You are on page 1of 18

Florante at Laura, Simula (1)

Nagsimula ang kuwentong sa isang gubat. Nakatali si Florante, na walang


malay, sa isang puno ng higera habang namimighati sa pagkawala ng
kanyang amang si Duke Briseo at halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na
mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kanyang minamahal
na si Laura.







Florante at Laura, Pagpapatuloy., (2)
Natagpuan siya ng isang moro na nagngangalang Aladin. Tinulungan niya ito
at kinalagan ang lubid na nakagapos sa kanya.




Inalagaan niya ito hanggang sa magbalik ang kaniyang malay.











Florante at Laura, Pagpapatuloy., (3)
Nagulat siya dahil isang kaaway ang nagligtas sakanya. Ngunit
pinasalamatan niya rin ito pagkatapos ng ilang pagpapaliwanag. Nagsimula
na rin siyang magsalaysay ng tungkol sa kanyang buhay.



Ang kaniyang mga magulang ay sina Prinsesa Floresca at Duke Briseo ng
Albanya.



Sa edad na 11 taon, ipinadala si Florante ng kanyang mga magulang sa
Atenas upang mag-aral. Doon niya natagpuan si Adolfo, na kasalukuyang
pinakamatalino roon ngunit sa loob lamang ng 6 na taon ay nalampasan na
niya kaagad ito sa lahat ng aspeto na ikinitamo niya ng katanyagan at
pagkilala, at itoy lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.


Florante at Laura, Pagpapatuloy., (4)








Florante at Laura, Pagpapatuloy., (5)
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang
patayin ni Adolfo si Florante. Mabuti na lamang at madaling nakapamagitan
si Menandro, ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas. Dahil sa
pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya.











Florante at Laura, Pagpapatuloy., (6)
Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng mensahe mula sa ama
na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang ina na si Prinsesa
Floresca. Labis niya itong ikinagulat.




Bagaman namimighati, pinalipas niya ang dalawang buwan bago bumalik sa
Albanya. Bago siya umalis, pinaalalahan siya ng kanyang guro tungkol sa
kasamaan ni Adolfo at sa kung ano pa ang naghihintay sa kanya sa mundo.







Florante at Laura, Pagpapatuloy., (7)
Pagkarating sa Albanya, kaagad niyang niyakap ang kanyang ama. Naroon
na rin si Haring Linseo, at kinamayan nila ang isat isa.






Florante at Laura, Pagpapatuloy., (8)
Dito rin niya natagpuan ang anak ng Haring Linseo na si Laura. Kaagad
siyang nabighani sa taglay nitong kagandahan.




Sa kadahilanang humingi ng tulong ang Haring Linseo kay Florante ay
kinakailangan niyang makidigma kay Heneral Osmalik na sinakop ang
Krotona. Bago siya tuluyang umalis ay kinausap niya si Laura patungkol sa
kanyang nararamdaman tungo sa kanya.




Florante at Laura, Pagpapatuloy., (9)








Florante at Laura, Pagpapatuloy., (10)
Kinalaban niya si Heneral Osmalik sa Krotona. Tumagal ito ng limang oras at
natalo ang heneral sa labanan.




Pagkatapos ng labanan ay nakatanggap si Florante ng liham na may pirma
ng hari na nagsasaad na kinakailangan niya nang umuwi at iwan na lamang
niya ang hukbo kay Menandro. Ito palay isang patibong ni Adolfo. Ikinulong
siya, at sa kulungan niya nalang nalaman na ipinapatay na ni Adolfo ang
Haring Linseo kasama ng kanyang ama na si Duke Briseo. Di nagtagal ay
ipinatapon na siya sa kagubatan.

Florante at Laura, Pagpapatuloy., (11)



Dito nagtapos ang pagsasalaysay ni Florante. Sumunod naman si Aladin na
nagsalaysay ng kanyang kuwento.




Florante at Laura, Pagpapatuloy., (12)
Ayon sa kanya, pinarusahan siya ng kanyang ama si Sultan Ali-adab dahil
sa kanyang kaduwagan sa labanan at ikinulong siya.









Florante at Laura, Pagpapatuloy., (13)
Dapat siya ay ipapapatay ngunit dahil sa pakikialam ni Flerida, ang kanyang
kasintahan, ay ipinatapon na lamang siya sa kagubatan at ikakasal ang
kanyang ama sa kanyang kasintahan.





Florante at Laura, Pagpapatuloy., (14)
Nagambala ang kaniyang pagsa-salaysay ng makarinig sila ng tinig.
Ikinikuwento ng isang babae ang tungkol sa kanyang pagtakas sa
pagpapakasal at ang paghahanap ng kanyang tunay na minamahal sa
kagubatan. Sinabi rin niya na habang nasa kagubatan siya ay nakarinig siya
ng iyak ng paghingi ng tulong. Galing ito sa isang babae na ginagahasa ng
isang lalaki at pinatay niya ang lalaking ito. Nagpakilala siya bilang si Flerida.



Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Sinalaysay niya na nagtagumpay si
Adolfo sa pagsakop sa kaharian ng Albanya. Pinapatay niya si Haring Linseo
pati si Duke Briseo. Muntik na siyang magpakamatay, ngunit buti na lamang
ay dumating si Menandro pati ang hukbo. Tumakas si Adolfo mula sa kaharian
at tinangkang gahasain si Laura sa kagubatan. Hindi ito nagtagumpay dahil
pinatay siya ni Flerida.



Florante at Laura, Pagpapatuloy., (15)








Florante at Laura, Pagpapatuloy., (16)
Pagkatapos ng paglalahad ni Laura, nagsibalik na sina Florante at Aladin sa
piling ng kanilang minamahal. Pinamunuan ni Florantet Laura ang Albanya,
at ni Aladin at Flerida ang Persiya, dahil nagpakamatay ang kanyang ama
noong tumakas si Flerida. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang
dalawang kaharian.



Wakas.


Pangkat III, Miyembro at Papel
Olorvida, Roman Jr. Florante
Picardal, Nicole Angela Laura
Fetalvero, Junel Clinton Aladin
Cabanilla, Catherine Flerida
Poso, Mark John Haring Linseo
Rodriguez, Joshua Duke Briseo
Singson, Ma. Fredilyn Prinsesa Floresca
Jerez, Justine Adolfo
Velasquez, Joshua Eduard Menandro,
Heneral Osmalik
Valen, Cherlyn Hope Antenor
Valerio, Andrea Nicole Extra
Habana, Shaine Gwyneth Extra
Galicia, Michaela Extra
Palisoc, Judy Anne Extra
Catain, Jathniel Extra

You might also like