You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683

COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION


FIRST SEMESTER- AY 2019-2020
BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION

GAWAING PERPORMANS SA SINESESYODAD( PELIKULANG PANLIPUNAN)

Rebyu ng Pelikulang Panlipunan

========================================================================
Pamagat ng Pelikula:Mistah

Sumulat: Ricardo Bebong P. Osorio

Direktor:Ricardo Bebong P. Osorio

Taon ng Pagsasapelikula: January 2, 1994

Tauhan at Nagsipagganap:

Robin Padilla ---- Mario Cariño


Rustom Padilla ---- Lt. Flavier
RoiVinzon ---- Lt. Duterte
Rommel Padilla ---- Romy De Jesus
Daniel Fernando ---- Daniel Aquino
Joko Diaz ---- New Recruit
Ana Roces ---- Linda
Bomber Moran ---- Alih
Dindo Arroyo ---- KumanderRatari
Jun Hidalgo ---- Kumander Malik
Royette Padilla ---- Lt. Dela Cruz
Lilet Goldberg ---- Brenda
Bebong Osorio ---- Col. Salgado
Eddie Infante ---- Oldman

Pelikulang may Kinalaman sa Panlipunan


Tipo: Realismo
========================================================================

Panimula

Ang pelikulang Mistah na isinulat ni Bebong Osorio ay alay sa mga kawal na


kristiyano at mandirigmang muslim na nagbuwis ng buhay sa Mindanao. Panalangin na
mamayani sa pagpapahalaga ng buhay at magkaroon na ng kapayapaan sa lupang
matagal ng pinagdaranakan ng dugo. Tungkol din ito sa buhay ng mga sundalo sa
Mindanao at kung paano sila makipaglaban sa mga mandirigmang muslim. Na kung saan
pinagbidahan ni Robin Padilla bilang Mario Cariño. Ipinapakita din sa pelikulang ito kung
gaano kahirap ang buhay ng isang sundalo at kung paano nila labanan ang emosyonal
na epektong pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Makikita din ditto kung paano sila mag buwis ng buhay para sa kanilang
ipinaglalaban. Sa kabilang banda naman, sa parte ng ating mga mandirigmang muslim.
Na pinanguhan naman ni Jun Hidalgo bilang Kumander Malik. Makikita kung paano nila
ipaglaban ang kanilang karapatan para sa lupang kinamkam ng mga pulitiko at mga
abusadong negosyanteng kristyano.

