You are on page 1of 6

I.

direksyon
Sa paraan ng direktor na si Marilou Diaz-Abaya ay higit na lumutang
ang mensahe ng pelikulang Bagong Buwan, sapagkat mas
nabigyang linang rito ang kahirapang tinatamasa ng mga sibilyang
muslim sa kamay ng pamahalaan at mga rebede. Naipakita niya
ang kahusayan sa pagdidirehe sa pamamagitan ng pagbibigay
pansin sa bawat tagpo kung saan mas pinalalalim ang mensahe ng
pelikula at ng bawat nagsisipagaganap kaya naman kung
susumahin naging napakasining ng paraan ng pagdidireheng
ginawa ni Derek Marilou Diaz-Abaya

II.istoryang pampelikula
Kung pagbabsihan at susuriin ang istorayang pamproduksyon ng
pelikulang Bagong Buwan,mapapansin na napakaganda ng
naging paksa o tema nito sapagkat ito ay tumatalakay tungkol sa
walang katapusang digmaan sa pagitan ng sundalong kristiyano
at rebeldeng muslim na kung tutuusinay nais lamang ng
pagbabago at respeto sa magkabilang kampo,ang mga muslim
na siyang nag-aaklas laban sa gobyerno ay higit na nabigyang
pansin sa pelikula,mas naging makatotohanan sapagkat
napapanahon at siyang nagbubukas-isip sa lahat na walang
magandang kahihinatnan ang digmaan at gulo.

III.pagganap
Mahalaga ang bahagi ng pagganap sa ikakagaganda ng pelikula.
Kung susuriin ang pagganap na ginawa sa nasabing pelikula ay
talaga namang makikita ang pambihirang pagganap na ipinamalas
ng bawat artista,gaya na lamang ni Cesar Montano na gumanap
bilang si Ahmad Ibn Ismael na isang doktor , ay hindi niya parin
natakasan ang hinihingi sa kanya ng tadhana , ang pagiging
muslim,ang pagiging moro. Matutunghayan ang hindi
matatawarang pagaganap ng bawat artista, kung paano nila
isinabuhay ang pagdarahop ng isang muslim sa gitna ng isang gulo
na ni wala manlamang panalo.
IV.sinematograpiya
Nagpamalas ng hindi matutumbasang sinematograpiya ang
pelikulang Bagong Buwan. Akma ang naging bawat galaw at pag-
iilaw. Naging maganda at masining ang tugon ng kamera sa bawat
hinihinging eksena, gaya na lamang ng isang parte ng pelikula kung
saan kailangan kunan ang eksenang giyera sa pagitan ng rebelde
at mga sundalo. Sa pelikula maayos itong nailahad at
naisakatuparan lalo ring naging makatotohanan at may buhay ang
bawat eksena sapagkat lalong nabigyang pansin ang parte ng
pelikula kung saan mas lalong nagpapatas ng bugso ng kwento.

v.disenyong pamproduksyon
Kung susuruin ang disenyong pamproduksyon ng nasabing pelikula
na may temang sadyang umakma ang naturang lugar. Sapagakat
ito ay isinagawa sa Mindanao kung saan talaga nagaganap ang
hindi matatahimik na gulo, kung saan nagkukuta ang pinaniniwalang
rebelled at ang lugar kung saan hindi lamng madalas ngunit
palaging dumadanak ang dugo ng mga sibilyang wala namang
kasalanan. Sa liblib na gubat ng Mindanao ang pighati na lalong
nagbigay buhay sa bawat eksena.

vi. editing
Maayos ang pag e-edit na ginawa sa pelikula bagamat mas pinaikli
ay lumutang naman ang bawat kalinangan ng bawat tagpo. Naging
angkop din ang naging tugon ng sining sa bawat pagdaragdag at
pagbabawas ng tagpo naging patunay rito ang mahalagang parte
ng pelikula kung saan mas binigyang pansin ang mga
nagsisipagganap.

Vii. Musical scoring


Sa musical scoring ng pelikulang Bagong Buwan, sadyang lumutang
ang kagandahan at kaantigan ng bawat tagpo dahil narin tulong
ng musical scoring na lalong nagpalutang ng emosyon ng pelikula
lalong naging mas epektibo ang pelikula sapagkat nadadala rin ang
manonood sa nakakaantig na background music na ginamit.

viii. paglalapat ng tunog


Naging epektibo ang paglalapat ng tunog sa pelikula mapapansin
na naging malinaw ang bawat hatid o palitan ng dayalogo ng
bawat nagsisipagganap dahil rito mas lumutang ang kwento o ang
mensaheng nais ipahatid ng pelikula na higit na naapaganda
sapelikula kya naman mas naantig at napahanga ang mga
manonood

You might also like