You are on page 1of 10

PAGSASALING – WIKA:

KAHALAGAHAN SA KURSONG
SIKOLOHIYA AT AKADEMIKONG
PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL
Introduksyon
 Mahalaga ang pagsasalin sa pagpapayaman ng kulturang Filipino. Daan ito upang makilala ang mga dakilang
bagay mula sa mga banyaga tungo sa ating wika at kultura, at sa pagpapayaman ng pagpapakahulugan sa isang
teksto mula sa sinaunang panahon tungo sa iba’t ibang yugto ng pagtanggap ng isang lipunan. Sa pagsasalin ay
isa sa mga gawaing kinakailangan ng halos lahat ng larangan at gawain ng tao.

 Ang kursong Sikolohiya ay naglalaman ng napakaraming salita o terminolohiya na mahirap unawain ng mag-
aaral kung hindi ito isasalin sa Wikang Filipino. May posibilidad na mapag-iwanan sila sa klase o hindi kaya
naman ay hindi sila malinawan sa mga talakayan kung hindi nila lubos na maintindihan ang mga salita o
terminilohiyang ginagamit.
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
 Ayon kay Dela Fuentes (2014) sa artikulong “Kahalagahan ng pagsasalingwika”, ang pagsasaling wika ay
nakakatulong upang isulong ang ating ekonomiya dahil kaakibat ng pagsasaling wika ang ating wika,
teknolohiya, agham, at medisina.

 Inilahad rin ni Bautista (2017) na ang pagsasaling wika ay isang paraan ng pagsulat kung saan isinusulat muli
ang tesksto sa ibang wika batay sa gagamitin ng tagasalin subalit hindi nawawala ang diwa ng orihinal nito.

 Sa pag-aaral na inilahad ni Rodel (2013), sinasabi na kailangan ding may mga proyekto at gawain upang lalo
pang mapaunlad ang pagsasaling-wika.

 Republic Act 10533 o mas kilala bilang “Enhanced Basic Education”.


Layunin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang kahalagahan ng pagsasaling-wika at

epekto nito sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Layunin rin nito na magbigay ng dagdag na

impormasyon ukol sa pananaliksik at malaman kung nakakatulong ba ang pagsasaling-wika sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa kursong Sikolohiya. Bilang panimulang haka, mayroong direktang ugnayan ang pagsasaling-wika sa

akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Masasabing mayroong epekto ang pagsasaling-wika sa akademikong

perpormans ng mga mag-aaral sa kursong Sikolohiya. Masasabing nakatutulong ito upang mas maunawaan ng

mga mag-aaral ang mga pinag-aaralan sa kursong ito at mas nagiging malawak ang kanilang pang-unawa at

pagpapahalaga sa Wikang Filipino.


Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makahanap ng mga epekto upang maging gabay ng mananaliksik
para mabigyang kasagutan ang pananaliksik na pinamagatang “Pagsasaling-wika: Kahalagahan sa kursong
Sikolohiya at Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral”.
Sa makatuwid, ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanugan na naglalayong masagot ng mga
napiling respondente.
Ang mga katanungan ay ang mga sumusunod:
1. Ano ang kahalagahan ng pagsasaling-wika sa kursong Sikolohiya?
2. Ano ang epekto ng pagsasaling-wika sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral?
3. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa kursong
sikolohiya?
Balangkas Teoretikal

Sa teoryang iskema, ayon kay (Pearson, 1987) ang teoryang iskema ay ang proseso ng pag-uugnay
ng mga kaalaman sa pagkabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa. Ayon naman kina (Pearson at Sapiro,
1987) ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakagalak sa isipan at maayos na nakalahad sa kategorya.
Ang iskemang ito ay nadaragdagan, nililinang, nagbabago, at nagpapa-unlad. Inilarawan ni (Rumelhart, 1977)
ang iskemata bilang “building blocks of cognition” na ginagamit sa proseso ng pagbibigay-interpretasyon sa
mga datos, sa pagkuha ng mga impormasyon mula sa alaala, sa pag-oorganisa ng mga layunin sa paggamit ng
mga resorses, at kontrolin ang daloy ng mga proseso.
Konseptual na Balangkas
INPUT PROSESO AWTPUT

Alamin ang kahalagahan Pagsasagawa ng interbyu Pagbibigay ng


ng pagsasaling-wika sa at pagbibigay ng mga alternatibong solusyon.
pagkatuto ng mga mag- talatanungan na sasagutan
aaral. ng mga napiling Pagbibigay ng
respondent. konklusiyon at malaman
Epekto ng pagsasaling- kung nakakatulong ba ang
wika sa akademikong Pag-oorganisa at pag- pagsasalin wika sa
perpormans ng mga mag- aanalisa ng mga datos. akademikong perpormans
aaral. ng mga mag-aaral.

Booklet
SANGGUNIAN:
● Bautista M. (2017). Pagsasaling wika.
https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika
● Dela Fuentes (October 23,2014). Kahalagahan ng Pagsasalin wika.
http:/udyong.gov.ph/teachers-corner/5650-kahalagahan-ng-pagsasaling-wika
● Rodel G. (2013). Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Pagsasalin ng mga Talatanungan para sa
Pananaliksik.
https://www.studocu.com/es-mx/document/southern-luzon-state-university/mathematics/pagpapataas-ng-kasa
nayan-sa-pagsasalin-ng-wikang-ingles-sa-filipino/20175413?fbclid=IwAR1RUKYcGoJZ9lglVSXvAhN_Qa
8ABDAs_Mumv6lkQLftu8VJ7wICFTwt2SQ
● Pearson & Sapiro (1987). Filipino.
https
://pdfcoffee.com/ang-kabisaan-sa-pagsasaling-wika-ng-wikang-filipino-sa-wikang-ingles-ng-mga-estudyante
-ng-ika-10-baitang-ng-holy-angel-school-of-caloocan-inc-pdf

● Rumelhart (1977). Metakognitibong pagbasa. https


://www.coursehero.com/file/46208327/metakognitibong-pagbasapptx/?fbclid=IwAR2-raNReAKtApoYfuZ
TnFVBDZQLP_hzI_4CWUnOT7kzLd62QsN63Thdh3M

You might also like