You are on page 1of 1

FLORANTE AT LAURA

Aralin 15 at 16

Aralin 15: Ang Pagbabalik sa Albanya At


Mga Bilin Ni Maestro Antenor

Natauhan si Florante sa mga bisig ni Menandro. Muli siyang nanaghoy sa pagkawala ng kanyang ina. Siya'y
dinamayan ng kanyang mga kamag-aral at guro na nagpalakas sa kanyang loob.
Lumipas ang dalawang buwan at dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo na hinihiling na siya'y umuwi na
muna sa Albanya. Pinaalalahanan siya ni Maestro Antenor na
mag-ingat kay Adolfo.
Lubos ang kalungkutan ni Florante, pati na ang kanyang mga kaibigan sa Atenas, ngunit alam niyang kailangan
niyang umuwi sa Albanya. Nangako naman si Menandro na hindi niya ito pababayaan. Siya'y uuwing kasama ang
kaibigan.
Nilisan ng dalawa ang Atenas at nang sila'y makarating sa Albanya, tumuloy sila sa bahay nina Florante kung
saan naghihintay sa kanila ang Duke. Pinasalamatan nito si Menandro sa kanyang pagsusubaybay sa kaibigan.

Bisig - Braso

Nanaghoy Nagluluksa; Dumadaing

Pagsusubaybay - Pagbabantay

Dinamayan - Sinuportahan; Tinulungan

Liham - Sulat

Talasalitaan:

Gawaing pang-upuan:

Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagguhit ang salitang pagdamay sa isang buong papel (bond paper). 10pts.

Aralin 16: Sa Kaharian ng Krotona

Sa gitna ng pag-uusap ng mag-amang Duke Briseo at Florante ay may dumating na sugo mula sa kaharian ng
Krotona at may dalang liham para sa Duke.
Ang liham ay galing sa biyenan ng Duke na naging hari ng bayang Krotona. Naglalaman ito ng paghingi ng tulong
sa kasulukuyang hari ng nasabing bayan na si Haring Linseo dahil ang kanilang kaharian ay nasa panganib at kubkob na
ng mga moro.
Pagkabasa sa liham, hindi na nag-aksaya ng panahon ang mag-ama. Agad nilang tinungo ang palasyo ni Haring
Linseo. Tinanggap naman sila ng hari ng buong tuwa.

Talasalitaan:

Gerero- mandirigma

Pakay- sadya

Hirang- pili

Kinubkob- pinarusahan

Mag-adya- lumayo sa panganib

Sugo- isang taong nakatadhana para sa isang bagay o misyon.

Gawaing pang-upuan

Sagutin sa isang buong papel (intermediate paper)


1. Ano ang nilalaman ng liham na dumating? 3pts.
2. Bakit nangailangan ng tulong ang hari ng Krotona na si Haring Linseo mula sa mag-ama? 3pts.
3. Sa iyong tingin, bakit kaya sa mag-ama humingi ng tulong si Haring Linseo? 4pts.

Arvi Charlize R. Pascual at Danniella March O. Caon


Grade 8- Pasteur

You might also like