Balangkas/Buod

Ang Mistah ay isang pelikulang nagsasadula ng buhay ng mga sundalo at mga


muslim nanagdidigmaan sa Mindanao. Si Mario Cariño (Robin) ay kapitan ng isang
pulutong na pinapangunahan ni Lt. Duterte (Roi Vinzon). Sa simula pa lamang ng pelikula
ay makikita na agad ang palitan ng putok ng baril ng magkabilang panig. Sa tagpong ito
ay madaming sundalo ang namatay dahil sa kakulangan ng sundalo na nkikipaglaban sa
mga rebelde. Sa kampo ni Lt. Duterte (Roi Vinzon) makikita ang paghihinagpis ng mga
natirang sundalo sa mga namatay sa engkwentrong nangyari. Nagbigay din siya ng utos
kay Cariño (robin) na mag patrolya kinabukasan upang maiwasan ang pagtatambang sa
mga sundalo. Pagtapos ng patrolya ay nagpahinga sila Mario (robin) sa tabi ng isang ilog
kung saan may mga naglalabang mga sibilyan. Kalaunan may isang batang nalulunod at
iniligtas ito ni Mario (robin) sa pagkakalunod.
Habang namimili sa palengke Mario (robin), nakilala niya dito si Linda (Ana Roces)
isang mgandang binibini na nagtitinda sa isang tindahan. Ang kanilang mga pinamili ay
ipinamigay ni Mario (robin) sa mga batang muslim na naninirahan malapit sa kanilang
kampo na pinamumunuan naman ni Eddie Infante (oldman). Dito sa lugar na to ay
pinagsasabihan ng matanda (eddie) si Kumander Malik (jun hidalgo) na itigil na ang
pagtugis sa mga sundalong kristiyano dahil wala din nman daw itong maidudulot na
maganda. Nang dumating sila Mario ay nais paputukan ni kumander malik ang mga
sundalo ngunit pinigilan ito ng matanda at sinabing “hindi sila narito para makipaglaban”
at nakita ni kumander malik na namimigay lamang sila ng mga pagkaen. Pagkagaling sa
isang baryo sila Mario ay naligo sa ilog, kung saan naman ay nakita nanaman sila ni
kumander malik. Buong akala nila Mario ay katapusan na nila ngunit di sila binaril ni
kumander malik, dahil siguro sa pagliligtas nito sa kanyang pamangkin na nalunod sa
ilog.
Nang malaman ni Mario na ang kanyang ama ay may malubhang sakit, agad itong
kumuha ng bakasyon at agad naman siyang pinayagan ni Lt. Duterte. Sa bakasyon ni
Mario ay makikita na siya ay “warshock” dahil sa pagiging sensitibo sa ingay, na
nagtapos sa isang gulo sa isang kainan kasama ang kanyang asawa na si Brenda (Lilet
Goldberg). Pagbalik ni Mario sa kampo, lahat ng sulat galing sa pamilya ng kanyang mga
kasamahan ay isa isa niyang ibinigay, makikita dito kung gaano kasaya ang bawat
sundalo sa kanilang sulat na natanggap. Ngunit isang sulat para sa kanilang kasamahan
ang tumapos sa buhay nito, dahil sa pakikipaghiwalay nito sa kanya ng kanyang
kasintahan naisip na lamang nito na kitilin ang kanyang buhay.
Makalipas ang ilang araw, may isang sulat na dumating kay Mario na nagsasabing
ang kanyang ama ay pumanaw na. Nagpaalam siyang muli kay Lt. Duterte ngunit hindi
siya pinayagan na magbakasyon sa kadahilanang kulang sila sa mga sundalo sa
panahong iyon. Hindi ito matanggap ni Mario kaya naglasing ito at nauwi sa pagwawala,
na kung saan ipinatawag siya ni Col. Salgado (Bebong Osorio). Dito ay pinagsabihan si
Mario at ipinakilala sa kanyang bagong Lt. na si Lt. Flavier (Rustom Padilla). Si Lt. Flavier
ay isang strikto at matapang na sundalo, at marunong din siyang umestima ng mga
sitwasyon kung kelan uurong sa laban at kung kelan susugod. Pagdating sa kanilang
kampo ipinakilala ni Mario si Lt. flavier sa kanyang mga kasamahan at maayos naman
ang pagtanggap naman nang mga to sakanya. Di nagtagal may dumating na balita na isa
sa asawa ng kanilang kasamahan ay darating kaya nagpasya silang ayusin ang kanilang
kampo upang maging presentable sa kanyang asawa. Lumipas ang buong maghapon at
gabi na ay dipa din dumadating ang kanilang kasamahan, at nalaman na lamang nila
kinabukasan na ang kanilang kasamahang sundalo ay pinatay ng mga rebelde, at ang
asawa nito ay pinagsamantalahan pa.
Di nagtagal ay nagkaroon ng usapang pang kapayapaan, nagtagpo ang dalawang
panig sa isang lugar sa pangunguna ni Lt. Flavier para sa mga sundalo at si Kumander
Malik naman sa panig ng mga rebelde. Ginamit ni kumander malik ang pagkakataong ito
upang ipahayag ang kanyang ipinaglalaban at tinanong din niya dito kung ano ba ang
ipinaglalaban ng mga sundalo. Kung bakit sila ay tinutugis sa kanilang sariling lupain at
kung bakit sila ay naninirahan sa kabundukan samantalang ang mga gahamang pulitiko
at negosyante ay nasa kapatagan ng kanilang sariling lupain kung saan kristiyano ang
namumuno. Natapos ang usaping pangkapayapan ngunit merong mga muslim na hindi
tumupad sa usaping ito, nanaig ang paghihigante sakanila kung kaya’t tinambangan nila
ang isang grupo ng sundalo at ipinalabas na sundalo ang unang nagpaputok. Nabihag
ng mga rebelde ang matalik na kaibigan ni Lt. Flavier (di sinabi ang pangalan), na
namumuno sa isang pulutong ng mga sundalo.
Sinugod ng mga rebelde ang kampo ni Lt. Flavier at ginawa nitong bihag ang
matalik niyang kaibigan. Itinali nila ito sa isang puno ng niyog at isa isang tinataga ng
mga rebelde upang unti unting patayin. Di ito natagalan ni Lt. Flavier kung kaya’t siya na
mismo ang kumitil sa kanyang kaibigan sa pamamagitan ng pagbaril dito upang hindi na
mahirapan pa. Nagsimula ang walang humpay na palitan ng putok, maraming sundalo
ang namatay at mga rebeldeng pumanaw ngunit di padin dito nagtapos ang labanan,
nang maubusan na ng bala ang bawat panig at nagpsyang maglabanan na lamang gamit
ang itak at kutsilyo dumating ang responde ng mga sundalo na nagtaboy sa mga
rebeldeng muslim. Nagtapos ang pelikula na maraming nagbuwis ng buhay.

