You are on page 1of 4

GROUP 5

KABANATA 5

ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO

Members:

RJ PASCUA

RUMART WAYASEN

MEYNARD ALASCO

DESIREE AGLIBOT

ALEAH MAE CARANZO MANUEL


KABANATA 5:
Ang Noche Buena Ng Isang Kutsero
(EL FILIBUSTERISMO)

MGA TAUHAN:

 Kapitan Basilio – Isang mamamayan na taga san Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni
Kapitan Tika.
 Sinong – Isang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibilyan bago ang noche Buena
dahil wala siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa.
 Kapitan Tiyag - Dating kaibigan ng mga prayle subalit ngayo’y masama na ang loob niya sa mga
ito.
 Alperes –Batang opisyal ng mga military.
 Basilio – Nalampasan niya ang mga hilahil niya sa buhay dahil nag paalipin siya kay Kapitan
Tiyago.
 Kura – Isa siyang Pari.
 Kabesang Tales o Telesforo Juan De Dios – Ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa
mayayamang lupain.
MGA BAGONG SALITA :

1. Kasagsagan – Kasalukuyan
2. Prusisyon – Parada
3. Kutsero – Drayber ng kalesa
4. Kwartel – Tirahan ng sundalo
5. Sedula – Tax o kasulatan ng buwis
6. Karitela- Sasakyan na hinihila ng kabayo
7. Kura – Pari
8. A[peres – Batang opisyal ng military
9. Pagkabuhag – Pagkadakip

BUOD NG KABANATA
Dumating si Basilyo sa San Diego habang kasagsagan ng prusisyon. Naabala ito sa daan nang
bugbugin ang kutsero ng kaniyang sinasakyan noong dumaan sa kwartel. Nalimutan ni Sinong na dalhin
ang kaniyang sedula.

Iniutos ni Basilio na palakarin na lang ang kaniyang sinasakyan nang makaraan ang prusisyon.
Nalibang ito sa mga nakikita niya habang naglalakad kung kaya’t hindi niya napansin ang pagkawala ng
ng ilaw sa porol ng karitela. Nang muling mapatapat sa kwartel ay nabubog ulit ang kutsero dahilan
kung bakit naglakad na lang ito

Tanging ang bahay ni Kapitan Basilio ang nag-iisang masaya sa lahat ng nadaanan niya. Nagulat ito
nang Makita niyang kinakausap nina Kapitan Basilio , Kura at Alperes si Simoun.

Nagpatuloy ito sa paglalakad hasnggang sa makarating sa tahanan ni Kapitan Tiyago na kanyang


tinutuluyan . Nalaman niya ang balitang pagkabihag kay tales dahilan kung bakit hindi ito nakakain ng
gabing iyon.

GINTONG ARAL:
Ang gintong aral na ating makukuha sa Kabanatang ito ay dapat hindi tayo magpapaapi sa mga
taong walang awtoridad na tapakan tayo. Bawat tao ay may karapatan at dapat natin itong gamiting
maayos.
10 PAGSUSULIT

1. Ano ang pamagat ng ikalimang Kabanata?


Sagot: Ang Noche Buena Ng Isang Kutsero.
2. Sino ang tatlong taong nakita ni Basilio na kumakausap kay Simoun?
Sagot: Kapitan Basilio,Kura at Alperes.
3. Kaninong bahay ang nag-iisang masaya?
Sagot: Bahay ni Kapitan Basilio.
4. Sino ang batang opisyal ng mga military?
Sagot: Si Alperes
5. Sino ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guwardiya sibilyan?
Sagot: Si Sinong
6. Sino ang nagpaalipin kay Kapitan Tiyago dahilan para malampasan niya ang hilahil sa buhay.
Sagot: Si Basilio
7. Sino ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang lupain?
Sagot: Kabesang Tales/Telesforo Juan De Dios.
8. Ano ang ibig sabihin o kahulugan ng “KWARTEL”.
Sagot: Tirahan ng sundalo.
9. Sino ang sumaulat sa “EL FILIBUSTERESIMO”?
Sagot: Si Jose Rizal
10. Kaninong Bahay tumutuloy si Basilio?
Sagot: Sa bahay ni Kapitan tiyago.

You might also like