. Labis na nahirapan si Santiago sa tila ba pakikipagtuos ng
Marlin. Bagamat nasugatan at nasaktan, ay ipinahayag nito ang pagkaawa at pagpapahalaga
sa kaniyang huli. Sa kabila ng hirap ni Santiago sa isdang Marlin ay hindi nya ito naiuwi ng
buo, sapagkat dumating ang mga pating na kumain dito.
(III) Inilahad dito ang pakikipagsapalarang pinagdaanan ng matandang si Santiago.
Kinakatawan ng pangunahing tauhan na si Santiago ang karanasan ng isang simpleng
mamamayan na nakikipagsapalaran at dumadaan sa mga pagsubok sa buhay.
(IV) Tunay ngang mabisa ang paglalahad sa kwento ni Santiago. Isinalaysay ng manunulat
ang isang payak at pangkaraniwang gawain ng isang mangingisda sa pang-araw-araw na
buhay. Maaari nitong masalamin ang pamumuhay ng tao, ang mga paghihirap, at pagsubok
na hinaharap ng bawat isa.
(V ) May mga oras din na halos sumuko na si Santiago ngunit pinaglabanan niya ito at
hindi siya nawalan ng pag-asa. May mga pagkakataon din na kinailangan niyang isantabi ang
kaniyang nararamdaman para lamang magawa ang nararapat. Hindi siya pumayag na manatili
sa sitwasyon niya sa kabila ng kaniyang edad at estado sa buhay. Ipinakita rin dito ang normal
na reaksiyon o pakikitungo at diskriminasyon sa mga taong bigo at hirap sa buhay, gaya na
lamang nang ginawa ng mga magulang ni Manolid nang magdesisyon sila na ilayo ang
kanilang anak kay Santiago.
Ang totoo’y simple lamang ang estilo ng pagsasalaysay ng manunulat sa kaniyang
nobela. Ang tagpuan ay umikot lamang sa malawak na karagatan ng Cuba. Pero kahit ganoo’y
nabigyang paghahambing ang katangian ng dagat, ang pagiging malawak at malalim nito, sa
buhay ng tao na puno ng iba’t-ibang mga pagsubok. Gustuhin man natin o hindi ay
makararanas tayo ng mga problema at pagbabata dahil hindi ito maiiwasan.
(VI) Makatotohanan ang pagsasalaysay dahil ipinakita sa nobela ang realidad ng buhay lalo
na sa tauhang si Santiago. Masusing nailahad kung paano siya nag-isip, kumilos at tumugon
sa mga nangyayari sa kaniya.
Nailahad din sa akda na ang tao ay maaaring wasakin, ngunit hindi magagapi. Patunay
lamang ito na sa reyalidad ng buhay ay puno ng masasalimuot na pangyayari na maaring
magpabagsak o magpahina ng ating loob, gayunpaman tayo ay patuloy na lalaban. At ang
mga pagsubok na ito ang magiging dahilan upang maging mas matatag at matagumpay ang
tao sa kaniyang buhay.

You might also like