sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng pinaka tamang sagot . 1.Ang pilosopong tumalakay sa pagkapantay-pantay ng tao sa kabila ng pagkakaiba sa yaman at pag-aari 2.Griyegong salita ng ekonomiya na ang ibig sabihin ay “bahay” at “pamamahala”. 3.Bahagi ng lipunan na ang pangunahing layunin ay gawing tahanan ang bawat bahay. 4.Ang pilosopong nagbahagi ng tungkol sa Prinsipyo ng Proportio. 5.Ang tunay na kahulugan ng tinapay sa pahayag na “Una ang halaga ng tao bago ang tinapay”. II.Isulat ang salitang “Yaho” kung ang pangungusap ay tama at “Yehey” kung ang pahayag ay mali. 6.Nakikibahagi ka sa Lipunang pang- ekonomiya tuwing ikaw ay nag-aaral ng mabuti. 7.Ang panonood ng TV ay may oras lamang upang may ibang makabuluhang bagay ka pang magagawa 8. Mas mahalaga ang tao kahit na sa anumang uri ng material na bagay. 9.Ang bawat tao ay hindi pantay pantay ang halaga. 10. Ang prinsipyo ng proportion ayon kay Max Scheler ay pagbabahagi ng yaman upang matugunan ang pangangailangan ng bawat tao. III. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag, katangian o sitwasyon kung A. Lipunang Politikal B. Lipunang Pang-Ekonomiya C. Lipunang Sibil 11. Pakikilahok sa mga organisasyon sa simbahan. 12. Paggamit ng wasto sa internet at hindi pag- aabuso. 13. Ang bawat mamamayan ang may kakayahan na tumulong upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa na hindi nagagawa ng pamahalaan. 14.Ang tunay na layunin ng media ay responsableng pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman. 15.Ang halaga ng tao ay wala sa yaman o pag-aari na kanyang ipinagkaloob sa sarili. 16.Ang tao ay hindi man pantay pantay subalit na layunin ng pamahalaan na ang bawat bahay na maging ganap na tahanan. 17.Ang paghahanapbuhay at kolektibong pagnanais na umunlad ang bansa. 18. Tunay ngang maihahambing sa barkadahan ang pamayanan na kung saan ito ay may pagkakaisa at pagdadamayan. 19.Pangulo at mamamayan ang tunay na “boss” ng isang lipunan tungo sa kabutihang panlahat. 20.Prinsipyo ng Proportio. 21. Prinsipyo ng Solidarity at Prinsipyo ng Subsidiarity. 22.Makilahok sa mga organisasyon sa paaralan tulad ng Student Council o Youth for Christ ng simbahan. 23. Mainam na matutunan ang paraan upang maging makabuluhan ang paggastos ng sariling baon araw - araw. 24.Layunin ng bawat mamamayan na makilahok at makiisa sa mga programa at patakaran ng pamahalaan. 25. Ang bawat pinuno ay may tungkulinna maging responsable at huwaran sa lahat ng kanyang mga nasasakupan. III.Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag o sitwasyon. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot. 26. Ang tawag sa gawi na nabubuo ng isang pamayanan o samahan. a. Pamilya b. Organisasyon c. Barkadahan d. Kultura 27. Ang isang pamayanan ay inihahambing dito. a. pamilya b. organisasyon c. barkadahan d. magkasintahan 28. Ang tunay na “boss” sa isang lipunan ay ang a. mamamayan b. pangulo c. halal ng bayan d. pangulo at mamamayan 29. ang pagpapahalaga na kaloob sa isang lipunang political a. pagmamahal b. bukas-loob c. respeto d. tiwala 30. ang tunay na layunin ng lipunan a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan 31. isang samahan o pangkat na binubuo ng mga tao na mayroong magkakatulad o magkakapareho sa interest at hilig a. lipunan b. barkadahan c. lipunang politika d. komunidad 32. ang lubos na nakatutulong sa isang tao upang mahubog niya ang kanyang sarili tungo sa ganap na pag-unlad a. lipunan b. magulang c. paaralan d. kaibigan 33. elemento ng kabutihang panlahat na kung saan ang bawat bahagi ng lipunan ay nagpapakita ng respeto sa opinion, o paniniwala, kasarian, katayuan sa buhay at relihiyon ng kanyang kapwa a. pagmamahal b. paggalang c. tamang direksiyon d. tamang propesyon 34. ang mga sumusunod ay element ng kabutihang panlahat maliban sa: a. kapayapaan b. katiwasayan c. paggalang sa indibidwal na tao d. tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat 35. ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa a. pagkukusang-loob b. bukas na pagtatalastasan c. pagiging organisado d. panghihimasok ng estado 36. ang mga sumusunod ay uri ng media maliban sa a. pelikulang komedya b. statement shirts c. tunog ng patak ng ulan d. wattpad series 37. ang pinakamatibay na dahilan kung bakit mahalaga ang lipunang sibil a. kapos ang kakayahan ng pamahalaan b. upang sumalungat sa pamahalaan c. upang kampihan ang naaapi d. upang maging katuwang ng pamahalaan sa pagtugon ng pangangailangan ng pamayanan 38. ang hindi kabilang sa mga halimbawa ng lipunang sibil sa anyo ng simbahan a. Couples for Christ b. Basic Ecclesial Community c. UNDAS 2016 d. KBP 39. ang kahalagahan na matutunan ng mga bawat kabataang Pilipino ang pagkakaroon ng lipunang sibil ay upang a. makatulong na matugunan ang mga pangangailangan na hindi na kayang ibigay ng pamahalaan b. masigurong maiingatan ang interes ng marami c. itaguyod ang karapatang-pantao at salungatin ang pamahalaan d. pigilan ang mga masasamang tao na gumawa ng masama 40. alin sa mga sumusunod na Gawain ang tunay na nagpapakita ng katangian ng isang lipunang sibil a. pagpatay o pagsasagawa ng death squad’s summary execution sa isang pusher ng droga b. pagsibak ng pangulo sa isang heneral ng pulisya na lider ng kidnap for ransom gang c. pagtitipid sa paggamit ng kuryente sa bahay Wala sa mga nabanggit 41. alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang wastong pagtitipid upang makatulong sa mga magulang a. pag-aaral ng mabuti upang magkaroon ng matataas na amrka bilang paghahanda sa kolehiyo b.paghingi ng papel at iba pang gamit sa eskwela sa kaklase c. Hindi pagkain tuwing recess at lunch break upang may ipon araw araw d. wala sa mga nabanggit 42. alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tunay na halaga ng paghahanapbuhay ng isang tao a. si Claudia ay nagsisikap araw araw upang yumaman at may maipagmalaki sa lahat ng mga umapi sa kanya b. si Jane na nagtatrabaho bilang call center agent bilang paghahanda sa isang trabaho na nangangailangan ng kagalingan sa pagsasalita ng Ingles c. Si Gary na masipag sa pagtatrabaho upang matulungan ang kanyang mga kapatid na makapag-aral d. lahat ng mga nabanggit 43. ang kawalan ng hanapbuhay ay nagdudulot ng a. pagdami ng mga taong hindi produktibo na nakadepende sa mga taong may hanapbuhay b. kahirapan sa bansa c. kawalan at kakulangan ng mabibigay sa pangunahing pangangailangan sa pamilya d. lahat ng mga nabanggit 44. alin sa mga sumusunod ang hindi tumutugon sa tunay na kahulugan ng lipunang pang ekonomiya a. ang paggamit ng mga gamit ayon sa pangangailangan b. ang paggamit ng mga appliances sa bahay na may oras lamang na nakalaan c. ang pakikiisa sa pamahalaan na panatilihing malinis ang kapaligiran d. ang kumita ng pera bilang isa sa layunin ng paggawa 45. ang pangunahing layunin ng lipunang pang ekonomiya ay a. upang masiguro ng pamahalaan na ang isang bahay ay maging ganap na tahanan para sa bawat mamamayang Pilipino b. upang magbigay ng sistematikong plano upang matugunan ang problema sa trabaho c. upang ang mga kabataan ay nag-iisip at nagpapasya nang matalino sa kanilang kukuning kurso d. lahat ng mga nabanggit 46. ang samahang nagsasagawa ay maituturing na lipunang sibil a. malayuang pagbibisikleta b. pagmamasid sa mga ibon c. pagtatanim ng mga puno d. pagsisid sa mga bahura (coral reefs) 47. ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohanan na a. lahat ay daapt mayroong pag-aari b. lahat ay may kaniyang-kaniyang angking kaalaman c. lahat ay iisa ang mithiin d. likha ang lahat ng Diyos 48. bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami a. sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa b. ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain c.walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin d. hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon 49. ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito a. mula sa mamamayan patungo sa namumuno b. mula sa namumuno patungo sa mamamayan c. sabay d. mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan 50. ito ay mga halimbawa ng prinsipyo ng solidarity maliban sa a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan b. pagkakaroon ng kaalitan c. bayanihan at kapit-bahayan d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong THANK YOU!!!!!!!!!!!!