You are on page 1of 3

BARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

Dayalek – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong
wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook,
malaki man o maliit.

Idyolek - ay isang indibidwal na paraan/istilo ng paggamit ng wika


Sosyolek - ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa
katayuan o antas panlipunan. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.
 Gay Lingo – ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang
kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
 Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles
na hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng code switching.
 Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng mga salita. Ito ay nakabatay
rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong
numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap
basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping.
 Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang
propesyon, artikula na trabaho, o gawain ng tao.
Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay
nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Register – ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.
Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
 Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
 Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
 Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Pidgin- ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language
o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong
parehong may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika
ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil dito makakalikha sila ng isang
wikang pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang wika.
Creole - mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito .
Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng
paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang
kontent o elemento
heteros – nangangahulugang magkaiba samantalang ang
genos – nangangahulugang uri o lahi.

AFUNAY, NEHEMIAH P.
KASAYSAYAN NG WIKA

Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika
ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad


at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal.

Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo
sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging
Filipino

Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika.

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

Saligang Batas ng 1935 Approx. 1935


Nakabanggit sa Saligang Batas ng 1935 na magkaroon ng Wikang Pambansa

Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging
batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos
itong mapagtibay.

Kongreso ng Batas Approx. 1936


Inaprubahan ang Batas Commonwealth Blg. 184 na gumawa ng Surian ng Wikang Pambansa

Disyembre 30, 1937


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Pangulong Quezon, Tagalog ang ginawang
batayan ng Wikang Pambansa.

Abril 01, 1940


Paglilimbag ng Diksyunaryo
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtungo sa paglilimbag ng Diksyunaryo ng
Pambansang Wika.

Hunyo 07, 1940


Batas-Komonwelt Blg. 576 Pinagtibay ng Batas-Koomonwelt Blg. 576 na ang Pambansang
Wika ay magiging opisyal

Noong Hunyo 19, 1940


ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan
sa buong bansa.
Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang
Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

Marso 26, 1954


Pagsimula ng Linggo ng Wika
Nagpahayag ng isang kautusan ang Pangulong Ramon M. Magsaysay sa taunang pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ngunit inilipat sa
Agosto 13-19 tuwing taon.

Noong Agosto 12, 1959, ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin
nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang Pilipino” o
“Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

Alinsunod sa Konstitusyon ng 1987. Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, Ito ay


nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalu-halong
sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nukleyus, ang Pilipino o
Tagalog.

REFERENCES
(n.d.). Retrieved June 26, 2019, from PBworks: http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan

(n.d.). Retrieved June 26, 2019, from TakdangAralin.ph: https://takdangaralin.ph/barayti-ng-wika/

(2016, July 20). Retrieved June 26, 2019, from Blogger: http://wenn-
listahanngsanggunian.blogspot.com/2016/07/barayti-ng-wika.html

Elkan, M. (2019, June 05). Retrieved june 26, 2019, from LET Online Reviewer: https://professionalteacher-
reviewer.blogspot.com/2019/06/let-reviewer-mga-kategorya-at-barayti.html?fbclid=IwAR10YN2KQG-
pmqNq2KAYXQeh0w9h4G9rDJ9dTeRxuGlzaqw3uGVqMDGT_yI

Mazur, M. (n.d.). Retrieved June 26, 2019, from Preceden: https://www.preceden.com/about

AFUNAY, NEHEMIAH P.

You might also like