You are on page 1of 2

Mga Batayang Kaalaman at Konsepto sa Wika at Komunikasyon Isa sa mga pinakadakilang biyayang

ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Dahil sa wika, nagkakaunawaan at nagkakalapit-lapit ang mga
tao sa daigdig. Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang anumang kanyang
naiisip, nadarama, at nakikita tungkol sa kanyang paligid. Nang dahil sa wika ay naitala at nailarawan ng
mga unang tao ang kanilang mga karanasan noong unang panahon. Sa pamamagitan ng wika ay
nasasatamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng isang
bansa.. Bawat bansang malaya, tulad ng Pilipinas, ay nagnanais magkaroon ng isang panlahat na wikang
pambansang may silhi bilang: (1) isang simbolo ng pambansang dangal, (2) isang simbolo ng
pambansang identidad, (3) kasangkapang pambuklod ng mga grupong may tha't ibang sosyokultural at
lingguwistikang pinagmulan, at (4) isang paraan ng komunikasyong inter-aksiyonal at interkultural.
Filipino ang wikang pambansa natin na patuloy na pinauuniad sa anyo, estruktura, at sa
pinaggagamitang larangan-pagbasa at pagsulat. Ang isang buhay na wika ay ginagamit sa iba't ibang
larangan. Sa simula pa lamang ay ginagamit natin ang wika sa pakikipag-usap tungkoi sa mga bagay na
pang-araw-araw sa buhay ng pamilya at sa ating mga kaibigan, sa palengke, at pang-ordinaryong
pangangalakal. Ang paggamit ng wika sa diskursong pang-akademik at pampropesyonal ay tinatawag na
intelektuwalisasyon ng wika. Bago ang katawagang Ito at hanggang sa ngayon ay tinutuklas pa natin ang
mga dimensyon ng penomenong ito, kung paano natin mapauunlad ang isang wikang tulad ng Filipino
bilang intelektuwalisadong wika. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga pag-aaral na
may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika sapagkat napakaraming wika ang ginagamit ngayon sa mundo.
Bilang panimulang pag-aaral, ang modyul na ito ay tatalakay sa mga teorya at konseptong may
kaugnayan sa wika. Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob ng
Diyos. Batay din sa istorya ng Bibliya, matapos ang matinding pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan
uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago. lisa lang ang wika noong unang panahon kaya't
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit, mayroon silang lider, si Nimrod, na naging
maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Naghangad din ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit. Hinimok ni Nimrod
ang mga tao na gumawa ng tore para maabot ang kaharian ng Diyos. Nagtayo ng pagkataas-taas na tore
ang mga tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya na naging ganid, mapangahas at mayabang na ang
mga tao. Pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore at nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na magkakaiba ang wika
ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-9)

Ayon kay Sapir (1961), tanging tao lamang ang nakagagawa ng wika, at dahil dito likas niyang
naipapahayag ang kanyang kaisipan, damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng mga sadyang
isinagawang simbolona kinokontrol nila. Ito ang kakayahang nagpatangi sa tao sa iba pang nilikha, at ang
ikinaiba niya sa mga hayop. Ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga paraan upang maiangkop
ang sarili sa kanyang kapaligiran. Mahalaga sa kanya ang wika bilang di- pangkaraniwang bahagi ng
kultura. Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa rin siya ng mga pamantayang magiging gabay sa
pakikitungo sa kapwa o sa isa't isa sa institusyon o lipunan. Dahil sa wika naipahayag ang kaugalian,
kaisipan at damdamin ng bawat pangkat ng tao. Bagaman may mga makabago nang kasangkapang
ginagamit sa pakikipaagtalastasan tulad ng social media, cellphone, play station, at iba pa, wika parin
ang ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kanyang diwa.

You might also like