Deskripsyon

Maayos na nagampanan ng bawat aktor ang kanilang mga ginampanang karakter,


ang pagsasadula nila sa bawat eksena ay makatotohanan. Hindi mo din aakalain na ang
lugar na pinagkunan ng pelikula ay hindi mismo sa Mindanao. Magaling ang pag ganap
ng mga aktor sa bawat drama, aksyon at komedya na kanilang ipinapahayag sa pelikula.
Ang mga musikang ginamit sa pelikula ay maganda, akmang akma sa bawat
eksenang ipinapasok ang musika. Ang mga musikang ginamit din dito ay naayon sa
tema ng pelikula kung saan may kinalaman sa buhay at estado ng mga sundalo sa
labanan at kung saan mararamdaman mo ang damdamin ng musika sa pelikula. At ang
lugar kung saan ito ginanap ay sa Pagsanjan, Laguna at hindi mismo sa Mindanao kung
saan nangyayari ang tunay na labanan.
Ang nagpasidhi ng aking damdamin sa pelikulang ito ay kung saan natapos na
ang labanan sa pagitan ng dalawang panig at isa isa nilang nilalapitan ang kanilang mga
kasamahang sundalo na sinamahan pa ng isang musika na siguradong kukurot sa iyong
puso. Kapag aking naririnig ang pelikulang ito naiisip ko agad kung sino ba talaga ang
tama sa labanan ng mga sundalo at mga muslim sa Mindanao. Kung anu ba talaga ang
pinagmulan ng digmaang ito. Naiisip ko din kung may posibilidad pabang magkasundo
ang mga muslim at mga kristiyano.
Pagsusuri

Sa aking pagsusuri, maganda naman ang kabuoan ng pelikula, maayos ang


musikang ginamit at ayon ang paglapat nito sa mga eksena. Ngunit ang liwanag sa parte
kung saan gabi na, merong mga parte na sobrang dilim at dina masyadong nabigyan
pansin. Wala ako masyadong negatibong nakita dito dahil alam naman natin na noong
1994 ay panahon kung saan hindi pa tayo gumagamit ng mga modernong pamamaraan
sa paggawa ng isang pelikula.
Ang tema naman nito ay naayon lamang sa nakapaloob sa pelikula, ipinapakita na
hindi na dapat maglaban ang bawat panig. Dahil kung ikaw ang tatanungin, sino nga ba
ang tunay na biktima? Ang mga namatay o ang mga naiwan nilang hanggang sa ngayon,
hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinagdurusahan ang kalupitan at kalagiman ng
digmaan.
Kung mapapanuod niyo ang pelikulang ito makikita na may kahalintulad ito o
maaring may mga eksena sa pelikulang ito na nangyari mismo sa ating mga sundalong
namatay o ang Fallen44.

Paglalahat

Ang peikulang ito ay nagpapahayag ng mensahe na sana ay Matapos na ang


digmaang nangyayari sa Mindanao na kung saan kapwa Pilipino ang nagpapatayan at
nagdadanak ng dugo. Nais ko ding ipapanuod ito sa mga taong nasa Mindanao mismo
para mapukaw ang kanilang mga damdamin na dapat nang itigil ang labanan doon.
Gayundin sa mga abusadong mga pulitiko at negosyante na umaabuso sa kanilang mga
kapangyarihan na nagiging dahilan sa pagaaklas ng mga kababayan nating muslim.

========================================================================

Rebyu ni: Meldrie Don Ebido


Kurso: BSBA 2C
Ipinasa kay: G. Christian E. Cariaso

You might also like